Kabanata 8 Isang Bagong Simula

29 2 0
                                    

            Matapos na mapagtagumpayan na mapalabas mula sa loob ng mga hiyas ang mga batang babaeng tagapagtanggol ay agad nilang nilisan ang templo ng Garmeyden. Ang labi ng munisilyo ay piniling inihimlay ng prinsesa sa loob ng isang silid pahingahan sa templo na kung saan doon ito nagsilbi ng mahabang panahon. Ang matandang salamangkerong si Harrium ay nagpaalam na rin sa kanila, bumalik na rin ito sa kanyang lugar. Ang prinsesa at ang matandang estreliya kasama ang anim na mga batang babae ay umuwi narin patungo sa palasyo.  Doon sisimulan nila ang panibagong yugto ng pamumuhay sa loob ng kaharian sa mga lilipas na mga araw.

 

Kasalukuyang Panahon:

                        Isang maganda at maaliwalas na umaga sa loob ng kaharian, nasa loob ng palasyo ang mga batang babae kasama ang prinsesa, inaabangan nila ang pagdating ng matandang estreliyang pansamantalang bumalik sa kanyang kinagisnang planeta, ang planeta ng mga mortal na estreliya, ang Otoria.

Di nagtagal ay dumating rin ang matandang estreliya sakay ng isang sasakyang pangkalawakan na nagmula pa sa kanilang planeta. Agad siyang sinalubong ng mga batang babae at ng prinsesa.

“Maligayang pagbabalik, Impo!” wika ng pinuno ng mga batang babaeng si Mercury, ito ang itinalaga ng prinsesa na maging pinuno sa grupo.

“Maligaya akong ligtas ang iyong pagdating Capella!” sinalubong ito ng prinsesa.

“Mahal na prinsesa! Nagagalak akong makita ko kayong muli!” niyakap siya ng matandang estreliya.

“At kayo? Kumusta ang pagbabantay ninyo sa boung kaharian at ng planeta?” binalingan nito ang anim na mga batang babae.

Ang batang babaeng si Venus ang sumagot.

“Mabuti po, nalibot na namin ang boung planeta at nagawa na rin naming pasyalan ang magagandang tanawin dito!” masayang wika nito.

Agad siyang siniko ni Neptune at napangiwi siya.

“Patay Venus, binuking mo tayong lahat!” alam nitong malalaman ng estreliya ang pamamasyal nila sa boung planeta imbis na gampanan nila ang tungkuling magbantay sa kaharian.

Ngunit ngumiti at tumawa na lamang ang matandang estreliya.

“Kayong mga bata kayo,mabuti pa sa loob na natin ipagpatuloy ang ating pag-uusap!” wika nito.

“Mabuti pa nga, may inihanda kaming pagkain para sayo Capella!” wika ng prinsesa.

            Bumalik na rin sila sa loob ng palasyo at doon ipinagpatuloy ang mahaba- haba nilang pag-uusap sa muling pagbabalik ng matandang estreliya. Sabik na sabik ang mga batang babae sa pakikinig habang ikinukwento ng matanda ang mga nangyari nito habang naroon ito sa kanilang planeta.

             Maging ang matandang estreliya ay natuwa rin sa halos mahabang panahong di niya pag-uwi sa planeta ay muli niyang narinig ang katuwaan ng mga batang babae habang sila rin ay di magkamayaw na ikwento ang mga ginagawa nila sa araw-araw. Labis rin ang ikinatuwa niyang, bumalik na sa dating lakas at kasiyahan ang butihing at alagang prinsesa. Napagmasdan niya ang pagsilay ng mga ngiti at naramdaman ang galak sa puso nito.

            Gaya ng mga nakasanayan sa bawat umaga ay naroon sa malawak na kalupaan ng kaharian ang mga batang babaeng nagtipon-tipon, iyon ang oras ng kanilang pagsasanay at pinaglalaanan nila ang oras na iyon upang mapaghusay pa ang kanilang kakayahang gamitin ang mga taglay nilang kapangyarihan.

Naroon rin ang prinsesa at ang matandang estreliya, pinapanood nila ang pagpapakitang gilas ng mga batang babae. Maging ang ibang mga tagaroon sa palasyo ay nanonood narin.

GALAXY GIRLS at Ang Planetang Hanera- Unang SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon