HUN- Convo

147 11 9
                                    

Ofhel's POV

Hi Unknown number,
Goodevening~ gising kapa? Usap tayo. :)

Message sent!

Binaba ko ang cellphone ko at nahiga sa kama ko. Tumitig ako sa kisame habang iniisip at nagiimagine ng pwede mangyare sa seniors night.

"Kyaah." Napatili ako ng ipit ng pumasok sa isip ko na dati-rati ay hanggang titig lang ako kay Irving habang nagbbasketball, pagnasa canteen kasama ang tropa nya nakatingin lang din ako at pag nasa room kasama si Jerlie ay titig lang din ako pero simula nung naging magkapartner kami sa isang project research ay dun na nagsimula ang lahat.

3rd year college kami nung naging classmate ko si Irving pero we're schoolmates nung highschool, yun din yung time na naging captain ball sya sa Eagles which is the basketball time samin samantalang si Jerlie naman ay isa sa cheerleader sa school, sa pagkakaalam ko sya ang star flier dito. Mali man na magkagusto ako sa lalaking mag girlfriend na pero di ko napigilan ang paghanga dito.

From Unknown Number

Goodevening din.

Dali dali ko ito nireplayan dahil sa unang pagkakataon mukhang makakausap ko sya.

To Unknown number

Kamusta kaaa?!

---

From Unknow number

Okay lang. Ikaw?

---

To Unknown number

Okay lang din. Can I ask you something?

---

From Unknown number

Ya, spill it.

---

To Unknown number

Bakit gusto mong maging personal diary kita in text? Do I know you or vice versa?

---

From Unknown number

Do i need to start the story now? Baka matagalan to.

---

To Unknown number

Im willing to wait. :)

It takes 15 minutes bago sya nakapagreply. Tipong natapos na kong maghilamos at magtoothbrush bago ko natanggap ang reply nya.

From Unknown number

Highschool palang tayo ay humahanga na ako sayo. The way na makipagaway ka sa mga lalaking bullies sa school natin, nakikipagsapakan ka pa nga sakanila e. Kaya halos lahat takot sayo nun. Then nagcollege na tayo, you became the student council dahilan para mas lalo kitang hangaan. Kapag nag sasalita ka sa stage about sa rules and activities sa school ay talagang pinapakinggan ko. Our school are very organize nung ikaw pa ang student council pero simula ng mag 3 year college tayo bigla ka nalang naglaho. You quit being student council, lahat nagulat lalo na ako. Hindi kana masyadong pumapasok. Lahat ng bullies na nawala ay muling nagbalik at sinimulan kang saktan at asarin pero di ko magawang protektahan ka. Sino ba naman ako para magawa yun? You become scared, lonely and sad. Lahat kaming mga humahanga sayo ay nagaalala sayo and then one day nabalitaan nalang namin na ang lolo't lola mo ay namatay dahil sa car accident, your Dad na syang driver ay still recovering that time and yung Mom mo ay buti nalang sugat lang ang natamo. We all shock dahil ni isa samin wala kang pinagsabihan even the dean and professors walang alam. Alam kong yun lang ang natatanging mong paraan para ipaalam samin na your strong enough that time kahit hindi.

Napahinga ako ng malalim habang binabasa ang text nyang yun. Napahawak ako sa ulo ko ng maalala ang mga araw na sobrang dami kong problema.

From Unknown number

Lagi kitang nakikita sa likod ng school na umiiyak ng palihim. Gustong gusto kitang lapitan pero di ko magawa. Natatakot ako na baka ipagtabuyan moko. Lumipas ang buwan at nag 4th year college na tayo, unti unti ka ng bumabalik sa dati dahil gumaling na ang dad mo. Pero last week lang ay nakita nanaman kita umiiyak ng wala nanaman akong magawa. Kaya napagdesisyonan kong itext ka at gawin mo nalang akong personal diary kahit sa text lang para sana kahit papano ay mabawasan ko yang sakit na nararamdaman mo.

Napangiti ako dahil sa sinabi nyang yun. Pero kinilig ako sa mga sunod nyabg text.

From Unknown Number

Ayokong makita ka ulit na umiiyak at walang kasama. Ayoko may manakit sayo. Simula ngayon proprotektahan kita mula sakanila, simula ngayon lagi na akong nandito para sayo di tulad ng dati, just text me! di man ako si superman willing akong maging SUPERHUMAN mo, Ofhel. ❤

Hi Unknown NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon