Chapter 4

20K 328 5
                                    

"Naku, pasensya na talaga senyorita Krayol." ulit muli ni aling Libeth.

"Ayos lang ho. Pauwi na rin naman kami." nilingon ko ang lalakeng nakabuhos sa akin ng juice.

Malayo na ito sa amin pero kita ko pa rin ang hindi maipinta niyang mukha. Napakunot noo ako nang bigla siyang sumulyap sa aming gawi.

I rolled my eyes. The heck of that guy. How dare him insulting me awhile ago. He didn't even bother to apologize after pouring on me the liquid.

I focused on my wet clothes, then I heard my friends snickered. I know, they saw everything.

"Suplado pala si kuya sa personal." nang-aasar na sabi ni Lyra.

"What his word again?" Quinna.

"Malaki.." Lyra replied shortly.

"Ang daan!" they said in unison before laughing out loud.

"Girls, shut up! Or you will experience my day!" I glared them. And thanks heaven, I made them shut.. for a moment, coz I heard them again.

Muli ko na namang sinulyapan ang nakakainis na lalakeng iyon ngunit nawala na siya sa paligid. Ipinaglihi ba siya sa kabute?

"It must be love!!"

"Kaya lang mukhang allergy sayo." tawa ni Quinna.

"Yeah. I noticed too." Shilin's added.

"Halos itulak ka palayo sa kanya. Kaya naman nabuhos sayo iyong juice!" eksaheradang sabi ni Quinna.

"Are you done, girls? Are you done talking about me? Really? In my face?!" inis kong tanong sa kanila.

"Okay, shut up na kami." Lyra zipped her mouth.

Bumalik sa aming pwesto si aling Libeth at may dala na itong puting tela.

"Magpalit kana muna senyorita, baka sipunin ka dahil dyan sa basa mong damit." iniabot nito sa akin ang isang puting loose dress?

"Naku, hindi na ho. Ayos lang ako." tanggi ko at ibinalik ang damit. "Susunduin na kami ng asawa ninyo. Kaya hindi ko na kailangan magpalit, pauwi na rin naman kami ng mga kaibigan ko."

"Naku baka matagalan pa iyon kaya wag ka nang mahiya anak. Malinis naman ng damit na ito." ngiti niya.

"Tama, magpalit kana Krayol. Mukhang malagkit yang nasa damit mo." napapangiwing sabi pa ni Quinna.

Medyo malagkit nga lalo na't may kainitan ang panahon.

"Saan ho ba siya pwedeng magpalit?"

"Merong banyo sa likurang bahagi nitong gilingan. Sasamahan na kita senyorita." aya nito sa akin palakad.

"Sandali lang girls." paalam ko sa aking mga kaibigan at humarap sa aming dinaraanan.

Hindi naman kalayuan ang banyo mula sa pinanggalingan namin kanina.

"Ako na lang ho." nauna na ako papasok sa banyo.

"Sigurado ka senyorita?"

"May tubig naman sa loob hindi ba?"

"Ah, oo meron." napakamot pa ito sa kanyang braso.

"Sige ho, salamat." diretso na ako sa loob at isinara ang pinto.

Wala akong natagpuang salamin para sana makita ang aking hitsura kaya naman tinungo ko na ang lababo. Na nasa gilid ng maliit na banyong iyon. Malinis naman ito kahit yari sa kahoy. Binuksan ko ang gripo at mayroon nga itong tubig. Naghilamos lamang ako at unang hinubad ang aking blouse, pinagmasdan ko pa ang aking shorts at napalabi. Paborito ko pa naman ang puting shorts ko na ito. Ngunit ngayon, mayroon na siyang mantsa. Isinunod ko nang hubarin ang aking shorts. Binasa ko rin sa tubig ang aking blouse at ipinunas iyon sa malagkit kong katawan.

His 18 Year Old Wife Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon