One

35 5 0
                                    


Habang papalapit na ako sa lugar na pupuntahan ko ay wala akong ibang nararamdaman kundi kaba. Isang kaba na makita siya, ayaw kona siyang makita dahil baka masaktan lang ako dahil sa katangahan na nagawa ko. Pero kahit sabi nang isip ko ay ayaw kona, ang sinisigaw parin ng puso ko ay gusto ko pa. Katangahan na pinag-sisihan ko sa buong buhay ko dahil sa sinayang ko ang lahat nang oras. Yung oras na dapat pinag-bigyan ko nang lugar sa aking buhay pero itinakwil ko. Because of my stupidity I lose him, I didn't realize at first that everything has its time limits.

I Don't know if all this time we were waiting for each other

It's our High School reunion today. I feel so relieved when I saw their face, the face of my High School classmates. For how many years we met again and celebrating our friendship that we build together while we are in High School. Masaya ako habang pinag-mamasdan ko sila dahil sa lahat na nandito ay puro professionals na.

"Missy I miss you so much" sabi ni fate at niyakap ako nang mahigpit

"Miss you too" sabi ko naman at niyakap din siya

She's my bestfriend when I was in High School and until now. 6 Years din kaming hindi nagkita dahil sa states ako nag-aral para sa business namin. Isa na kasi akong CEO nang kompanya namin at umuwi ako dito upang mag attend nang reunion namin at para magmahala nadin nang kompanya namin dito.

Naka-usap kona lahat nang kaklase ko, nakapag bonding na kaming lahat. Pero yung taong sinadya ko talagang puntahan dito ay wala, wala akong nadatnan na imahe niya. Siya talaga ang sadya ko dito dahil kahit hindi kona mababalik yung oras ay gusto ko lang masilayan ang kanyang mukha, gusto ko na marinig ulit ang kanyang boses. Kahit parang hangin nalang ako sa kanyang paningin, okay lang basta makita ko lang ang presensya niya.

"Sorry guys I'm late" sabi nang isang pamilyar na boses sa aking likod

"Long time no see" Bumilis ang tibok nang puso ko nung marinig ko ang boses niya pero parang may konting kirot, hindi ko alam kung lilingon ba ako o tatakbo palabas. Siya nga yung sadya ko dito pero bakit ganun? Bakit parang wala akong lakas na loob upang humarap sa kanya? Dahan dahan akong lumingon sa kanya hanggang sa mag tama ang mga tingin namin. Mas sumikip pa ang aking puso nang masilayan ko ang mga ngiti nito. Nakangiti siya habang nakatingin sa aking mga mata. Ngiti, Isang ngiti na hindi ko alam kong may meaning ba iyon.

Ngumiti din ako pabalik sa kanya sabay sabi nang "Long time no see" pero sa hindi ko namalayan ay tumulo na pala ang aking mga luha. Nang tumulo ang mga ito ay bumalik ulit sa isipan ko ang lahat. Ang lahat na mga ala-ala na magkasama pa kami. Mga ala-ala na sinayang ko dahil isa akong hamak na tanga, Mga ala-ala na ayaw kona sanang balikan pa dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Mga Ala-ala na ayaw kona sanang balikan pero gusto kopang ibalik. 'Mga ala-ala' yan nalang ang pinanghahawakan ko ngayon dahil hindi kona mababalik ang dati.


--

A/N: I hope you'll support my new story, Don't forget to vote mga bebe :) 

for dedications you can pm me if you want :) 

If I have a Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon