Epilogue- Last HUN

193 11 30
                                    

Ofhel's POV

Nilibot ko ang paningin dito sa venue. Hinahanap ko kasi si Art.

"May hinahanap kaba?" Napalingon ako sa lalaking katabi ko.

"Wala" tugon ko dito at nagsimula na ulit syang makipagusap sa mga ka varsity nya.

Nakaupo kami sa isang malakig mesa kung saan nandito ang eagles kasama ang kani-kanilang partner.

Di ko alam pero nawalan ako ng gana kay Irving simula kanina nung marinig ko ang sinabi nyang "korni" daw si Unknown number

FYI! Unknown number is the sweetest guy I've met-- I mean I knew.

"Okay ka lang ba Ofhel? Ang lalim ng iniisip mo. Iniisip mo ba yung Unknown number na yun? Haha, ano kaba, wag kang magpapaniwala sa lalaking sa text mo lang nakilala walang bayag yung mga yun." Pangasar nyang sabi sabay tawa ng malakas

Narinig naman iyon ng mga kateam nya kaya nagtawanan din sila.

This guy is getting into my nerves.

Pagalit akong tumayo sa kinauupuan ko dahilan para tumigil sila sa kakatawa.

"Pupunta lang akong CR."

"Samahan na kita." Offer nya

"No, malaki na ko. I can take care of myself and one more thing Irving stop insulting my Unknown number, he is one of a kind no one can do that kind of effort. Excuse me."

Umalis ako dun ng hindi pinapansin ang mga side comments nila. Bat ba ganto nalang ako kainis? Wft.

Di naman ako magccr eh, gusto ko lang talagang umalis sa pwestong yun para mahanap si..

"Ofhel?" Mabalis kong nilingon ang lalaking kanina ko pa hinahanap

"Art!" Natawa naman sya at ginulo ang buhok ko

"You look fab." Agad naman akong napaiwas ng tingin.

"May itatanong sana ako.." Nung sinabi ko iyon ay biglang nagbago ang aura ni Art at kasalukuyan itong nakahalf smile.

"Alam kong may itatanong ka. Spill it." Kahit nagaalangan ako ay nilakasan ko na ang loob ko upang matapos na ito

"Ikaw.. Ikaw ba si Unknown number?" Bahagya syang tumawa kaya medyo kinabahan na ko

"No. Hindi ako yun at hindi rin si Irving. Tingin mo sino sya?" Napakunot ang noo ko at agad na bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay may umiikot na animal sa tyan ko.

"But.."

"Tatapatin na kita, gusto kita at naisip kong magpanggap bilang Unknown number pero di ko magawa dahil naawa ako sa lalaking yun. Alam kong sincere sya at mahal na mahal ka kaya nagparaya na ko. HAHAHA!" Agad ko syang binatukan

"Leshe ka. So paano mo naman pala nalaman na may Unknown number na nagttext sakin?"

"Haha. Nagiikot ikot ako sa buong campus then isang room ang walang istudyante, pagpasok ko roon ay nakita ko ang isang cellphone. Bilang student council president ay kinuha ko ito upang ibigay sa lost and found center ngunit bigla itong tumunog and yung pangalan mo ang nasa screen. Tandang tanda ko pa ang text mo dun---"

He clear his throat and start dictating my whole text.

"Hi Unknown Number,
Nandito ako ngayon sa rooftop at nagiisa. Iniisip ko kasi yung narinig ko kanina sa mga magulang ko. They're planning to get an annulment, sobrang sakit. 13 years old palang ako alam kong di na nila mahal ang isa't isa. Alam kong pinipilit lang nilang magsama dahil samin ng ate ko. Ngunit ngayong 18 years old na ako at 21 years old na si Ate ay mukhang nakapagdesisyon na silang maghiwalay. Shit, ang sakit sakit unknown number." Tumigil sya at tinitigan ako

Hi Unknown NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon