CHAPTER 5 -

27 9 12
                                    

Chapter 5

"I'm sorry sir pero wala po'ng Lance Diaz ang nakalista" pagpapaumanhin ni girl

"HA? Sigurado ako andito siya!" Aniya

Sino kaya si Lance??

"Ah! May sinugod ba na nabaril na pasyente kanina??" Sabi nung mister

"Ah opo, kaso po wala po siya sa private room at iba po ang pangalan, siya po si Alejandro" sabi ni girl

Hindi ko masyado narinig yung name dahil biglang nagblur yubg boses nya

Napahampas nalang sa ulo yung mister

Nabaril? Ang kilala ko lang na nabaril si boy gluta, possible kaya na siya yung hinahanap ni mister?

Lumayo naako sakanila at nilibot ang hospital. Napakalaki ang hospital na'to nakakamangha

By the way ako nga pala nagpangalan sakanya na Alejandro *blush* bagay naman noh?

Nakakainip rin pala dito, parang gusto ko na bumalik sa realidad, kaso feeling ko na ayoko rin kasi baka abanagan ako ni Anne sa labas ng school

"Pwe! Ang laki ng galit nun saakin? Nu yun? Trip nya ako?" Simangot ko

Pagkatapos ng ilang minuto ay napagisip ko rin na bumalik  kay boy gluta/ ALEALEJANDRO *mwah*

Mag papaliwanag nalang ako na wala pala akong pera. Sasabihin ko ba na hindi ako taga rito? Sabihin ko ba na hindi ito yung mundo ko?

Dederetso na sana ako sa higaan niya ng mapansin ko na may lalaki na naka formal suit na kinakausap siya

"Kaibigan nya kaya to? Nakakaawa naman" bulong ko at tumalikod na

Masakit kaya mawalan ng alaala yung kapamilya, sayang memories *sad face*

"I DON'T KNOW YOU SO PLEASE, GET LOST "

Nahinto ako sa lakas ng boses ni boy gluta

Tumalikod ako at humarap dun, hindi ko mapigilan na maawa sakanila. Wala na talaga maalala si boy gluta

Walang alinlangan na pinuntahan ko sila, humarap saakin si boy gluta ng naka salubong ang kilay, kita sa kanyang mukha ang pagkainis

Don't tell me papalayasin din nya ako? Ako na nga ang tumulong sakanya tapos gaganyanin nya ako! Wow

"Ano tinitingin tingin mo dyan? Ha?" Sabi nya havang ganon parin ang expression nya

"Uh..." nangangapa ako ng salita na ibubuga ko sakanya kaso tanging 'Uh' lang ang nasabi ko

Imbes na titigan ko siya ay hinarap ko si mister

"WOAH" nagulat ko'ng sabi

"Eh?" Nagtatakang sagot nung mister

"Kayo ho diba yung nasa counter kanina?" Turo ko sakanya

"Oo ako nga" aniya at binalik na ang tingin kay boy gluta

"Mister, kaano ano nyo ho yung lalaking yan?" Kunot noo ko'ng tanong

"Bodyguard niya ako—"

"HUUUUWAAAAT?!" Napatakip ako ng bibig sa sobrang gulat

Ano daw? Bodyguard? So galing sa mayaman na pamilya pala to'ng si boy gluta?

"What did you just say?" Mukhang nalilito rin si boy gluta sa sinabi niya

"Sir Lance—"

"HUUUUUWAAAT?! ANG GWAPO NG PANGALAN MO!" Napatakip ulit ako sa bibig ko sa sobrang gulat

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Limitless Dreaming [•hiatus•]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon