Chapter 1

207 31 2
                                    

//Sam's POV//

"Sam t-tulungan mo ako." tawag sa akin ni Ally.

"Ally wag kang pipikit please, tatapusin ko ng saglit ang laban na toh." pagmamakaawa ko dito habang tuloy ako sa pakikipaglaban.

*Bang!

Napahinto ako dahil sa narinig ko. NO! Lumingon ako sa kinaroroonan ni Ally para siguruhing hindi sya ang tinamaan. Nakita ko namang nagtakbuhan ang mga kalaban ko.

"A-Ally? Ally gumising ka diyan. Tapos na ang gulo, wala na sila. Tama na ang pag arte ha? Napaniwala mo na silang napatay ka nila."

Hinintay ko itong sumagot pero wala akong nahintay sa kanya.

"H-hah hah hah, t-tama na Ally please? Pati ako napaniwala mo na oh."

"Hmm, marunong palang umiyak ang Bloody Queen ng Venomous Gang? Sya nga pala pasalamatan mo kaming Phoenix Gang dahil tinapos na namin ang paghihirap ng kasama mo. Isusunod kana namin, paalam Bloody Queen." sabi ng lalaking naka maskara.

*Bang! Bang! Bang!

"No!!" napa bangon akong hinihingal at pawisan.

"Sam?! Anong nangyayari dyan? Ok ka lang ba?" tanong sa akin ni Danny.

"Ok lang ako, binangungot lang." sagot ko dito bago bumangon sa aking higaan.

Ginawa ko ang aking morning routine bago bumaba upang kumain. Naabutan ko si Nica na nagluluto at si Ria na naghahain.

"Sya nanaman ba?" tanong ng kakababa lang na si Cole. Marahan naman akong tumango sa kaniya.

"Ok ka na ba talaga Sam?"

" Ok na ako Ria, tara kumain na tayo at baka ma late pa tayo." at umupo na ako para kumain.

"Ahmm Sam dito na kayo bumaba at hahanapan ko lang ito ng parking." saad ni Cole at agad na kaming bumaba.

Hinintay namin ng 5 minuto si Cole sa paghahanap ng mapaparkingan.

"Pasensya na't natagalan, muntik pa akong napa away eh." wala naman ng bago dun sa paaralang ito.

Ang paaralan ng mga mayayaman na walang ibang ginawa kundi apihin ang mahihirap na gaya namin. Pwera lang kay Cole syempre, lahat ng gastos eh sa kanya habang wala pa kaming nahahanap na trabaho nila Nica at Ria.

"Tara pasok na tayo, malelate na tayo sa first subject natin." sabi ni Ria bago kami tumuloy sa aming room.

"Oh hi Sammy!! Ngiti naman dyan HAHAHA." napaka ingay talaga netong baklang toh.

"Manahimik ka nga dyan Vince, napaka bakla mo talaga!" asik ko dito.

"Bakla daw, halikan kita dyan eh." sabay nguso at dahan dahang lumapit sa akin.

"Hep! Manligaw ka muna kay Sam bago ka tsumansing dyan! Mga leche flan kayo tsk." angal ni Nica at inalis ang nakaharang na pamaypay nito na naka dikit sa nguso ni Vince HAHAHHA. Lt mukha ni Vince, di naka score kaya mukhang--

"Uy mukha kang pwet HAHAHA." pang aasar ni Ria dito at naghabulan na ang dalawang yun. Diko alam kung sino ba o ano ang gusto ng mokong na yun eh. Nasobrahan ata ng harot sa katawan HAHAHA.

My Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon