"Would you let this crazy jerk be your man?.."
Kendall's POV
Nang makarating ako sa taas may narinig akong kumakanta ng....
Back at One by Brian McKnight
Si Jeydon..
(Now playing: Back at One by Brian McKnight)
(Author: paki play nalang po. Nakakatamad kasi mag type eh)
*Fast Forward*
Sino yung kinakantahan nya? Ako? O iba?
Unti-unti syang lumapit saakin habang ako pakunot ng pakunot ang noo
"Happy Birthday!" bati nya saakin
'Ouch'
Umaasa. Umaasa ako na may sasabihin sya umasa ako na sasabihin nyang mahal ako. Ako naman si tanga umasa. Tanga ko din eh :-(
"T-Thank y-you Jeydon" utal-utal kong pasasalamat sakaniya. Ngumiti lang sya at tumalikod
</3
Lumabas muna ako sa parang bahay na ito at dumeretso sa pool. Paasa--- ay ako pala ang umasa. Wala naman kasi syang sinabi na umasa ako eh kaya hindi sya paasa
Mahal ko si Jeydon.. Mahal na mahal.. Unang kita ko palang sakaniya nagkagusto na ako, sana kung alam ko lang na aabot sa ganito itong nararamdaman ko sakaniya ay sana matagal na akong lumayo at sana hindi pa umabot sa ganito. Yung nasasaktan ako
"Bakit ka umiiyak?"
"Ay mahal ko si Jeydon" O_O
"Anong sabi mo mahal mo ako?!" tanong nya
*gulp*
"H-huh? Ikaw m-mahal ko? Nag j-joke ka ba? Hehe. W-wag kang mag assume, don't worry hindi kita mahal nagulat lang ako sayo kaya nasabi ko yun" Liar. Lahat ng sinabi ko sakanita puro kasinungalingan
"Ahh bakit ka umiiyak?" tanong nya
"Ahh ano... Ano ito..." saglit na napahinto ako. Ano nga ba ang idadahilan ko? "Ano ito... tears of joy" sagot ko at umiwas ng tingin
"Kendall.."
"Hmm?"
"May sasabihin ako"
"Ano?"
"May babae akong minamahal kaso mukhang hindi nya ako mahal eh"
'Ouch'
Shunga shunga mo talaga Kendall, umaasa ka pa na mahahalin ka nya eh may iba na nga syang mahal at hindi ikaw yun
"Si Kendall.. sya ang mahal ko"
</3
Ang tanga ng puso ko. Buti pa si Candy mahal nya eh si Kendall Sana Park mahal ba? Diba hindi?
"Mahal mo pala si Candy" sabi ko nalang
"Pffft." napatingin ako sakaniya. Halos umiyak na sya kakatawa samantalang ako umiiyak na sa sobrang sakit
"HAHAHAHAHHAHAHAHA ang tanga mo na nga binge ka pa"
Oh diba ang masama? Mas lalo tuloy akong naiyak :'(
Tumigil sya sa pagtawa at kinanta ulit ang Back at One. Mas lalo tuloy akong naiyak, Im sure kakantahan nya si Candy ako lang ang kinakantahan nya ngayon para tanungin nya kung ayos lang ba huehue
"Ayos ba?" tanong nya. See? Tama nga ako
"Oo naman. Ganda nga eh. Ganda mong patayin kasama yung Candy mo" sagot ko pero pabulong nalang yung sa huli
"Kendall?"
"Ano nanaman?!" this time galit na talaga ako. Nagagalit ako sa kaniya dahil sa selos
"Would you let this crazy jerk be your man?"
Nagulat ako sa sinabi nya. Ayy tanga hindi para saakin yan para kay Candy yan
"Speech mo para kay Candy?" tanong ko
And again tumatawa nanaman sya. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?!
"Sinong Candy?" tanong nya
"Ay tanga edi yung mahal mo. Diba Candy pangalan nun?" iritang tanong ko
"I love you Kendall Sana Park" sabi nya. Ano daw? Ang pagkakarinig ko "I love you Kendall Sana Park"
"Ewan ko sayo"
"Again.. Kendall"
"Ano nanaman?"
"Look at me" tumingin naman ako sakaniya "Would you let this crazy jerk be your man, Kendall?"
Nagulat ako sa sinabi nya. Tama ba ang rinig ko? Kendall ang sabi nya at hindi Candy? Nagulat ako ng bigla nya akong i-kiss sa lips
"I love you Kendall"
"I love you too, crazy jerk" sabi ko at ngayon ako naman ang humalik sakaniya
"Tayo na?" tanong nya. Tumango naman ako, aba! Magpapaka choosy pa ba ako eh nasa aakin na sya ngayon?
***
Next story naman sila Yoona and Lance. Mag hintay muna kayo ng ilang chapter bago ang story nila. Tapos na ang love story ni Kendall at Jeydon
Well nag update si Elle ngayon. Masaya kasi ako ngayon eh :) alam nyo kung bakit? Eh kasi kinikilig ako sa Hunter X Hunter kahit na wala naman nakakakilig, eh basta kinikilig ako kapag magkakasama si Killua, Gon, Kurapika at Leorio hihi <3 lalaki po sila guys ah. Hihi yun lang. Korny ba ni author? Comment nyo lang yung masasabi nyo sa KORNY'ng update ni Elle :-)
***
(A/N: Madami akong in-edit sa part na ito. Ang jeje kasi sobra eh)
YOU ARE READING
The Gangster Academy (On-Going/Edited)
ActionPaano ba mamuhay ng normal? Yung walang problema. Walang gulo. Sa mundo nila hindi normal ang buhay nila dahil kahit anong oras pwede silang mamatay started: October 12, 2016 Ended: -----