areum's point of view
"omg ang gwapo bes"
"tangina hawig ni jungkook"
"pucha akin ka na lang kuya"
kasalukuyang kumakanta ang bangtan ngayon habang ako, iritang-irita sa mga nasa likuran ko
oo, pinagpapantasyahan nila si tyrone. eto namang si ilong, pangiti-ngiti pa. kinikilig amputa. pakain ko sainyo mga army bomb niyo eh
"hi, uhm what's your name?" tanong ng babaeng katabi ni tyrone, nilagay niya pa yung buhok niya sa likod ng tenga niya habang ngumiti ng napakalaki.
"tyrone." sagot naman niya. "hi tyrone, i'm—"
"SHET TYRONE PUTA SI JUNGKOOK ASDFGGSDJKSSJL"
"ahm ano eh—"
"HOY GAGO SINO BA YANG KAUSAP MO HA? KITANG NASA CONCERT EH ANG KJ HA?!" umirap ako sa kanilang dalawa.
"excuse me, sino ka ba?" mataray na tanong nung babae.
"ako? tinanong mo kung sino ako?"
"oo ano bingi-bingihan lang?"
"hmm, ako lang naman ang girlfriend niya if you may excuse us." halatang nagulat siya sa sinabi ko pero agad naman niya akong inirapan. wao?
"girlfriend pala ha?" bulong ni tyrone sakin.
"puta lubayan mo ko."
"okay babe," patawa-tawa niyang sabi habang nakatingin sa stage. gago, pagulungin kita eh.
putangina. 2! 3! na. shet.
naghiyawan lahat ng mga fans habang ginagawa namin yung fan project. philippine flag ocean 'to, nakakaiyak.
nakita kong halos mangiyak-ngiyak na ang bangtan eh puta miski kaya ako. tumulo luha ko sa part ni hoseok, yung "thank you for being the flowers in hwayangyeonhwa."
putangina, save me.
palihim akong umiiyak dito habang nagwwave ng army bomb at kumakanta. naramdaman kong may panyong dumapo sa pisngi ko.
tumingin ako sa kanan ko at nakita ko si tyrone na pinupunasan luha ko. ngayon ko lang napagtanto na sobrang lapit ng mukha naming dalawa.
i looked straight into his eyes so does tyrone. walang gumagalaw sa aming dalawa, feeling ko mabibingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko.
natauhan ako ng biglang tumugtog yung “spring day”. woah, last song na pala?
lumayo kami sa isa't-isa at tumingin sa bangtan na nagpperform ng spring day.
"teka, ito favorite song mo diba? bomnal? spring day?" tanong sakin ni tyrone.
"h-ha? a-ah, oo hehe favorite ko 'yan." pautal-utal kong sabi, ang awkward ko bakit ganito? "natanong mo?"
"ah haha, wala lang," sasabihin ko na sana 'weh' kaso, "favorite ko 'rin yan."
"ganun ba? akala ko ba ayaw mo sa bangtan?!" napataas yung boses ko,aba malay inis ako kay tyrone eh. from basher to fan real quick!
"areum, may sasabihin ako sayo."
"ano? pwedeng mamaya—"
"para saan pa yung 'ngayon' kung puro ka 'mamaya'?" napatingin ako kay tyrone. nagagalit na.
"oo na, ano ba kasi yun?" tanong ko habang nakatingin sa bangtan.
"humarap ka nga sakin."
"bakit ba—"
hinigit niya balikat ko at bigla niya akong hinarap sakanya. imbes na galit na tyrone nakita ko, nahihiya at namumulang tyrone nakita ko...?
"bakit ka namumula? pati nahihiya ka ba sakin?" tanong ko sakanya. kinamot niya lamang ang kanyang batok at mas lalo pang namula. tumingin siya sa akin, kaya medyo nagulat ako.
"areum, makinig ka." sabi niya. tumango ako, senyales na sumasang ayon sakanya.
"ayoko ng itago 'to, ayoko ng patagalin 'to, ayoko ng kaibigan lang tingin mo sa'kin." sabi ni tyrone kaya nagulat ako.
"ha? a-ano?"
"areum, you know it all, you're my bestfriend." sakto namang kinanta ni taehyung yung part na 'yun habang sinabayan siya ni tyrone.
"gusto kita. matagal na. mga bata pa lang tayo, crush na kita areum, gusto na kita. ikaw ang first love ko." naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko. t-teka puta sa bangtan lang ako nagbblush noon ha? bakit pati kay tyrone?!
"nanghingi na ako ng permiso, kila tito at tita, kay sky, kay hurricane lahat sila pumayag ikaw na lang kulang." nginitian niya ako. hindi ko magawang tumingin kay tyrone, nahihiya ako.
"a-ano ba ibig sabihin mo?" tangina, baby talk pa, areum. napatawa siya sa sinabi ko.
"can i court you, areum?"
malapit ng matapos “spring day”, hindi ko alam kung bakit sila tumtili kasi sa ngayon isa lang ang alam ko.
na-fall din ako kay tyrone at hinding hindi ko pagsisisihan itong desisyong gagawin ko.
i've onced closed my heart and now i'm ready to take the risk, tyrone is worth it.
nakatingin pa rin siya sakin hanggang ngayon at hinihintay ang sagot ko. ngumiti ako sakanya at sinabing,
"oo, pumapayag ako, tyrone."
------
ayie hello guys omg hihehuhaho credits kay bby sa mm!!! #tyreum ♡

BINABASA MO ANG
jungkook ph | jungkook
Historia Corta❝if you can't marry your bias, marry his fanboy instead, so, pakasal na tayo?❞ ❝gago, di ka naman army eh,❞ { jungkook x yura epistolary ff } •| e p i s t o l a r y # 6 |• ❄ elliefrappe ; 2017 ❄ #93 in ss - 170508 #48 in ss - 170510 #44 in ss - 1705...