Rylee arrived at the park and saw Renjun on the swing. Medyo nag-aalangan pa siyang lumapit dito pero nagawa niya rin. Umupo naman siya sa bakanteng swing na katabi nito.
"Hey." Bati ni Rylee sa lalaking naghihintay sa kanya.
"Akala ko 'di ka pupunta dahil tinataboy kita."
"Ikaw pa ba? Hindi naman kita matitiis." Ngumiti ito ng mapait.
"Let's get straight here. Why did you left me?"
"Nagkasakit ako Ren.."
"So, you're not lying about your sickness?"
"I'm not lying. Why would I do that?"
"I don't know, baka lang maisip mong gawin. Hindi mo nga naisip dati na iwanan ako eh, pero one day nagawa mo na. Tell me the whole story, gusto kong malaman. Ipaintindi mo sa akin." Sincere pero may halong sama ng loob ang pagkakasabi ni Renjun.
"Pinapunta mo ba ako rito para sumbatan?" Asked Rylee.
"No, I just told you what I feel. Sorry, continue."
"I left you because the doctor told me that I have a heart disease. Kaya pala madalas akong mapagood noon tuwing lumalabas tayo kahit hindi naman nakakapagod ang activities natin."
"And? That's the reason why you left me?" Hindi makapaghintay na tanong ni Renjun.
Tumango si Rylee. "I didn't know what to do at ayokong sabihin sa 'yo dahil ayokong makadagdag sa problema mo, let alone maging pabigat sa 'yo. I love you and I don't want to leave you, pero natakot ako dahil baka iwanan mo ako 'pag nalaman mong may sakit ako. I went to US para magpagamot.. gumaling ako."
"Did you really think na iiwanan kita pag nalaman kong may sakit ka? Ang unfair mo naman para pag-isipan ako ng gano'n. Alam mong nandito lang ako tuwing kailangan mo ako, pinangako ko 'yon sa 'yo 'di ba? Sana nasa tabi mo ako nung mga panahon na 'yon." Malungkot at inis na tugon ni Renjun.
"I flew back here para balikan ka, pero hindi nagtagal bumalik din ang sakit ko Ren.. mas lumala. That time, sumuko na ako. Sabi ko sa sarili ko, ang last wish ko ay ang mahalin ka at mahalin mo ako ulit, but I'm late. Hindi mo na ako matanggap. Galit ka na sa akin."
"Why didn't you tell me? I felt so empty nung umalis ka. Tutulungan at sasamahan naman kitang magpagaling e, you know I'll stick with you, pero nilayuan mo ako-"
"Hindi na ako magtatagal Ren." Putol ng dalaga kay Renjun.
"'Wag ka ngang magsalita ng ganyan."
"Hindi na kita guguluhin dahil nagagalit ka lang sa akin saka mawawala na rin naman na ako. Siguro, baka may iba ng nagpapasaya sa 'yo at hindi ako 'yon. Hayaan mo na lang akong mahalin ka and don't worry you don't have to return my love, hindi mo 'yon obligasyon."
Tumulo na ang luha ni Rylee dahil sa sobrang lungkot niya. Hindi pa rin niya matanggap na mawawala na siya sa mundong 'to at hindi pa niya nakakasama ng matagal si Renjun.
"I still love you. Hindi nagbago 'yon kahit noong iniwan mo ako. You're one of a kind person at ayokong mawala ka, pero masakit pa rin sa akin ang maiwan Rylee."
"You came back pero may balak ka na namang iwan ako. Ano ba 'to, Rylee? Second round? Hanggang isang round lang ako, hindi ko kayang pagdaanan ulit lahat ng sakit na 'yon. I need time to think, please wait for me." Nanlalambot na tugon ni Renjun.
Umalis si Renjun nang may mabigat na loob. Siya ang nagbitaw ng mga salitang 'yon, pero hindi lang si Rylee ang nasasaktan. Hindi rin madali para kay Renjun na sabihin sa dalaga ang mga salitang iyon lalo na't alam niyang may espesyal na lugar pa rin si Rylee sa puso niya. Sa lahat ng pinaka ayaw at nasasaktan si Renjun, ito ay ang iwan siya. Dahil ang unang taong dapat kasama niya ay iniwan siya.
Nasa murang edad pa lang si Renjun noong mawala ang mama niya. Ang unang taong dapat kasama niya. Dumating at pumasok sa buhay niya si Rylee noong mga bata pa lamang sila. Present ito sa paglaki at pagtupad ng mga pangarap niya. Sa lahat ng up and downs, madali o mahirap, masaya o malungkot, nasa tabi niya ito kung kaya't sobra na lamang ang sakit na naramdaman niya nung iniwan siya ng dalaga nang wala man lang paalam o raason kung bakit.
Pakiramdam ni Renjun ay nawala siya. Pilit na hinahanap at iniisip kung ano ba ang mali. May nagawa ba siyang mali? May ginawa ba siyang hindi dapat? Hindi pa ba siya sapat? Saan ito nagkulang? Hindi rin naging maganda ang epekto ng mga ito sa binata. Sobrang hirap ng pakiramdam na para siyang nawawala at hindi alam kung saan pupunta at kung papaano makakalabas sa dilim na ito.
"I'm sorry, Renjun. Akala ko mas makakabuti ang pag-iwan ko sa 'yo, pero mas lalo lang kitang nasaktan. Patawarin mo ako, Renjun.. naging makasarili at duwag ako." Bulong ng dalagang naiwang nakatayo sa papalayong si Renjun.

BINABASA MO ANG
sweetest downfall ›› renjun
Short Story❝mahalin mo naman ako, mamatay na nga ako eh!❞ ➵ Huang Renjun ➵ neo series #1 ➵ epistolary x narration start: 17.04.05 completed: 17.05.17