“I’ll look back to the past, I’ll look back to the past. And this, I hope, would last.”
* * * * *
It’s not a happy ending.
Maraming nagsasabi sa ‘kin, marami akong naririnig. Hindi raw masaya ang ending ng istorya ko. “Bakit kailangan pang mamatay ni Midori?”, “Bakit umabot sa ganitong punto?”, “Hindi kayo magkasama sa huli.” Iba’t iba ang mga komentong naririnig kong lumalabas sa bibig ng mga tao. Pero maging ako, tinatanong sa sarili ko, bakit nga ba?
Hindi naging madali ang mga bagay nang araw na iniwan niya ako… kaming lahat. Nang ilabas ang katawan niya sa kwarto ng ospital, walang may gustong sumama sa mga nurse sa pag-aasikaso sa kanya. Pinili ni Midori na i-cremate ang katawan niya. Iyon ang paulit-ulit na hiling niya sa mga magulang niya nang magsimula na siyang hindi makakita. Ayaw namin. Labag sa kalooban naming lahat na gawin yun. Pero yun ang gusto niya, ang huling kahilingan niya para sa sarili niya.
Lumingon ako sa harapan ko at nakatayo doon si Jane. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa podium at mabibigat rin ang paghinga niya.
“High school kami nu’ng una kong makilala si Midori. Nakaupo ako nu’n sa detention room. Mag-isa. Tapos bigla siyang pumasok. Sabi niya, ‘Excuse me? Mag-isa ka lang ba?’ ‘Tapos akong bad trip, sinagot ko siya, ‘Mukha bang may kasama ako?’ Akala ko bubulyawan niya ‘ko. Kaya naisip ko, subukan niya lang. Ihuhulog ko siya mula sa second floor kung nasaan kami. Pero nagulat na lang ako kasi ngumiti siya. Sabi niya, ‘Ang ganda mo. Hindi bagay sa’yo ang nagagalit.’ Nakangiti lang siya, tapos palingon-lingon sa may pinto na parang may hinihintay. Hindi ko siya inaway, sinabihan niya ‘ko ng maganda eh!”
Mahinang nagtawanan ang mga tao pati na rin si Jane.
“’Tapos sabi niya, ‘Sige ha, aalis na ‘ko. May hinahanap pa kasi ako.’ Bigla naman akong na-guilty dahil ang bait niya. Kaya tinanong ko kung sino ‘yung hinahanap niya. Sabi niya si ‘Philippe’ daw. Kung kilala ko ba daw ‘yun. Si ‘Philippe Jan Lim’. Tinanong ko siya kung anong kailangan niya kay ‘Philippe’. Sabi niya, inutusan daw siya ng adviser niya na...” Saglit na tumigil si Jane. Tumungo siya na parang hirap na hirap magsalita at nagsimula nang umiyak. “Inutusan daw siya na ibigay ‘yung sanction for truancy ko. Sabi ko— Sabi ko, ‘Ako ‘yun.... A— Ako si Philippe Jan Lim.”
Nahihirapan nang magsalita si Jane pero patuloy pa rin siya. Kung anong itinawa ng mga tao nang una beses siyang magsalita, ganoon naman ang iniiiyak nilang lahat ngayon. Kahit ako, parang gusto ko nang patigilin si Jane sa ginagawa niya. Pakiramdam ko ako ‘yung nahihirapan. Pero kahit putol-putol na ang salita niya, patuloy pa rin siya sa pagkukwento.
“’Tapos nagulat siya. Hindi siya nagsalita. ‘Tapos bigla na lang siyang humiga sa sahig at pumikit. Ako naman... hindi ko maintindihan ang gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit niya ‘yun ginawa. Pinapabangon ko siya pero sabi niya... sabi niya... ‘Sshh! Buhatin mo ‘ko.’ ‘Tapos sumigaw ako, sabi ko, ‘Bakit ko ‘yun gagawin?’ ‘Tapos sabi niya ‘Kun... Kunwari h-hindi mo na...na-receive ‘yung sanction. Kunwari niligtas mo ‘ko. Bilis!’ Kaya kahit hindi ako sigurado sa utos niya, sinunod ko siya. Ewan ko kung bakit. Matigas ang ulo ko. Pero sinunod ko ang isang taong noon ko lang nakilala.
“Simula nu’n palagi na kaming magkasama. ‘Tapos totoo palang palagi siyang nahihimatay. Kinwento niya sa ‘kin dati, nagpa-check up daw sila ni Tita Meg, pero wala naman daw nakitang kakaiba sa kanya. Kaya binibiro lang namin ‘yung sakit niya. Kapag dumudugo ‘yung ilong niya, sasabihin lang niya, ‘English ka kasi nang English!’. Kapag naman sumasakit ‘yung ulo niya, sasabihin ko, ‘’Wag ka kasing masyadong mag-aral!’ Hindi ko naman alam na aabot sa ganitong punto.”
BINABASA MO ANG
The 100th Memory (Sequel to The 100th Guy Who Passed By Her) HIATUS
RomanceA sequel to The 100th Guy Who Passed By Her (If you haven't read The 100th Guy Who Passed By Her, read it first and don't get spoiled. Click the external link to read it. Thank you! ☺) What happened to the 100th guy? It has been years since Midori h...