Chapter Three

4K 138 9
                                    

After 12345678910 years, nakapag-update rin.

I'm really sorry if this is very late. Alam kong ang daming nagrerequest, aware ako dun. Pero ang hirap talaga. Pero salamat pa rin sa mga matiyagan naghihintay at hindi nang-iiwan.

THIS IS UNEDITED.

I INTENTIONALLY POSTED THE UNEDITED ONE FOR A CERTAIN PURPOSE :)

Enjoy reading!

**********************

"Your stares that melt, only my heart felt."

*   *   *   *   *

"Kamusta na?”

            Nilingon ko ang bagong dating na si Avril. Tumayo ako para salubungin siya saka bumalik sa tabi ni Daddy.

            “Pasensya ka na. Ang tagal kong hindi nakadalaw. You know Flip had a hard time after giving birth to our first.”

            Nginitian ko siya saka siya binati. “Congrats, Daddy Avril.”

            Mahinang tumawa naman siya saka kumuha ng upuan at tumabi sa akin. Walang nagsasalita sa ‘min. Pareho lang kaming nakatingin kay Daddy. Walang malay. At malalim ang tulog. Hindi ko maiwasang isipin kung kamusta na kaya ang Daddy ko. I’ve been seeing him everyday, everytime. But I feel that he’s not with me. Ilang araw pa kaya ang dadaan na nakahiga siya sa kamang ‘yun? Ilang linggo pa kaya siyang hindi gigising? Ilang buwan pa kaya kaming maghihintay?

            “Your Dad must be a fighter,” biglang sabi ni Avril sa gitna ng katahimakan. Tumango ako nang hindi inaalis ang tingin ko kay Daddy. “I still remember when we’re in second year in high school. Kapag may nambu-bully sa ‘ting dalawa, your Dad always rescues us. You know how mom and Dad would get mad if they knew. ‘Tapos dadalhin niyo ‘kong dalawa sa bahay niyo. I grew up considering your Dad as the best doctor in the world.”

            Ngumiti ako, pero mabilis ring nawala ‘yun. Habang dumadami ang magagadnang dahilan kung bakit dapat gumising na si Daddy, lalo naman akong pinanghihinaan ng loob na makitang hindi siya nag-re-respond sa treatment niya.

            “He’s going to wake up, is he?”

            Huminga ako nang malalim sa tanong niyang ‘yun. ‘Yung sakit nu’ng iwanan ako ni Midori, bumabalik lahat. “He’s brain dead.”

            Saglit na hindi nagsalita si Avril. There was only the sound of the air conditioner and ticking of the clock that we were hearing.

            Hinawakan ko ang kamay ni Daddy. Tuwing tinitingnan ko siya, bumabalik lahat ng sakit. Nawala ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko dahil nagpatali ako sa kanya. Pero kahit gaga pa kasakit, hindi ko maaalis sa ‘kin kung ano siya sa buhay ko. He’s still my Dad. And no revolving of the world could change that. He may be the meanest, the fighter who even considered me as one of his opponents that should be controlled, but he is still my father. And I’m still a reflection of his very self.

            “Why are you still keeping him alive?” Saglit na nilingon ko si Avril, saka ibinalik kay Daddy ang tingin ko. “I— I don’t intend to offend you, Maisen. I— I’m just—”

            “No, it’s okay, Avril,” nakangiting sabi ko. “Even I sometimes ask myself, why keep someone who has already let go? But I always end up scrambling the words. Now, I ask myself, why do I have to let go of someone who’s worth to be kept?” I breathed deeply then continued, “Isang araw, tinanong kami ng doktor kung ano bang plano namin kay Daddy. Sabi sa ‘kin ni Lola, ‘bitiwan na natin. Pinahihirapan lang natin siya.’ Ilang araw kong pinag-isipan nang mabuti ‘yun. Ang tagal nang nakahiga ni Daddy dito, walang nangyayari. Pero isang araw na-realize ko, masasaktan ako kapag binitawan ko siya. At ayokong masaktan.

The 100th Memory (Sequel to The 100th Guy Who Passed By Her) HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon