Kabanata 10 Ang Babaing-Apoy

32 1 0
                                    

      Napakainit at nakakahilo ang maitim na usok mula sa malawak na kagubatan na noo’y nilalamon na ng makapal na sunog.  Ito ang naabutan ng mga batang babae at nagulantang sila sa napakalaking pagliyab ng apoy roon na mas dumoble pa ang lawak ng pinipinsala nito kaysa sa naunang sunog noong sang araw.

“Naku masisira ang boung kagubatan pagnagtagal pa ito at papalapit na rin sa palasyo ang sunog dapat ay maapula natin ito kaagad!” wika ni Mercury

“Maghiwa-hiwalay tayo ng sa gayo’y maagapan natin ang pagkalat ng apoy!” suhestyon naman ni Mars.

“Sige!” sang-ayon ng lahat at naghiwahiwalay silang anim.

Agad lumipad sa himpapawid sina Venus at Neptune.

“Neptune, maglabas ka ng tubig at ikakalat ko ito gamit ang aking hangin!” wika ni Venus.

“Sige!” at agad na sumunod si Neptune, bigla nitong inilabas ang kanyang kapangyarihan.

Aquario!” sigaw ni Neptune at lumabas ang malakas na tubig mula sa kanyang mga kamay.

Sumunod sa kanya si Venus.

Aero!”

Sigaw naman ni Venus, at isang umiikot na hangin ang kanyang pinalabas, nagpaikot-ikot ito sa magkabila niyang braso at ito’y kanyang itinapat sa kapangyarihan ni Neptune upang tangayin ng hangin ang pagbuhos ng tubig, dahan-dahan nilang naapula ang apoy sa ginawa nilang paraan.

“Magaling Venus!” tuwang-tuwang wika ni Neptune.

“Nagawa natin Neptune!” sambit naman ni Venus.

Naroon naman sa gitna ng gubat sina Mars at Mercury.

“Mars, gumawa ka ng harang upang hindi na makalapit pa ang apoy dito!” wika niya.

Scutum!”

Gumawa siya ng isang malaking pananggalang na kawangis ang isang kalasag sa pagitan ng nasusunog na gubat at ang maging paligid papunta sa palasyo.

Nasangga nito ang nagliliyab na apoy at hindi na nagawa pang kumalat ang apoy dahil sa ginawang matibay na harang ni Mars.

“Mercury, umalis na kayo dyan, kami na ang bahala ni Neptune!” wika ni Venus.

“Tayo na!” wika ni Mars.

At kaagad silang lumipad sa himpapawid.

Di nagtagal ay humina ang pagliyab ng apoy sa boung paligid at unti-unting naapula rin nila ang sunog ngunit ang bakas ng pinsalang iniwan nito ay talagang nakakapanlumo. Nasira kasi ang halos lahat na mga pananim sa paligid ng gubat. Nag-iwan ito ng mga nasira at naabong kapaligiran.

“Magbabayad ka sa ginawa mong ito Firegona!” galit na wika ni Mercury.

Nasa himpapawid silang lahat at nagtipon-tipon.

Maya maya’y isang alab ng apoy ang biglang lumitaw sa kanilang lahat ngunit kakaiba ang kulay ng alab nito, kulay itim!

Lumitaw at sa wakas ay nagpakita sa kanila ang imahe ng babaing-apoy sa kanilang harapan.

“Firegona…!”

Sa wakas ay nakita na rin nila ang babaing-apoy.

Ang mahaba at lumiliyab nitong buhok na magkahalong dilaw at pula, ang maputlang balat nito, ang nagliliyab nitong katawan na nakapaloob sa maiitim na alab ng apoy at ang pulang mga mata nito ang nagging naisalarawan nila.

“Kilala nyo na pala ako! Hindi na nakapagtataka” wika ng babaing-apoy.

“Dahil alam naming ikaw ang siyang may kagagawan sa lahat ng ito!” wika ni Mars.

GALAXY GIRLS at Ang Planetang Hanera- Unang SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon