Ofhel's POV
From Unknown Number
Goodmorning Ofhel. See you sa canteen later!
Napangiti ako habang binabasa ang text nya, kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng bahay. Nagsimula na akong maglakad papunta sa sakayan ng jeep.
Nakarating ako sa room at maya maya rin ay dumating narin ang aming prof. Lumipas ang oras at ngayon nga ay lunch break na.
To Ilhoon
Hoy lalaki! Nandito na ko sa canteen, asan kana?! Diba sasabay ka sakin? Namo bilisan mo. Ang sasama ng tingin sakin ng mga studyante dito.
Binaba ko ang cellphone ko kasabay ng pagupo ni Ilhoon sa tapat ko
"Kakatext ko lang sayo, tch!" Inirapan ko sya
"Late lang naman ako ng ilang minuto huh. Dumaan pa kong studio dahil may binigay ako kay Eunkwang hyung kaya nalate ako." Pagdadahilan nya pero nakasimangot parin ako
"Oh, ano bang gusto mong kainin? Ibibili na kita, libre ko na. Wag ka ng magalit." Dahil sa sinabi nyang yun ay nagpout ako
"Oh?! Ililibre na nga--"
"GUSTO KO YUNG LUTO MO! BAT DI MOKO NILUTUAN?!" Pagiinarte ko. Hahaha sana gumana. Lol.
Napakamot sya ng batok
"Late na kong nagising kanina e. Napuyat kasi ako." Niliitan ko ang mata ko"What? Napuyat ka saan? Sa chat? Fb? Or text? Gosh! Sinong pinagpupuyatan mo?! Binata kanaaaa~ Ayeeei!" Tunusok ko ang tagiliran nya dahilan para umiba ang aura nya
"Tch. Ano ngang gusto mo? Bilisan mo bago magbago ang isip ko." Tumayo na sya kaya agad kong sinabi ang ipapabili ko
"Gusto ko ng Milkshake taro flavor, spaghetti, nagccrave din ako sa lagsana, tsaka tubig at cheese burger palagyan mo ng gulay at hot sauce, paki samahan nalang ng konting bilis. Salamaaaaat!" Blangkong emosyon lang ang ipinakita nya sakin bago umalis.
Woah, ang bait talaga ng bestfriend kong yun. We're best friends since highschool. Omo! Di ko nga alam pano kami naging magkaibigan nun e. Hahaha!
Maya maya lang ay padabog nyang inilapag ang tray ng pagkain sa harap ko at muling umalis, pagbalik nya ay may dala ulit syang tray ng pagkain.
"Woah, sayo yan? Pengeng pizza!" Akmang kukuha na ako ng slice ng pizza ng bigla nya tinabing ang kamay ko
"Diba yan gusto mo? Kukuha kapa ng sakin." Reklamo nya
"Dali na kasi!" Pinilit kong makakuha pero talagang pinipigilan nya ako.
Habang busy kami sa pagaagawan ay bigla nalamang nanahimik ang paligid. Napalingon ako sa pintuan nitong canteen at iniluwa nito ang buong eagles.
"Woah, anong meron? Bat dito sila kakain? Firsttime to huh." Wala sa sarili kong sabi
"Edi itanong mo sila." Nilingon ko si Ilhoon na busy sa pagkain ng pizaa nya.
"Hello Ofhel." Nilingon ko ang boses mula sa gilid ko. Nakita ko si Irving na tumigil sa harap namin habang nasa likod ang mga kagrupo nya
"Hi." Simple kong sabi sabay angat ng kamay ko.
Nginitian nila akong lahat at muli ng naglakad.
"Oh. Kakain kaba o ako na kakain nitong mga pag kain mo?" Busy ako sa pagsunod ng tingin kila Irving nag magsalita ang lalaki sa harap ko
"Ang KJ mo no?" Inis kong sabi
"Anong KJ dun e tinatanong lang naman kita. Sayang kasi pera ko kung di mo naman kakainin kaya ako na sana kakain." Angal nya kaya nagmake face nalang ako at nagsimula ng kumain
Hi Unknown number
Pauwi na ko! Sabay tayo? Hihi. :)
BINABASA MO ANG
Hi Unknown Number
FanficBTOB SERIES #3 [Jung Ilhoon FF] Paano kung may nagtext sayong unknown number? STATUS: C O M P L E T E D