Third Person's POV
Isang buwan na ang nakakaraan simula nung umalis na ng tuluyan ang 'Queen' o si AV at tatlo nyang kaibigan sa dati nyang grupo na 'Thunder Girls'
Kasalukuyang na sa High Class Castle sina AV ang bago nilang underground at kaya sila nandoon dahil may iuutos sakanila ang nasa itaas o tinatawag na 'Supreme Commander' o 'Supremo'
Hindi sanay sa ganto sina AV dahil sila ang nag uutos sa dati nyang underground at hindi sya ang inuutusan pero wala na silang magagawa dahil lahat dito ay legal dahil narin saklaw ito ng gobyerno. Legal silang pumatay ng masasamang tao pero bago sila pumatay kailangan muna nila ng permiso mula sa itaas o Supremo
"Ano ang iyong kailangan Supremo?" tanong ni Queen (AV) sa underground na ito hindi sila pwedeng makilala sa mukha at pangalan nila ng kahit sinong tao ang kasali dito sa underground, si supremo lang ang pwedeng makakita sa mga mukha nila at mukha alam ng totoo nilang pangalan pero sadyang matigas ang ulo nila AV kaya hindi nila pinakita ang mukha nila at maski pangalan nila sa Supremo kaya ganoon na lamang ang pagtataka ng Supremo sakanila marahil ay may lihim sila na pilit nilang itinatago pero wala ng pakealam ang Supremo sakanila dahil ang importante ay mapatay nila ang masasamang tao sa iba't ibang parte ng bansa
"Ipinatawag ko kayo ay dahil may misyon kayo na kailangan nyong gawin" -Supremo
"Tell us. I hate waiting" bagot na sagot ni AV sa Supremo kaya napailing nalang ang Supreme Commander dahil sa tuwing may misyon syang ibibigay sakaniya ang laging linya ni AV ay "Tell us. I hate waiting" or "The Queen is waiting" at sa inaasal ng mga babae sa harapan nya. Inaamin nyang naiinis sya sa mga babaeng nasa harapan nya ngayon pero wala syang magagawa dahil magagaling at malalakas ang mga ito sa labanan kaya kahit ilang araw pa lamang ang mga ito sa undergroud na ito ay madami na agad silang napatay at naitulong sa gobyerno at kay Supremo dahil wala na syang proproblemahin pa. Mabibilis din kumilos sila AV kaya sila ang madalas gumagawa ng mga misyon ng ibang kasamahan nila sa underground na hindi naman talaga dapat sila ang gagawa pero sadyang mabibilis, malakas at magagaling sila kaya sakanila nalang ibinigay ang lahat dahil wala pang isang araw tapos na ang misyon nila at agad-agad din namamatay ang kriminal dahil pinapatay nila ito o ikukulong sa kulungan ng masasang tao hindi katulad ng iba nilang kasamahan sa underground ay umaabot pa ito ng ilang linggo bago malutas ang kaso at mahuli ang kriminal
"May nagaganap na nakawan at patayan sa isang hotel sa lugar ng Jupiter street dito sa Aleuznelav at gusto kong mahuli nyo ang mga kriminal dahil mahigit 50 na tao na ang kanilang napapatay at 23 na condo unit's na ang napapasukan nila upang nakawan at patay nadin ang mga taga bantay ng hotel at nakakasigurado ako na dederetso sila sa Bangko malapit sa Jupiter Street kaya hulihin nyo na sila sa lalong madaling panahon" seryosong sabi ng Supremo sakanila kaya napangisi naman sila Uno, Dos,at Tres pero blangko parin ang expression ni Zero
(A/N: sure akong malilito kayo kung sino sila Zero, Uno, Dos, at Tres kaya dito palang sasabihin ko na)
"Zero inaasahan ko na magwagi kayo sa misyon na ito. Kayo lamang ang inaasahan ko" -Supremo
"Kelan pa ba kami natalo?" -nakangising sabi ni Zero
"Hindi nga kayo natalo pero humingi kayo ng tulong sa ibang miyembro ng HCC (High Class Castle)" -Supremo
Napalitan ng inis ang ngisi ni Zero dahil sa sinabi ng Supremo. Kung hindi kasi sila humingi ng tulong baka matagal ng pinag lalamayan ang matandang yan.
Hindi naman talaga matanda si Supremo pero sa tingin kasi ng Sh4ck's ay matanda na ang supremo nila dahil dalawamput dalawang taon gulang na ito pero hindi ito ganoon kalakas katulad nila Zero samantalang labing anim na taon pa lamang sila Zero subalit malalakas na sila
YOU ARE READING
The Gangster Academy (On-Going/Edited)
ActionPaano ba mamuhay ng normal? Yung walang problema. Walang gulo. Sa mundo nila hindi normal ang buhay nila dahil kahit anong oras pwede silang mamatay started: October 12, 2016 Ended: -----