Ofhel's POV
kumuha ako ng isang cart at nagsimulang magikot dito sa department store. Tinignan ko ang listahan ng mga gamit na kailangan kong bilhin. Napahinga ako ng malalim at nagsimula na. Ako kasi ang inutusang pabilhin ng buong klase namin para materials na gagamitin class project namin.
Maraming gustong sumama sakin pero ako na ang nagsabi na wag na. Pwe, kaya ko naman to magisa e. Basta may pera at listahan kaya ko na, matatagalan lang pag may kasama ako.
Puno na ang cart at patapos na rin naman ako, isang gamit nalang ang kailangan.
"Hmm. 2 bundle of bond paper short and long." Lumapit ako sa lalagyan ng bondpaper.
"Woah? 500 piraso dapat ang laman kada isang bundle. Pwe! Ang bigat nito." Pagmamaktol ko. Kahit nagdadalawang isip ako ay inilagay ko parin ang 2,000 piraso ng bondpaper sa cart.
Hirap na hirap akong itulak ang cart palapit sa cashier. Tangina, dapat pala nagsama ako kahit isang lalaki na classmate namin.
Itext ko kaya si Unknown number? Pero-- pwe! Di naman yun magpapakita sakin e.
Hi Unknown number,
I need your help. Nandito ako sa department store ng WOW Mall. Can you heeelp meeee pleaseeee. :)Sent!
Hirap na hirap akong itulak ang cart palayo sa cashier. Umabot ng 5k ang nagastos at sakto lang naman ang ibinigay sakin ng mga classmate ko. Wala manlang sobra para pangkain, nagugutom na kaya ako.
"Need some help?" Inangat ko ang tingin sa lalaking nakaharang sa daanan.
"Art?" Kunot noo kong sabi.
"The one and only student council president, Art." Nagsmirk sya. Nagulat naman ako ng may mga babaeng tumili sa likod ko at tinawag si Art, agad naman syang ngumiti sa mga ito dahilan para lalo silang magtilian.
"Playboy and fuckboy." Bulong ko. Lumapit sya sakin at sya na ang nagtulak ng cart
"Handsome and goodboy." Nakangiti nyang sabi
"Pwe!" Pangiinis ko sakanya pero imbis na mainis ito ay natawa pa.
"Tingin mo magiging student council president ako kung hindi kita katulad ng personality?" Tanong nya.
"I'm not fuckgirl and badgirl. Duuh." Inirapan ko sya
"Plus nalang yun sakin, pero lahat ng meron ka, meron din ako. Ang talino, paninindigan, responsable, maaasahan, mabait at matapang." Pagmamalaki nya
"May bagyo ba? Ang lakas ng hangin, baka matangay ako." Habang sinasabi ko yun ay sinasabayan ko pa ng pagarte.
"Haha, sana matangay ka ng hangin papunta sakin." Sabay kindat kaya umarte ako na nasusuka.
"Kadiri ka. Akin na nga yan, kaya ko naman umuwi magisa e." Inagaw ko sakanya ang cart pero di sya nagpatalo.
"Sigurado kang uuwi kana? Ililibre pa naman sana kita ng mcdo."
"Ay, joke lang. Haha! Tara na kain na tayooo. Woah!" Mabilis akong naglakad at naghanap na ng vacant table at naupo na.
"Buti nalang wala masyadong tao. Order kana Art." Utos ko
"Ako pa magoorder? Baka nakakalimutan mo ako ang student--"
"Wala tayo sa school, nasa mall tayo." Sagot ko at inirapan sya
"Psh! Ano ba gusto mo?!" Inis na tanong nya
"Chicken with rice tas may spaghetti, sprite yung drinks tas mcfloat then bff fries dalawa, sabihin mo madaming gravy huh. Please~ Salamaaat."
Inirapan nya ako bago umalis sa harap ko. Napangiti naman ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinext si Unknown number.
Hi Unknown number,
I'm with the student council president Art, ang nice nya talaga sakin. Why is that? Hahaha! :)A/N: Sorry sa super delay update. Busy talaga sa dance practice e. Naghahabol kasi kami dahil filming na this weekend, kadalasan umuuwi ako ng gabe kahit gusto kong magupdate ay di ko na magawa dahil inaantok at pagod na ko. Ayun lang, namiss ko kayo. Happy reading! :)))
BINABASA MO ANG
Hi Unknown Number
FanfictionBTOB SERIES #3 [Jung Ilhoon FF] Paano kung may nagtext sayong unknown number? STATUS: C O M P L E T E D