Chapter 49:

1.7K 22 1
                                    

Angel's PoV

Handa na humarap sa korte ang lahat. binasa muna ang kasong sinasakdal o binabato kay Shin. unang tinawag si Julia pagkatapos nun ay pinahawak sa kanya ang isang libro at nanumpa sya na sasabihin nya ang lahat ng katotohan sa harap ng maraming tao at hindi kailanman magsisinungling.

"binibinging Julia, asaan ka nung gabing nangyari ang panggagahasa sayo?" un ang unang tanong ng abogado sa kanyang kampo

"nasa mismong bahay po ako nung mga oras na yun" sagot ni Julia na para bang takot

"maari mo bang ikuwento sa lahat ang nangyari?"

"Opo, gabi na yun kasama ko si Shin dahil masama ng pakiramdam ko at sinabe nyang ihahatid nya ako sa bahay at nakarating nga kame inakay niya rin ako papunta sa kwarto ko kaya lubos akong nagpasalamat sa kanya tinitigan ko sya at mukha siyang problemado hanggang tumatawag sa kanya si Angel madali nya itong sinagot pagkatapos nun ay nagbago ang itsura nya at sumigaw sya sa cellphone saka humarap sa akin" biglang tumulo ang luha ni Julia sa pisngi nito

"Ms. Julia pasensya na pero kailangan mong ituloy ang kwento sa karahasang dinanas mo sa kamay ng lalaking ito"

nagbulungan ang mga tao sa likod namen

"pasensya na po itutu-- itutuloy ko na po, lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang mukha nya dahil nag-alala ako kaibigan ko po sya pero hindi ko akalain magagawa nya yun sakin. bigla nyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. sinabi ko sa kanyang nasasaktan ako pero halip na bitawan nya ako ay ginaladgad nya ako sa may loob ng kwarto ko agad nya ding nilock ang pinto"

nagulat ang lahat ng tumayo si Shin at nagsalita

"Alam mong hindi ko kayang gawin yun Julia!" galit na sigaw ni Shin

tinaas ang kamay ng judge "Proceed"

"Ms. Julia pakituloy po ang inyong pahayag"

hinawakan ko ang kamay ni Shin tinitigan ko sya nakita nyang suot ko ang singsing na bigay ninya

"sumigaw ako tinatanung ko sya kung anong balak nya ata maawa sya sakin"

Kitang kita ko ang pagiging best actess ni julia kahit ako mapapaniwala nya sa sinasabe nya..Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa kundi haplusin ang likod ni Shin. Pinipilit kong hindi maiyak kahit nagigilid na ang luha sa mata ko.

"Bakit hindi niyo tignan ang ibedensya? Kung ako ba ay hindi nagsasabi ng totoo bakit kailangan ko pang magawa ng eskandalo nakataya ang buong pangalan ng pamilya ko, sinong matinong babae ang haharap sa publikobpara lamang pagtawanan" sabi ni julia sabay tulo ng luha nya.

"Maari mo bang ituro sa hukumang ito ang bumaboy sayo?"

Walang alinlangan ay tinuro ni Julia si Shin

"KALOKOHAN YAN!! ALAM MONG HINDI KO KAYANG GAWIN ANG SINASABI MO!"

"Ako.. Ako po ang binaboy ako pinilit sumalo sa lahat ng galit nya"

Nakita kong nagusap-usapan ang lahat tumingin ako kayShin galit ang mukha nya at alam kong nanghihina na rin ang loob nya. Mayamaya ay tumayo na ang abogado nadumedepensa kay Shin at lumapit ito sa unahan para ihain ang kanyang katanungan.

"Binibinging Julia, nais ko lang sana na magtanong sa iyo, ano ba ang relasyon mo kay Shin Fridmon?"

"Kaibigan ko po sya?"

"Kaibigan ang ba talaga? O dati mong karelasyon?"

"Aaminin ko po nagkaroon kame ng relasyon pero matagal na yon"

"Kung ganoon nagkaroon nga kayo ng relasyon, matapos noon nagkaroon ka ng bagong kasintahan naalalamo ba si Bryan Mclunel? Siya yung nakakulong ngayon sa salang athemted rape kay Angel na ex wife ni Shin Fridmon na sanasabi mong nambaboy sayo?"

My Prince Turn to My Arrogant Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon