A/N: THIS CHAPTER WILL ONLY LAST FOR 1500+ WORDS. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KO PA NAISIPANG GUMAWA NG SPECIAL CHAPTER NILANG DALAWA. :\
----------------------------------------------------------------------
FIWSWH 6.5 || WHAT COMES 'AFTER' THE AUDITIONS?
----------------------------------------------------------------------
CALLI'S POV
GHAAAD! Bakit ko ba naisipang sumayaw kasama si Oli? Bakit pinalista ko ang pangalan ko bilang ka-partner niya sa sayaw? Baka isipin niyang papansin lang ako sa sayaw niya? Baka isipin niyang gusto ko siyang maging ka-partner? At higit sa lahat baka isipin niyang may gusto ako sa kanya? Ang daming nabubuong mga katanungan sa isipan ko.
Habang sumasayaw kami ay sinusubukan kong alalahanin ang mga steps niya kaya nagulat ako nang biglang nagbago ang mga steps niya kaya naman ginawan ko ng alibi ang mga steps. Hindi na ako nagtaka kung bakit niya ako binuhat. Maganda naman yung kinalabasan di ba? Pero I admit that pinamulahan ako ng mukha nung binuhat niya ako. Ngumiti nalang ako para hindi halata na nahihiya ako.
Pagkatapos ng performance namin ay nagsipalak-pakan ang mga tao at mga aming kapwa kalahok. Masaya pala sa pakiramdam na hindi mo alintana ang maraming manunuod kasi masaya ka sa ginagawa mo at sa kasama mo. Nagbow kami at bumaba na sa stage.
'Ang galing niyo!'
'Hindi ko alam na marunong sumayaw si Calleah!'
'OMG! Nakita natin na sumayaw si Zane! This is a great opportunity, come on guys!'
'Sila ba?'
'Kung sila, bagay na bagay silang dalawa!'
Hindi na ako magugulat kung kami ang laman ng tsismis ngayong araw. Kami, bagay? Hindi ko alam. Atsaka, di naman kami! Ano ba naman iniisip ng mga madlang people ngayon? Sumayaw lang kami, kami na agad? Mga assumera! (-_- +)
Napansin kong pinagpapawisan na si Oli, hindi naman kasi hinubad ang sweater siyempre pagpapawisan talaga siya ng matinde kaya naman pumunta na ako sa bleachers at kinuha ang extrang towel. Pagkakuha ko ay pumunta na ako sa kanya at binagay sa ang extrang towel ko na dala ko kapag may EMERGENCY cases katulad nito.
"Anong gagawin ko diyan?" nakakunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang towel na in-offer ko sa kanya.
"Baka pampalo ko sayo, malamang pamunas mo ng pawis. Baka magkasakit ka pa." di ko na tinuluyang binigay sa kanya ang towel bagkus ay ako na ang nagpunas sa kanya.
"Doon muna tayo sa bleachers, uminom ka ng tubig." yaya ko sa kanya. tumango naman siya at sumunod sa akin.
Nung nasa bleachers na kami ay inabot ko sa kanya yung Mint Green niyang water bottle. Ininuman niya na ito habang ako naman ay kinuha ang sarili kong towel at pinunasan ang pawis ko. Habang nagpupunas ako ay napansin kong nakatingin siya sa akin.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko.
"You did a great job out there." sabi niya habang nakatingin sa akin at dahil doon ay pinamulahan ako ng mukha at napaiwas ng tingin. Yan na naman yung mga tingin niya! Nakakailang!
YOU ARE READING
Falling In Love With Shin Won Ho (SLOW UPDATE)
FanficHe is broken. She is wounded. She is ready to fall in love but he is still trapped in the past. Can two souls mend each other's heart? Or they would end up hurting each other over and over again? Can being together make them whole or can only des...