Chapter 2

121 27 2
                                    

//Marion's POV//

"Sa Tuesday na ang FFYL." panimula ni Kurt sa akin.

"May nalaman din ako sa UG." ano namang nalaman ni Benz.

Lumapit ako sa pwesto nilang apat upang makinig.

"Sinigurado ng King na dadalo ang Phoenix Gang sa FFYL. Sa pamamagitan ng Special Guest." dagdag nito.

"You mean--"

"Yes, ang Phoenix Gang ang Special Guest sa FFYL. Kalat na din sa UG ang pagbabalik ng Venomous Gang at babawiin ang pwesto nila sa Phoenix Gang."

"Yay!!!" tili ni Randall.

Wait? Tili?

"Hoy Randall bakit ka tumitili?"

"Hoy Marion wag kang barbero ha. Di naman ako tumili ah. Sige na tuloy mo na Benz." hmm, pagod lang siguro ako dahil sa mga nalalaman ko.

"Meron ding pasabog ang King sa magaganap na War. May pagbabago daw sa nakasanayan ng mga Gangsters sa FFYL. Hindi niya nabanggit kung ano yun pero iba ang kutob namin ni Kurt dito."

"Aishhh Information Overloadddd!!" napatakip naman ako ng tenga sa pagsigaw ni Mark.

Ampon toh sure ako, di naman kasi ako ganito ka OA eh.

"Kung ganon ay kailangan nating masaksihan ang lahat. Kailangan natin ng tulong ng Phoenix Gang. Kailangan na nilang maghanda." saad ko dito. Nakita ko naman ang pag ngisi nila sa sinabi ko.

Tumango naman si Benz at dali daling nagtype sa laptop nito.

Papunta na kami sa room namin ng may mabangga ako.

"Aray!"

"Tsk! Paharang harang ka kasi sa daanan." angal ko dito.

"Nagsalita ang hindi nakaharang, eh samantalang sya yung nakabunggo ko." bulong nito.

"May sinasabi siya Marion oh." sabi sa akin ni Mark na parang nang aasar.

"Anong sinasabi mo Sam?" napatalon naman ito sa sinabi ko. Problema neto?

"P-paano mo ako nakilala? Ano nalalaman mo?" utal na sabi nito.

"Baliw ka ba o ano? Baka nakakalimutan mong kaklase ka namin. Nalalaman ko? Well isa ka sa mga kilala kong lampa at tatanga tanga sa paaralan na toh." mahabang litanya ko dito.

"Namumuro ka na ah. Kanina makasabi kang paharang harang ako eh wagas. Oo paharang harang ako sa daanan mo pero paharang harang ka din sa daanan ko. Kaya wag ka manisi. Tanga ako? Mas tanga ka hmp." nag walk out naman ito kasama ng mga tanga nyang kaibigan psh.

"WHAHAHAHAHAHA!!!"

"Hoy anong tinatawa tawa nyo dyang apat?!" takang tanong ko. Bigla ba namang tumawa.

"Tanga ka kasi HAHAHAHA" Sinamaan ko naman ng tingin si Mark.

"H-ha!ha!ha! Tanga mo kasi Randall." baling nito kay Randall.

"Hoy anong ako? Tigilan mo aketch ha!"

O_o

"Tama ba yung narinig ko o ako lang talaga naka rinig nun?" tanong ko.

My Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon