Chapter 45

691 19 2
                                    

AV's POV

5 months later

5 months? Masyadong mahaba na yun para saakin ang haba na ng limang buwan para magtago saaking nakaraan

Sa loob ng limang buwan madami akong natutunan. Katulad nalang na mag track ng code, maglutas ng krimen, maging isang ganap na myembro ng High Class Castle

At gustohin sya ng palihim

Sa loob din ng limang buwan nayon nakita ko sila. Talagang hindi sila tumitigil na hanapin kami

At nitong mga nakaraan buwan nawawala si Kim. Batid kong hawak-hawak lang nila Kendall si Kim dahil nitong nakaraan buwan lang may nagtext saamin kung tama ang pagkakaalam ko '666' ang dulo ng number ni Kaite kaya di na kami nabahala na hanapin pa syang muli. Kung sakaling mali man ako kaya na nya ang sarili nya malakas naman sya eh

Pero ang punyetang Supreme Commander ay hindi mapakali kakahanap sa nawawalang si Kim Dalla Park. Shunga kasi yun kaya nawala. Tss!

Kung itatanong nyo kung nasaan kami? Nandito lang naman kami sa kuwarto ng mga supreme leader's (A/N: eme lang yan HAHA) kung itatanong nyo kung bakit ako nandito, tss isa na ako sa mga supreme leader

Tinitignan ko si Xiancy na di mapakali sa kaniyang kinauupuan. Napabuntong hininga nalang ako. Batid kong may gusto sya kay Kim alam ko yun dahil bukod saakin sila ni Kim ang madalas magkasama kaya di nalalayo na magustuhan nya ang bobitang yun

Kung sa itsura ang pagbabasehan maganda si Kim at gwapo si Xiancy parehas din silang malakas yun nga lang mas malakas si Kim kumpara kay Xiancy

"Paano natin hahanapin si Kim?" Tanong saakin ni Xiancy. Kibit balikat lang ang tinugon ko sakaniya. Pake ko ba sa babaeng yun? Tss

"Wala talaga akong maasahan sayo" iiling-iling na bulong nya. Tsk! Bubulong bulong pa sya dyan eh rinig ko naman. Binato ko nalang sya ng plastic bottle na may lamang tubig

"Wag mo ng hanapin yun. Alam namin kung nasaan sya at nasisigurado akong nasa panget at magaspang syang kamay ngayon" kunot noong sabi ko sakaniya

"Talaga?!" Gulat na tanong nya kayq napatango ako ng sunod-sunod

"Kung ganon nasaan sya?" Tanong nya. Napailing at napabuntong hininga nalang ako sa harap nya. Mabango naman hininga ko kaya di na ko nahihiya pang magbuntong hininga sa harapan nya

"Di ka talaga marunong mahiya noh? Tsk!" Irap nya. Pansin ko lang mas magaling pa syang umirap kesa saakin. Bakla ata tong kumag na ito eh

"Nandun lang sya sa mabuting kamay. No one can harm her anyway" irap ko sabay alis

***

Kasalukuyan akong nasa itaas ng hotel na tinutuluyan ko. Di nanaman kasi ako makatulog. Napangiti na lamang ako ng maalala kong muli nung huling beses akong umakyat dito sa taas ay pumunta din dito si Xiancy

Kumuha ako ng isang stick ng yosi sa lalagyanan nito at sinindihan ito ng lighter. Hinithit ko ang yosi at ibinuga naglikha pa ito ng tatlong bilog kaya naman ay ako'y natuwa at humithit ulit ng isa pa (A/N: sa mga nagyoyosi dyan oh! Sorry di ko alam kung paano mag yosi eh kaya eme nalang)

Third Person's POV

Habang nagyoyosi si AV may napansin syang nagmamasid sakaniya. Napatigil sandali si AV at napangisi ng palihim

Ramdam nyang di lang isa ang nagmamasid sakaniya. Marami sila. At sa pagkakatantya nya ay lima ang nagmamasid sakaniya

Tumayo sya at itinapon ang sigarilyo na kanina-nina lang ay hinihithit nya. Nanghihinayang pa sya dahil malaki pa ang yosi pero wala na syang pake dahil mas naeexcite sya sa labanan na kung sakaling mangyayari ngayong gabi

Kinuha nya ang kanyang pistol sa belt nya at palihim na napangisi

"Pag bilang ko ng lima dapat wala na kayo. Isang putok ko lang ng pistol na 'to patay kayo at sisiguraduhin kong sa bungo nyo tatama"

"Sa tingin mo matatakot mo kami?" Nakangising sabi ng isang istranghero

"HAHAHAHA sa ngayon hindi, pero kapag pinabagsak ko ang isa sainyo sisiguraduhin kong tatakbo kayo maligtas lang buhay nyo" tila nababaliw na sagot ni AV

Ibinato ni AV ang swift knife sa may pekeng mga bush. May lumabas na lalaki na di nya kilala ang nangingisay doon sa bush

Tumama ang swift knife na ibinato ni AV sa leeg ng lalaki. Tumitirik ang mga matang hawak ng mga sarili kamay ang leeg kung saan nakatarak ang swift knife. Lumipas ang ilang segundo ay nawalan na ito ng hininga

Napangisi ng malaki ang dalaga at mukhang nasiyahan pa sya lalo sa nakita nyang dugo

"Panibagong dugo nanaman ang maiinom ko" nakangising sabi ni AV

Lumapit sya sa bangkay at sinaksak ulit ng ilang beses ang leeg ng lalaki di pa sya nakuntento kaya pati noo nito at sinaksak nya

Nang makuntento na sya ay tsaka nya dinilaan ang swift knife nya na may dugo pa

Lumingon sya sa apat na lalaki na nakatayo sa harapan nya. Binigyan nya ito ng seryosong tingin

"Pag bilang ko ng lima dapat wala na kayo dito sa tapat ko. Tumakbo na kayo bago pa kayo matulad sa lalaking ito" sabay turo ng dalaga sa lalaking patay

Lumipas ang limang segundo ay wala na ang apat na lalaki. Sinimulan nyang habulin ito

Di pa man nakakalayo ang isa ay pinaputukan nya ito ng bala ng baril. Di ito nakalikha ng kahit na anong ingay dahil may silencer ang baril nya

Tumama ang bala sa batok ng lalaki at tumagos ito sa may lalamunan. Hinila nya ang paa ng lalaki habang ang mga dugo nito ay patuloy na tumutulo

Pinutol nya ang bawat parte ng katawan ng lalaki at itinapon sa malapit na ilog sa hotel

***

Author: Hellooooo I'm back na. Ngayon lang ako nag update ulit after 6 months owemjiiiii!!! So ayun see you sa next update. Mwahh!

The Gangster Academy (On-Going/Edited)Where stories live. Discover now