her point of view
⛅ — sunny partly cloudy
🌏 — unknown
📆 — 2017, june 13th
🔰 — tuesday❝today class, gagawa kayo ng letter sa kaklase niyong you find attractive. don't worry, hindi niyo 'to ibibigay sakanya, babasahin niyo lang infront.❞ nagtilian at nag-'ayieeee' naman yung mga kaklase ko. mga initial reaction talaga nila.
nakita ko namang namula yung iba at syempre, di maiiwasan yung mga bitter na biglang nalukot yung mukha. well, that's love.
sino kayang susulatan ko? tinignan ko yung mga kaklase ko at lahat sila nakayuko na— meaning mga nagsusulat na habang ako na lang pati si tyrone ang hindi.
saktong nagtama yung tingin naming dalawa. it lasted for 5 seconds dahil bigla akong kumalas. what was that?
eh kung si tyrone na lang kaya? hmm, wag. may iana na yan eh, pero sige hindi naman to ibibigay sakanya eh. pati i'm sure si hurricane susulatan niya sa hadley, ayaw kaya nyan ako sulatan.
nagsimula na akong magsulat sa sticky note na isa-isang binigay ni ma'am. ano pwede kong ilagay?
bakit mo kahawig si jungkook? wag. di niya kamukha yun. bakit ka nagtransfer ng school? rude. you are rare and attractive. uy pwede.
pagkatapos kong magsulat, binaligtad ko agad yung note. naramdaman kong may umupo sa katabi kong upuan. tinignan ko yun at nakita kong umupo si tyrone habang hawak sticky note niya.
❝uy, patingin naman nung iyo.❞
❝luh, yoko nga. patingin muna nung sayo.❞ sabi ko pabalik. medyo na-awkwardan ako kasi siya yung sinulatan ko.
❝luh dali—❞ hindi natapos ni tyrone yung sasabihin niya nang biglang nagsalita si ma'am. binelatan ko siya habang inirapan niya ako. beki hmpf.
❝okay, go back to your proper sits. you will now start reading your notes starting from you mr. tyrone kwon.❞
nagulat si tyrone nung bigla siyang tinawag pero agad ding tumayo. sinimulan niya ng basahin yung note niya.
❝i find you rare and attractive.❞ napatingin naman ako sakanya at napatingin din siya sa akin.
❝hoy, akin yan ah!❞ sinamaan ko siya ng tingin. eh sa akin naman talaga yun.
❝akin ka ba?❞ pagtanong ni tyrone. biglang nagtilian yung mga kaklase ko. double meaning, pwedeng pinipilosopo lang ako nito o may gusto sa akin to.
❝enough. ms. areum ryu, read yours now.❞ sabi ni ma'am at ako naman ang tumayo.
❝you are rare and atttactive.❞ sabi ko.
❝luh, lakas mong makasigaw kanina ah? eh hindi naman eksaktong ganoon yung akin!❞ pagsigaw ni tyrone. pinagpuputok nito?
❝aba eh kahit na, gaya-gaya ka!❞
❝ako kaya nauna dito!❞
❝ako!❞
❝hindi, ako!❞
❝ako nga—❞
❝para kanino ba talaga yang sulat niyo?❞ tanong ni ma'am. agad kong tinuro si tyrone at ganoon din siya sa akin.
❝para sakanya!❞ sabay naming sabi dahilan para magwala yung klase at mamula ako. engot mo naman, areum. ayan buking ka na.
nakita ko namang nag-iwas ng tingin si tyrone habang namumula yung tenga. sabay din kaming umupo kaya umingay ulit.
pero mas lalong umingay nung biglang sinabi to ni ma'am.
❝ang cute niyong couple, cute pa ng shipname niyo. tyreum.❞
isa ito sa mga araw na kung saan gusto ko ng magpalamon sa lupa at ganoon din si tyrone.
akala ko tapos na yung lahat nang binigay sa akin ni tyrone yung sticky note niya.
❝p-para sa'yo.❞ tinignan ko lang yung note habang naka-extend yung kamay niya. ❝d-dalian mo, nangangalay n-na a-ako.❞ mas lalo siyang namula nang sabihin niya iyon.
biglang nagbrush yung daliri naming dalawa habang kinukuha ko yung note. namula na naman ako, bakit ang bilis nitong tibok ng hearteu ko?!
binigay ko rin sakanya yung note ❝para sa'yo rin.❞
kukuhanin na sana ni tyrone nang bigla kaming makarinig ng camera shutter. tinignan ko kung saan iyon galing at nakita ko si ma'am na may hawak na camera.
❝tyreum for the win! ♡❞
———
kinikilig aq habang nittypeq ito ayie so fLUFFY ♡

BINABASA MO ANG
jungkook ph | jungkook
Nouvelles❝if you can't marry your bias, marry his fanboy instead, so, pakasal na tayo?❞ ❝gago, di ka naman army eh,❞ { jungkook x yura epistolary ff } •| e p i s t o l a r y # 6 |• ❄ elliefrappe ; 2017 ❄ #93 in ss - 170508 #48 in ss - 170510 #44 in ss - 1705...