Nandito na ako ngayon sa park at hinihintay si Renjun kahit alam kong posibleng di siya pumunta. Medyo napaaga ako nang pagpunta rito dahil 5 PM pa naman ang sinabi ko sa kaniya at 4 PM pa lang ngayon.
Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng nangyari noon kung bakit ako umalis at kung bakit ko siya iniwan. Alam kong galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon, pero ito siguro ang tama. Ang sabihin sa kaniya lahat bago pa ako mawala sa mundong ito.
Ayoko siyang iwan ulit. Kung nasasaktan siya ay mas nasasaktan ako. Sana pakinggan niya ako kahit ngayon lang. Tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Jaemin sa callers i.d.
Jaemin calling..
answer | decline
Hindi ko muna sinagot ang tawag ni Jaemin dahil alam kong pupuntahan niya lang ako rito at sasabihan na umuwi na dahil masama sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/109284178-288-k293584.jpg)
BINABASA MO ANG
sweetest downfall ›› renjun
Short Story❝mahalin mo naman ako, mamatay na nga ako eh!❞ ➵ Huang Renjun ➵ neo series #1 ➵ epistolary x narration start: 17.04.05 completed: 17.05.17