Chapter 32

1.3K 50 1
                                    

AV's POV

Tinutukan nila kami ng mga armas. Walang nakatingin kay Kim kaya dahan-dahan nyang pinuputol ang lubid

"Fuck you asshole!" sigaw ni Kim kaya napatingin sakaniya ang ibang kalaban. Sumenyas ako kay Joshua at agad na kinasahan ang baril at inihanda ang tatlong maliliit na kutsilyo

Pinaputukan ko ang tatlo sa ulo at agad na nagkagulo ang iba. Ganun din ang ginawa nila Joshua at Kim, kumuha ng baseball bat si Kim at inihampas ito sa mga ulo ng kalaban

*BANG*

Fuck!

Binaril ko ang taong bumaril sa balikat ko at sinugod ang iba. 9 na ang napatumba 11 pa ang natitira

Ngumisi ako at ibinaba ang mga armas at itinaas ang dalawang kamay na tanda nang pagsuko

Hinila ako ng lalaki kaya napangisi ako. Tumingin ako sa paanan nya at nag hulog ng bomba at sinenyasan si Kim na umpisahan ang timer ng bomba. Tinulak ko ang lalaki at pinaputukan sya sa paa at hinila sila Joshua at Kim. 3 minutes lang iyon,

Tinawagan ko ang iba at sabihing lumabas na ng building. Hindi na kami sumakay ng elevator at tumakbo na sa hagdan

Nag i-i-slide kami sa hawakan ng hagdan upang mapadali ang pagbaba namin, malapit na kami sa main gate kaya tinanong ko si Kim kung ilang segundo nalang, merong apat na malalaking bomba ang iniwan namin sa bawat palapag

"Ilang segundo nalang, Kim"

"5 seconds"

5.....4.....3.....2.....1..... *BOOM*

Nang makalayo kami sa main gate ay agad kong tinawagan sila Yoona

"Asan kayo?"

"S-si Kaite... Napasama sa pag sabog" mabilis na sagot ni Yoona. Fuck!

Pumasok ako sa loob ng building kahit na umaapoy pa. Kailangan kong makita si Kaite! Kasalanan ko ito kapag napahamak sya!

Mga ilang minuto ang lumipas may narinig akong umuubo at tumatawag sa pangalan ko

"A-AV tulong" lumapit ako ng makita ko ang katawan ni Kaite. Shit! May pader sa likod nya. Ang laki nito! Tumingin ako sa ibang parte ng lugar, nakita kong lumalaki ang apoy at bumabagsak ang ibang parte ng building. Dinial ko ang number ni Joshua at pinapunta siya dito sa pangalawang palapag

Binuhat ko ang nasa likod ni Kaite, kahit mabigat ay kinaya ko. Nakita ko si Joshua at Patrick na papalapit, lumapit si Joshua saakin samantalang si Patrick ay tinulungan ang girlfriend nyang si Kaite. Inalalayan din ni Joshua si Kaite at nauna na sila saakin

Tumingin ulit ako sa paligid at patuloy parin ang paglaki ng sunog at ang pagbagsak ng ibang parte ng building

Habang tumatakbo at nadapa ako. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko pero wala ito doon. Pinilit kong tumayo kahit masakit at pilit na tumakbo din

Malapit na ako makalabas ng biglang nagdilim ang aking paningin

Itutuloy..

***

The Gangster Academy (On-Going/Edited)Where stories live. Discover now