Heto lang ang mga bagay na alam ko tungkol sa Manila: Rizal park at Intramuros . Manila Ocean Park, National Museum of the Philippines, Quiapo Church Fort Santiago at marami pang iba. Isama narin natin ang ingay , traffic at POLUTION!!!
Ilan buwan na ang nakakaraan nang i-enroll ako ng aking ama sa isang boarding school. Noong tinawagan niya ako para sabihin ang balita, halos marinig ko ang pagtira at pag-aaral sa Maynila ay isang "kakaiba at mabuting karanasan" at isang "napakagandang keepsake na pagkakaingatan habambuhay." Keepsake talaga? Gusto ko sanang sabihin kay Papa na mali ang gamit niya ng salitang "keepsake"- para namang bagay na nailalagay sa bag ang buong Maynila-pero hinayaan ko na lang dahil mas malaking problema ang balita niya at talagang nataranta ako.
Simula ng ipaalam niya sa akin ang kaniyang ginawa, sinubukan kong magsisigaw, magmakaawa, makiusap at ngumuwa pero lahat iyon ay hindi umumbra para kumbinsihin siyang magbago ng pasiya. Ngayon, nandito ako kasama ang aking mga magulang------nag-aayos ng mga gamit sa isang kwartong tila mas maliit pa kaysa sa aking maleta--- bagong senior student ng Maynila.
Hindi naman sa ingrata ako, ano. Hello, Maynila kaya ito. Andito yung magagarbong paaralan. Hays Life Sucks!
Simula kasi nang ibenta niya ang kaniyang prinsipyo at magsulat ng mga basurang nobela na ginagawang mas basurang pelikula, puspusan ang pagpapabida niya sa kaniyang bigatin at sosyaling mga kaibigan sa New York na sopistikado at maykaya rin siya.
Hindi sopistikado ang panlasa o sensibilidad ng Papa ko. Pero mayaman siya.
Hindi naman ganito si Papa dati. Noong nagsasama pa sa iisang bubong ang aking mga magulang, hindi kami mayaman. Nang mag pasiya silang mag-divorce, doon nawala ang natitirang prinsipyo ni Papa, at ang kaniyang pangarap na maging sunod na pinakadakilang manunulat ng Katimugang Amerika ay napalitan ng matinding pananabik na maging manunulat na may maraming libong nailimbag, Dahil doon nagsimula siyang magsulat nitong mga nobelang lunan sa isang Maliit na Bayan sa Georgia at tungkol sa mga taong may Mabubuting Asal na Iibig at biglang magkakaroon ng Matinding Karamdaman at Kamatayan.
Seryoso.
At iyon ang nagpapalungkot sa akin, pero takam na takam dito ang mga babaeng mambabasa. Gustong-gusto nila ang mga nobela ni Papa at gusto nila ang kaniyang ginanstilyong panlamig at ang kaniyang makinang na ngiti ata malakahel na kayumangging kutis. Sila ang dahilan kung bakit mabenta at sikat si Papa. Sila ang dahilan kung bakit parang mayabang na gago ang asal ng aking ama.
Dalawa sa kaniyang mga libro ang naisapelikula na at tatlo pa ang kasalukuyang ginagawa. Dito nanggagaling ang malaking bahagi ng kaniyang pera. Hollywood. At bigla, sa hindi maipaliwanag na dahilan, itong sandamukal na pera at kunwa'y kasikatan na ito ang nag-udyok sa kaniya parang isiping kailangan kong manirahan sa Maynila. Nang isang taon. Mag-isa. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya ako ipinadala sa France o London o kung saan mang lugar.
Hays. Sino lang ba ang nagpapadala sa kanilang mga anak sa boarding school? Sobrang parang Hogwarts. Ang pinagkaiba lang sa kaso ko, walang cute na mga magician o magic candy o mga klase kung paano lumipad.
Sa halip, kasama kong nakatengga ang siyamnapu't siyam na iba pang mga estudyante. May dalawampu't limang estudyante sa buong senior na klase kung saan ako kabilang. Walang-walang ito sa anim na raan na estudyante kung naroon pa ako sa Bulacan. At pareho rin lang naman ang pag-aaralan namin dito at sa GNVHS.
Tama na raw ang pag-iinarte ko, sabi ni Mama, pero hindi naman siya ang may maiiwang matalik na kaibigan, ang bonggang si Sara. At lalong hindi siya ang may maiiwang astig na part-time na trabaho sa sinehan sa Robinsons Place Malolos. At si Toby, ang astig na katrabaho sa Robinsons. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na ipinaghihiwalay niya kami ng aking bunsong kapatid na si Shawn, na pitong taong gulang lamang at masyado pang batan para maiwang mag-isa sa bahay pagkatapos ng eskuwela. Ngayong wala na ako para samahan siya, baka makidnap siya nung kahina-hinalang lalaki sa kanto na may tuwalyang may imprenta ng Coca-Cola na laging nakasabit sa kaniyang bintana. O baka makakain si Shawny ng kung anong pang kulay sa buhok at mamaga ang kaniyang lalamunan at walang magdala sa kaniya sa ospital. Baka mamatay pa siya. At malamang na hindi nila ako papapayagang umuwi para sa kaniyang libing at bibisitahin ko ang kaniyang puntod nang mag-isa sa susunod na taon. Malamang na mapapangiwi ako sa pagbisita ko dahil may kasama siyang napakapangit na estatwa ng kerubin na mismong ang Papa ko ang namili.
Sana'y hindi naiisip ni Papa na magpapadala ako ng mga applikasyon sa kolehiya sa RUSSIA o CHINA ngayong pumayag ako mag-aral dito. Sobra-sobra naman na yata iyon kapag nagkataon. Ang pangarap ko ay makapag-aral ng film theory sa California. Gusto kong maging pinakamagaling na babaeng kritiko ng pelikula sa ating bansa. Pagdating ng panahon, maiimbitahan ako sa bawat festival, at magkakaroon ako ng kolum sa isang sikat na magazine, at isang astig ba palabas sa TV, super sikat na website. Sa ngayon ang tanging meron ako ay ang website, na hindi pa ganoon kasikat. Hindi pa.
Kailangan ko lang ng kaunting panahon para ayusin ito, ' yun lang.
"Alicia, hindi na kami magtatagal.".
"Ano po?" Inangat ko ang aking tingin mula sa pagtutupi ng mga pang-itaas na damit, kinokorte kong kuwadrado ang tupi.
Tinignan ako ni Mama at nilaro ang korteng pagong na nakalawit sa kaniyang kuwintas. Si Papa na nakasuot ng peach na polo shirt at puting boating shoes ay nakatanaw mula sa bintana ng aking dorm. Malalim na ang gabi pero mayroon paring babaeng bumibirit ng kung anong kanta mula aa ibang bahagi ng kabilang kalsada.
Kailangan na nilang bumalik sa kanilang hotel. Maaga pa ang kanilang flight bukas.
"Oh." Napahigpit ako ng hawak sa damit ng aking tangan. Lumayo si Papa mula sa bintana, at nakaalarma akong makitang maluha-luha siya. Ewan ko ba kung bakit pero nang makita ko si Papa na naiiyak-kahit pa may pagkagago siya madalas- ay biglang nanikip ang aking lalamunan.
"Hay, Alicia. Hindi ko lubos na maisip na malaki ka na.". Hindi makagalaw ang buo kong katawan. Hinila niya ako para yakapin nang mahigpit. Nakakatakot ang kaniyang matinding yakap. "Aalagaan mo ang sarili mo, ha. Mag-aaral ka ng mabuti at huwag mong kalimutang makipagkaibigan. Mag-iingat ka sa mga mandurukot," dugtong pa niya. "Minsan partner-partner sila.".
Tumango ako habang nakahilig ang aking ulo sa kaniyang balikat, pagkatapos ay pinakawalan niya ako. At saka siya tumalikod palabas.
Nagpaiwan si Mama. "Magiging maganda ang buong taon mo rito," sabi niya. "Sigurado iyan." Kinagat ko ang aking labi para pigilan ito sa panginginig, pagkatapos ay hinila niya ako papunta sa kaniyang dibdib at niyakap. Sinusubukan kong huminga nang malalim. Hinga papasok. Isa, dalawa, tatlo. Hinga palabas. Amoy grapefruit na lotion ang kaniyang balat. "Tatawagan kita pagkarating ko sa bahay," sabi niya.
Sa bahay. Hindi na Bulacan ang aking bahay.
"Mahal kita, Alicia."
Bumulusok na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Mahal din kita Mama. Alagaan mo si Shawny para sa akin."
"Siyempre naman."
"At si Captain Coy," sabi ko pa. "Siguraduhin n'yo po na napapakain ni Shawn si Captain Coy at na napapalitan niya 'yung tinutulugan nito saka laging lalagyan ng tubig ang bote sa kulungan nito. Hindi niya dapat ito bigyan ng kung ano-anong pagkain kasi lalong tumataba at lalaong hindi ito magkakasya sa igloo nito. Pero puwede niya ring bigyan ng pailan-ilan, kasi kailangan niya rin ng Vitamin C at hindi ito umiinom ng tubig kapag ang ginamit ay 'yung pangpatak ng vitamins-"
Niyakap ulit ako ni Mama at inipit ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng aking tenga. "Mahal kita," ulit niya.
At ganoon lang, bigla-bigla nangyari na ang bagay na kahit pa ilang papeles o tiket ng eroplano o prensentation ang nakita ko ay hindi ko parin napaghandaan. Bagay na hindi maiiwasang mangyari pagkalipas ng isang taon, kapag umalis na ako para mag-aral sa kolehiyo, pero kahit pa ilang araw o buwan o taon na pinauli-ulit ko ang tagping iyon sa isip ko, hindi pa rin ako handa kapag nangyari na nga ang tagpong iyon.
Lumisan na si Mama. Mag-isa nalang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/108164698-288-k244265.jpg)
BINABASA MO ANG
Story of You and Me #Wattys2017
RomanceMasaya na si Alicia sa Bulacan. May tapat at matalik na kaibigan, at katrabahong lihim na hinahangaan. Bukod doon, sa ilang buwang pagpapart-time sa sinehang pinapasukan, napagtanto niyang unti-unti naring sinusuklian ng lalaking hinahangaan ang kan...