Chapter 8

16 3 0
                                    


Malapit na rin itong matapos kaya hintay hintay lang po kayo! :>


***


Mukhang pwedy ngang pasukin ang katawan niya dahil naka red light ang puso niya. Isa sa mga katangian ko ay malalaman ko kung saan mahina ang tao specific; anghel lang ang pwedy kung malaman. 

Isang costumer nalang at pwedy ko na siyang kausapin. Kakausapin ko siya para atleast alam niya na papasok ako sa katawan niya. Isa sa rule namin ay kailangang malaman ng isang tao na papasukin niyo kung hindi magiging permanente ka sa katauhan na ito. May nakita akong bilog na salamin sa harapan niya kaya doon ako pumwesto dahil alam ko makikita niya ako at hindi naman ako nagkamali, nakita nga niya ako.


" Umalis ka na." sabi niya na parang wala lang sa kanya ang nakikita niya ngayon KAYA humarap muna ako sakanya.


" Alam mo kung ano ako?" 


" Kung hihiram ka sa katawan ko, bumalik ka nalang bukas."


May mga katanungan akong nais sagutin niya kaya sabi niya babalik nalang daw ako bukas ng gabi sa park kami magkikita. Ang weird lang dahil bakit parang sa tingin ko marami na ang nakahiram ng katawan niya. 

Wala pa naman akong gagawin dahil hindi parin naman nila ako makikita kaya minabuti ko nalang puntahan si Raphael baka kung ano na ang pinang gagawa niya. Ahhh---- hindi bukas nalang kapag nakahiram na ako ng katawan niya.


Hinintay ko lang siya na matapos hanggang sa gabi para hindi niya malimutan ang sinabi niya. Alas syete na ng gabi kaya out na siya dahil nandoon na ang isa pa niyang kasama. Palabas na siya ng makita niya ako sa upuan. Hindi man lang niya ako pinansin kaya sinundan ko nalang siya.


" Ako nga pala si Amesha. " pagpapakilala ko sa kanya, pero tahimik lang siyang naglalakad

Wala pa rin siyang imik hanggang ngayon kanina pa kami naglalakad kaya tinanong ko nalang siya hanggang sa sumagot siya.


" Pahiram muna ng katawan mo kung pwedy? kahit isang buwan lang?"


Medjo nauna siya saakin ng kunti kaya hinarap niya ako at kumuha ng cellphone kunwari may katawag siya para hindi siya mapag kamalan na baliw.


" Anong rason mo?"

Walang expression sa mukha niya at blanko lang ito. Ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari saakin at paano ako nakagawa ng isang option at iyon ay siya. 


" Okay lang kung ayaw mo. Bawal rin naman kasi saamin ang manghiram ng katawan ng hindi sumasang-ayon."

Tumalikod na siya at naglakad na papalayo. Wala rin naman akong choice kundi sundan muna siya baka kasi papayag siya kahit alam kung hindi na.


***


" Kilala mo ba ako?"

Humarap siya sa malaking salamin at sinuklayan niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay.


" Oo. Kilala kita."


Huminto siya sa pagsuklay at humarap saakin. Makikita mong may lungkot ang mga mata niya alam kung tatanungin niya ako sa kanyang pagkatao pero nagkakamali ako hindi niya ako tinanong ng mga bagay tungkol sa sarili niya.

My Ugly Angel (EDITING)Where stories live. Discover now