//Cole's POV//
Ngayon ang araw na pinakahihintay ng lahat kaya wala kaming ibang ginawa kundi ang mag handa para sa laban na papasukin namin.
Si Nica ang umasikaso sa pagpasok namin sa UG World. Ako naman ang kumausap sa mga professor namin, hayss. Gusto kong balaan si Sam about kay Ria pero nung araw mismong nalaman ko ang tinatago ni Ria ay yun din yung araw na nahawakan nila ako sa leeg.
*Flashback
"Kung hindi tayo makakapasok as Venomous Gang ay papasok tayo as Demonical Gang." naka ngising saad ni Sam. Agad nagtype si Nica sa kaniyang laptop.
*Bzzttt bzzttt
Nag vibrate yung phone ko kaya chineck ko kung sino ang nag message.
Unknown Number
Lumabas ka ng mansiyon ngayon din Nicole Fuentes.
"Ahmm Sam labas muna ako saglit ah." paalam ko dito. Tinignan ko si Ria at naka tingin ito sa akin ng nagtataka. Psh traydor!
Agad akong lumabas ng mansyon ngunit wala akong nakita. Lumabas naman ako ng gate ngunit wala pa ring tao pero may kahon?
Nilapitan ko ito at binuksan, agad kong nabitawan ang kahon ng makita ko ang laman nito.
"Nicole Fuentes, Ang Silent Killer ng Venomous Gang. Speaking of Silent My Dear, kaya mo naman sigurong manahimik at isikreto ang nalaman mo? Kapalit ng kaligtasan ng pamilya mo."
"Sino may gawa n-nito?" may humablot ng larawan sa aking kamay.
"Pshh Empress L." gigil na saad ni Ria.
"May kinalaman ka ba dito?!" hindi ko na napigilang pagtaasan ito ng boses.
"Mukhang hindi lang ako ang magiging traydor sa grupo ahh?" saad nito ng naka ngisi bago umalis.
Hawak nila ang pamilya ko at wala man lang akong magawa.
*End of Flashback
9am na ngayon at puro practice ang ginagawa namin. Ganun din ang ginawa namin kahapon at nung mga nakaraang araw. Pagka uwi galing school ay diretso ensayo na agad kami. Kahapon mismo ay naka tanggap sisiguraduhin namin na sa araw na ito ay makakapasok kami sa Elite Group.
Rank 1 to 10 ay nasa Upper Class/Elite Group at ang mga Rank 11 to 20 ay nasa Upper Middle Class. Ang mga natirang rank ay nasa Lower Middle Class, sila ang tinatawag na under dog.
"Cole handa na ba ang mga susuotin natin?" Tumango ako kay Sam bilang sagot.
Pinuntahan naman naming apat kung nasaan ang mga kakailanganin namin. Nandito kasi kami sa Basement at nag eensayo nga HAHAHA.
"Napaka ganda naman nito Cole, bongga HAHAHA." saad ni Ria.
"Hmm pwede na." saad ni Nica habang tatango tango nito habang naka hawak sa baba.
Psh hindi kasi mahilig mag dress ang isang toh eh. Tinignan ko naman si Sam at nakita ko ang naka ngisi nitong mga labi.
"Nasaan ang mga jaggers?" tanong ni Sam na ikinabigla ni Ria at Nica.
BINABASA MO ANG
My Gangster Queen
Literatura FaktuDalawang grupong magbabanggaan ng dahil sa paghahanap ng hustisya. Malalaman ng mga ito na ang naka paligid sa kanila ay ang kanila palang hinahanap. Ang kanila namang tinuring na kaibigan ay may binabalak. Ano nga ba ang pakay ng Empress sa dalawan...