Kabanata 4 Ang Pagdating at Pagtakas

39 2 0
                                    

          Kinaumagahan, maagang binuksan ang malaking tarangkahan ng kaharian, isang mangangabayo ang pumasok sa loob ng kaharian. Dumating ito sa pintuan ng palasyo.

Hinarap niya ang dalawang talibang nakatalaga roon.

"Papasukin ninyo ako, nais kong makausap ang mahal na prinsesa may mahalaga akong sasabihin sa kanya!"

"Maaari ka naming papasukin ngunit kailangang samahan ka naming papasok sa loob ng palasyo!" wika ng isang talibang nakabantay.

Kaagad namang tumango ang lalaking mangangabayo. Binuksan ng dalawang taliba ang pintuan, pumasok ang dalawa at sumunod ang lalaking nagsadya sa palasyo.

Agad silang napansin ng matandang estreliya na kasalukuyang pumapanaog sa hagdanan.

"Mga taliba? Ano ang inyong sadya?"

"Kagalang-galang na Capella, kami po'y naparito sa kadahilanang aming sinamahan itong isang mangangabayo, meron po siyang mahalagang sasabihin sa mahal na prinsesa!" tugon ng isang taliba.

"Ganoon ba, paghintayin ninyo siya rito, tatawagin ko muna ang prinsesa!" agad na umalis ang matandang estreliya.

          Sa mahabang pasilyo ng palasyo ito tumungo. Sa pinakadulo nito ay may nababanaag na liwanag, isang liwanag mula sa Patio ng palasyo, ang lugar na madalas kagiliwang puntahan ng prinsesa sapagkat naroon ang mga tanim nitong mga bulaklak at sa lugar na iyon din ng palasyo, masisilayan ang magagandang tanawin na tanging nasa likod lamang ng palasyo iyon makikita.

Naabutan ng matandang estreliya ang prinsesa na abala sa pamimitas ng mga bulaklak.

Agad niya itong nilapitan.

"Kamahalan, ipag-umanhin ninyong kayo po ay nagambala!"

"Wala yun Capella, ano nga ba yun?"

"Kamahalan, isang mangangabayo ang narito sa loob ng palasyo, nais daw niyang kayo ay makausap!"

"Ganoon ba, mahalaga siguro ang kanyang sasabihin dahil napasugod pa siya rito sa palasyo!"

Agad na umalis ang prinsesa sa loob ng Patio at tumuloy sa loob ng palasyo. Kaagad namang sumunod ang matandang estreliya sa kanya.

Doon naabutan nila ang lalaking mangangabayo na napasugod sa loob ng palasyo ng ganoong kaaga.

Agad itong tumayo ng makitang papalapit na ang prinsesa sa kanya.

"Magandang umaga kamahalan!" yumuko ito upang magbigay galang.

"Siya po ang mangangabayong tinutukoy ko kamahalan!" wika ni Capella.

"Sa ganito kaaga ika'y naparito sa aking palasyo, nais mo daw akong makausap, ano iyon Ginoo?"

"Kamahalan, nais kong sayo mismo ito ibalita at sasabihin, natatakot akong ito ay hindi makarating sa inyo kaya ako'y napasugod dito sa palasyo!"

"Ano iyon Ginoo?" may pangambang nasa tinig ng prinsesa.

"Kamahalan, habang binabaybay ko ang aking bukirin ay nagulat ako sa aking nakita, natanaw ko sa kabilang bundok ang libo-libong mga tauhan at mandirigma ng mga dayuhang lumusob sa atin noong nakaraang araw!"

"Sigurado ka ba sa iyong nakita? Ang mga taga-labas nga ba iyon?" tanong ng matandang estreliya.

"Opo, Hindi po ako pwedeng magkamali, kitang-kita ko po ang napakaraming mga mandirigma ng mga taga-labas, napakarami nila, alam kong sila ay papunta sa kaharian kaya ako'y napasugod ng ganito kaaga para ipag-alam sa inyo ang balitang ito, ang paparating na mga kalaban, kamahalan!"

GALAXY GIRLS at Ang Planetang Hanera- Unang SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon