Chapter 1 : His Back ♡
Gabriela 's Pov
" Gooooo Weeest ! Whooo " cheer ng mga kaschoolmate kong tutok na tutok sa laban ng basketball sapagitan ng West Saxon University at Northumbrian Academy kanina pa dikit na dikit ang laban tila ba walang gustong magpatalo sa magkabilang grupo .
Ako ? Heto nakaupo lang kanina pa , nakasalpak ang headset at nakikinig sa musika habang bored na bored na nanunuod ng laro nila . Hindi naman sa hindi ako nagagalingan sakanila sadyang hindi lang talaga ko fan ng panunuod ng mga gantong bagay .
Nandito lang naman ako para samahan tong si Kath na manuod netong basketball game kuno ng bebe niya halos matanggal na nga ang ngala ngala niya sa kakasigaw kanina pa .
"Kent Medinaaaaa ! Kaya mo yaaaaan ! " sigaw ni Kath na para bang nakuryente na sa sobrang tuwa , tumingin naman sakanya si Kent saka ngumiti at ipinasok ang bola sa ring
" Waaaaaaah ! Nakita mo ba yon Gabriela ! Nginitian ako ni Keeeeent " sigaw niya saken matapos hablutin ang headset na nakasalpak sa tenga ko
" Oo na ! Kathrina Marie Nakita ko di mo kailangan sumigaw be . Full volume na yung phone ko rinig ko paden yang tili mo dyan sa Kent na yan ! " pagmamaldita ko
Napasad face naman si bruha at parang nagmamaktol na batang umupo sa tabi ko " Ihhh , kase naman e ngayon na nga lang ako makakapanuod ng game niya kase diba nasa Canada siya last year " ayan umiral nanaman ang pagkapabebe netong bestfriend ko ganyan yan pag kinikilig e
Natulala ako sa court habang tong bestfriend ko nagbubunganga saken di ko maintindihan yung sinasabi niya para bang wala akong naririnig ewan ko ba immune na ata ako sa ganyan ni Kath
nagulat naman ako nung may humawak sa balikat ko " Hey Gabby ? Okay ka lang ba ? " napatingin ako sa nagsasalita , nagulat ako ng makitang nadito siya
" Oyyyyy ! Zein nandito ka na pala ? Nasan sila Ate Den ? " tanong ni Kath habang palinga linga sa paligid na para bang may hinahanap
sinuklian naman siya neto ng isang ngiti saka sinabing " Hindi daw sila makakapanuod daming gawain sa SBO e " tumabgo nalang si Kath bilang tugon dito .
Nakatitig lang ako kay Zein habang pinagmamasdan niya ang mga player na nasa court palihim naman akong napangiti dahil sa presenya ng lalaking to .
Zein Andrei , ilang taon ko ng kaibigan tong lalaking to i almost spent half of my life with him but i never get tired of him nakakatuwa lang na di paden ako iniiwan ng lalaking to hanggangg ngayon
" Ehem " nagising ako sa katotohanan ng biglang umubo kunyare si Kath . Shit kanina pa pala ako nakatitig sakanya
Napatingin ako bigla sa scoreboard , magsisimula na pala yung 4th Quarter ng laro at lamang na ang kalaban . Todo cheer naman ang mga schoolmate ko para ma motivate ang mga players
" Go West Saxon University , Habol tayo guys ! " sigaw ko habang nakatayo na pumapalakpak tila ba ginanahan ako sa pagchicheer dahil sa atmosphere ng crowd dito sa gymnasium
Napangiti naman ang bestfriend ko at nagpatuloy lang sa pagsigaw lahat ng mga tao dito pumped up sa kung anong mangyayare .
" 4th quarter na bes , Ipapasok na nila ang magagaling na players nila " bulong saken ni Kath na tila ba may pinapahiwatig
" Go Matthew Salazaaar ! " natigilan ako ng marinig ang pamilyar na pangalan na yon mula sa mga tao
Napatingin ako sa bestfriend ko , na para bang wala akong alam sa mga nangyayare ngitian niya lang ako saka sinabing " Surpise Gab , that's why i want you to watch this game "
BINABASA MO ANG
I'm with you
NonfiksiSome events / scenes in this story happened in real life but names of the characters are somehow changed for some reasons :) enjoy reading guys ♡