CHAPTER 2-

39 9 19
                                    


Ano to? Nasaan ako? Kakaiba ang lugar na ito pero parang nasa mundo ko lang ito

"Ma?" Tawag ko

"Kuya Cloud?" Tawag ko ulit

Naglakad ako upang hanapin sila, isa to'ng kalsada at may mga matataas na building ang nakaplibot dito

Tinignan ko yung orasan ko at 2:30 na ng umaga, bakit parang ang daming tao?

Anong lugar kaya ito?

*BAAAAAAANG

Napatakip ako ng tenga sa gulat at sa lakas ng tunog na nag galing sa hindi kalayuang lugaar na kinakatayuan ko,

tatayo na sana ako ng marinig ang susunod na
pagputok

*BAAAAAAAAANG

Sa sobrang takot ko ay napayuko ako at nanggangatog na binibigkas ang mga dasal

"KYAAAAAAH!" tili ng babae

Napatingin ako sa gilid ko at ang daming nagsisidaatingan na tao dahil inatake ang pagiging curious ko sumunod din ako

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko ang isang motor na kulay black at muntik naakong masagasaan buti nalang ay nakaiwas ako

Binalewala ko yun dahil mas importante ang nangyayari dun, siniksik ko yung katawan ko at pinipilit makapunta sa harap, kinakabahn ako dahil ang lamig ng atmosphere ang nakapalibot dito

*TAGAAADUUUUM

kumidlat ng napakalakas at sabay nun ang malakas na buhos ng ulan, ugh! Ang lamig lalo at naka pantulog lang ako, patuloy ko'ng isiniksik ang katawan ko at natanaw ko ang mga taong naguusap tungkol sa pinagkakaguluhan nila

Hindi ko makita yung pinagguguluhan nila dahil madami ang nakaharang

"Excuse me po, " Sabi ko at tumabi naman ang nasa gilid ko

Nagtaka ako kung sinong nakabulagta at hinanap agad yun ng mata ko

Nakipagsiksikan paako upang makita iyon at laking gulat ko ng makita ito..

Kinapa ko yung pisngi ko at may mainit na likido ang nanggaling sa mata ko, laking pasasalamat ko na may ulan na sumasabay sa pag patak ng luha ko dahil kahit papaano ay nacocomfort ako ng malamig ng tulo ng ulan

Bakit nga ba ako umiiyak? Kaano ano ko itong lalaking ito? Napaka puti niya para bang lumiliwanag siya dahil sa kutis niya at singkit rin ang mata niya na laalong ikinagwapo niya

Wala sa sarili kong nilapitan ang lalaking nakahiga sa kalasada at hinawakan ang basa niyang mukha , sino ka? Bat mo ako pinapaiyak ng ganito?

Nataranta naman agad ako ng hawakan niya yung kamay ko at parang nanghihingi siya ng tulong

Aish! Ang slow ko dapat kanina pa ako tumawag ng ambulansya

"Teka tatawag ako ng ambulansya,wag kang matutulog"

Kinuha ko agad yung phone ko sa bulsa at tinawagan ko ang emergency number

"Hello po?" Halos pasigaw kong sagot sa kabilang linya

"Hello! May nabaril ho'ng tao dito! Pumunta ho kayo asap!" Sabi ko

[Saan po ba'ng lugar yan?] tanong ng nasaa kabilng linya

Goodnesss! Anong lugar ito? Yan din ang tanong ko sa sarili ko

"Excuse me ho, anong lugar ho ba ito?" Tanong ko sa taong nakatayo sa likod ko

"Mariana street" sagot ng babae

"Salamat ho" at ibinalik ko na yung attention ko sa phone

"Nasa mariana street ho, paki bilsan nyo ho" pakiusap ko at ibinababa na yung linya

Limitless Dreaming [•hiatus•]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon