//Cole's POV//
Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Sam ngayon pero isa lang ang alam ko, masisira ang plano namin dahil dito.
"Randall, Benz and Kurt paki pigilan si Sam, may kukunin lang kami." utos ni Nica.
"Bakit tatlo kami? Ok na yung dalawa." angal ni Randall.
"Tss tamad ka talaga." bulong ni Nica.
"Babae lang kasi yan, kaya ngang isa ang maghawak eh." sagot ni Randall bago mag walkout.
Lumakad naman papunta sa amin si Benz at Kurt para hawakan si Sam. Dali dali kaming tumakbo nila Nica at Ria. Pasimple akong tumingin kay Ria at nakita ko ang pag ngisi niya na para bang sinadya niyang ipakita ito sa akin. Tss traydor ka Ria, pasalamat ka at naghahanap pa ako ng tamang oras para sabihin ito kila Sam.
Pumunta kami sa sala at tinignan namin sila Ion at Jhay jhay. Mahimbing na natutulog ang mga ito at mabuti lang ito para hindi nila makita si Sam sa ganong kalagayan nito. Katabi ng mga bata si Randall, so dito pala ito dumiretso matapos mag walk out.
Dumiretso naman si Ria sa kinaroroonan ng bag nito at may kinuhang syringe na naglalaman ng asul na likido. Ewan ko ba diyan, gusto daw niya may kulay eh.
"SAM!"
"ILAYO NIYO SI MARION!"
"PAANO SIYA NAKA TAKAS?!!"
Rinig hanggang dito ang sigawan nila at halatang natataranta ang mga ito. Nakita kong napatayo si Randall at tumakbo papuntang kusina. Sumunod naman kami sa kaniya.
"Kasalanan niyo toh kung may mangyaring masama kay Marion." seryosong sabi nito.
"You mean kasalanan natin?" mataray na sagot ni Nica.
"Wag niyo akong idamay sa kagagawan ng kaibigan niyo."
"Kung sumunod ka lang sa amin at tumulong kang naghawak kay Sam edi sana hindi siya naka wala. Bobo mo!" pambabara ni Nica. Owshii bars mennn.
Natahimik naman si Randall hanggang sa makarating kami sa kusina. Jusko parang binagyo na tong kusina nila.
"Hayaan niyong ako ang humuli sa kaniya. Kaya kong tapatan ang lakas niyo." sabi ni Marion at akmang papunta na kay Sam ng pigilan ito ni Ria at umiiling ito na ara bang sinasabing huwag niyang ituloy.
"Ako na dahil kaya ko siyang tapatan! Mahirap bang intindihin iyon!" galit na si Marion.
"Bobo ka ba o bobo ka?-- panimula ni Nica, HAHAHA ayan na ang linyahan niyang pang malakasan HAHAHAHA.
--- pwedeng tatanga tanga para sige bobo ka. Kita mo na ngang gusto ka niyang saksakin oh! Lalo syang magwawala kapag nakita niya yang panget na pagmumukha mo! Umalis ka dito! Shoo! Labas!" sandaling natahimik ang lahat at naka tingin kay Nica.
Tinignan ko naman si Marion at namumula na ang mukha nito. Galit? Pagkapahiya? Nabalik kami sa ulirat ng sumugod si Sam. Agad naming hinarang ni NIca ito at dali daling itinusok ni Ria ang hawak nito.
Ramdam namin ang galit ni Sam dahil sa lakas ng pwersa nito hanggang sa unti unti itong nanghina at nawalan ng malay.
//Mark's POV//
*Flashback
"Mark itanong mo nga kila Marion kung matagal pa yung ginagawa nila." Benz
BINABASA MO ANG
My Gangster Queen
No FicciónDalawang grupong magbabanggaan ng dahil sa paghahanap ng hustisya. Malalaman ng mga ito na ang naka paligid sa kanila ay ang kanila palang hinahanap. Ang kanila namang tinuring na kaibigan ay may binabalak. Ano nga ba ang pakay ng Empress sa dalawan...