Kabanata 2

8 0 0
                                    

Ramdam kong unti-unti nitong binabalot ang katawan buo kong katawan, pero wala akong magawa para pigilan ito.

TAKOT.

Iniwan nilaako. Talagang iniwanan na ako ng mga magulang ko. SA MAYNILA! Samantala, kataka-taka ang kaingayan ng buong Maynila. Maging ang babaeng kumakanta kanina ay kumakanta parin ngayon. Hindi ako pwedeng magpadala sa emosyong ito. Mas manipis sa Band-Aid ang mga ding-ding dito, kung papalahaw man ako, maririnig ng mga katabi kong kwarto--- ng mga bago kong kaklase ---maririnig nilang lahat. Nasusuka ako. Isusuka ko ata iyong kakkaibang putaheng talong na kinain namin sa hapunan, at maririnig ito ng lahat, at wala nang mag-iimbita sa aking manood ng sine o kung anumang ginagawa ng mga tao rito sa kanilang bakanteng oras.

Tumakbo ako sa banyo para maghilamos. Pero sa aking pagmamadali, sumirit ang gripo at sa halip na sa mukha ay sa damit ko tumalsik ang tubig. Ngayon, mas malakas ang aking atungal dahil hindi ko pa nailalabas ang mga tuwalya sa maleta. Nandidiri ako sa basang damit.

Kaawa-awa. Kaawa-awa naman ako.

Ilang disisyete anyos ba ang papatay para lamang makauwi? Wala naman akong naririnig na nagwawala sa mga katabi kong kuwarto. Walang mga umiiyak sa likod ng dingding ng kanilang kuwarto. Humila ako ng isang T-shirt mula sa mga natuping damit sa ibabaw ng kama at pinunasan ang aking sarili, nang biglang makaisip ako ng solusyon. Ang unan ko. Dumapa ako at isinubsob ang aking mukha sa unan at umiyak nang umiyak nang umiyak.

Naputol ang aking pagngawa nang may marinig akong kumakatok sa pintuan.

Hindi naman yata sa pintuan ko iyon. Ayan na naman!

"Hello?" sabi ng isang babae mula sa pasilyo. "Hello? Okay ka lang ba?"

Hindi. Hindi ako okay. LAYUAN MO AKO. Pero kumatok ulit siya at siyempre kinailangan ko nang tumayo mula sa kama para buksan ang pinto. Isang babaeng may kayumanggi,mahaba, at kulot na buhok ang aking nabungaran. Malaki at matangkad, pero hindi naman parang sobrang mataba. Malaki na parang manlalaro ng volleyball. May diyamanteng hikaw siya sa ilong na nangingislap sa tama ng ilaw ng pasilyo. "Ayos ka lang ba?" Malumanay ang kaniyang boses. "Ako si Dorothy; diyan ako nakatira sa kabila. Mga magulang mo ba iyong kakaalis lang?"

Hindi man ako magsalita, nangungusap naman ang namamaga kong mga mata. Oo ang sabi ng mga ito.

"Umiyak rin ako noong unang gabi ko dito." Napailing siya, tila napaisip at tumango, "Tara. Chocolate chaud."

"Chocolate show?" Bakit ko namang gugustuhing manood ng chocolate show? Inabandona ako ng aking ina at natatakot akong umalis sa aking kwarto at-

"Hindi." Napangiti si Dorothy. "Chaud. Mainit. Mainit na chocolate. Ipagtitimpla kita sa kwarto ko."

Ahh.

Kahit pa lulugo-lugo ako, sumunod ako kay Dorothy. Tumigil siya sa harap ko at iniharang ang kaniyang kamay na tila bodyguard. Tadtad ng mga singsing ang lahat ng kaniyang daliri. "Huwag mong kalimutan yunh susi mo. Awtomatikong sumasara at naglalock ang mga pinto rito."

"Alam ko." Saka inilabas ang kwintas na nakatago sa ilalim ng aking damit para patunayan ito.

Pumasok kami sa kaniyang kwarto. Namangha ako sa aking nakita. Magkasinglaki lang ang aming kwarto, seven by ten feet, maliit na sink , at maliit naliguan. Pero . . . hindi tulad ng malinis kong hawla, ang bawat pulgada ng dingding at kisame ni Dorothy ay nababalutan ng mga poster at pictures at makikinang na pambalot ng regalo at mga makukulay na flyer.

"Gaano ka na katagal dito?" tanong ko.

Binigyan ako ni Dorothy ng tissue at suminga ako nang malakas na parang galit na gansa, pero hindi siya nandiri o napangiwi man lang sa inasal ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Story of You and Me #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon