CHAPTER 1-

49 10 23
                                    




Kasalukuyan ako naglalakad sa mainit na daan papuntang grocery store *iyak* para bilhin yung mga inutos ng mader dear ko.

Weyt.. YAK ANG DRAMA NAMAN NG UMPISA KO! So ayun nga si maderr..

Hays sa sobrang pagmamahal niya saakin ay hindi siya nakatiis tawagin ang napakagandang pangalan ko *natouched*

Pagising ko palang kanina ay parang ilang napakalakas na sirena ng ambulansya ang dumaan sa tapat ng bahay namin.

Nagpapasalamat ako sa panginoon na nagising pa ako ngayon at nagising ako na may naririnig pa

Alam nyo ba sikreto ng mader ko?

May tinatago siyang superpowers! Ang tawag daw dun 'bunganga ni Aling Rosa' wag na kayo magtanong kung bakit yan ang pangalan

kundi dadalawin daw kayo nung killer clown sabi ni mader dear so ayun kami ng aking uto-uto brother naniwala dun sa killer clown

Ang dami talagang kaechosan ni maderr

Ang sabi daw niya since birth palang daw ay malakas na talaga boses niya kaya wag na daw kami magtaka ng kapatid ko pag nabibingi yung binubulungan ng mader ko

Sa kakadaldal ko hindi ko namlayan na nasa tapat naako ng grocery store na 'to

"Good afternoon ma'am" bati nung guard pagpasok ko

"Good afternoon din ho manong pogi!" Ngiti ko at nakipag apir sakanya

Pagkatapos nun ay dumeretso naako sa bilihan ng mga baboy

"Excuse me ho" tawag ko sa personnel na lalaki nakaupo habang nagpapaypay

Nagulat nalang ako ng tignan nya ako ng pataray at nilapitan

"A-Ah, isa nga ho'ng pork ribs" naiilang ko'ng sabi

May nafefeel akong strange atmosphere dito... hmmm

Kukuha na sana siya ng tignan ulit ako ng masama at binitawan yung plastic at yung gamit nyang pang kuha sa baboy

Ako naman ay nagulat din dahil sa pagbagsak ng gamit

"Pork ribs? Ha? Pork ribs? Sino niloloko mo? Hinding hindi mo naako maloloko muli, Veronica!" tawa niya at tumingin ulit saakin ng masama

"Hindi ho ako si Vero—"

"Ashushushu, Hindi na ba kayo nagsasawa sa pork ribs? Pork ribs, Pork ribs, Pork ribs na yan!kala mo ba magkaka jowa ka kapag binili mo'ti? HINDI! Nakakasawa! Paano naman 'tong mga anak ko, ha? hindi nyo man lang papansinin? Alam nyo ba kung gaano K.A.S.A.K.E.T masayang ang effort mo? Ha! Mga wala kayong pus—"

"Bibilhin ko na rin ho 'to" sabat ko para tumigil na siya

Inirapan niya ako at tuluyan na niyang inalagay sa supot ang dalawang inorder ko at binigay agad saakin ito

"Salamat" ngiti ko pero irap lang ang iginanti nya

Tumalikod naako at lumakad papuntang hygiene section

"Wow ibang klase, anak raw nya yung mga laman ng baboy na hiniwa ng iba't ibang klase" bulong ko habang nakangisi

Nginingitian ko lahat ng makasalubong ko habang nilalakbay ko ang daan patungo sa hygiene section, pansin ko andaming bata dito ngayon

Liliko na sana ako sa hindi inaasahan ay nakabangga ako ng bata at natumba ito

*panic mode

Tingin  sa left, right, front, back balik ulit sa bata

Limitless Dreaming [•hiatus•]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon