Two

21 4 0
                                        


"Okay guys Let's welcome our First honor Jax Ronald Delano" sabi na isang kaklase namin at nag hiyawan na naman sila

Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang tumutulo ang aking mga luha at ganun din naman siya. Nakatingin din siya sa aking mga mata, lintek na luha to bat kapa ba tumulo? Gusto kong sabihin na sobrang namiss kona siya pero hindi ko mabuka ang aking bibig.

"Jax dito ka" sabi nang lalakeng kaklase ko kaya napatingin naman siya, tumingin ulit ito sakin saka umalis sa harapan ko at pumunta na doon.

Mas nasaktan pa ako sa ginawa niya. Naghihintay ako na tanongin niya kung bakit ako umiiyak pero naghintay ako sa wala, nag mukha akong tanga habang umiiyak sa harap niya at parang iniwan niya lang sa ere. Ipinahid ko ang aking mga luha saka ngumiti at humarap sa mga kaklase ko habang nagsisiyahan sila, hindi ko alam kung may nakakita ba na umiyak ako kanina dahil lahat naman sila ay may mga sariling mundo. Napatingin naman ako sa pwesto niya at nagtatawanan ito sa mga kaklase namin noong High school pa kami. Ang bobo mo missy! Iiyak-iyak ka eh ikaw naman yung may kasalanan kung bakit wala na siyang pakealam sayo. Pumunta nalang ako sa pwesto nila fate

"Hey what's with your face?" tanong nito nung makalapit na ako sa kanila

"Nothing, why?" tanong ko naman sa kanya

"Nevermind" sabi nito at binigyan ako alak

"What about this? Alam mo namang hindi ako umiinom" sabi ko sa kanya habang nakakunot ang aking noo

"I know, but try it now" nakangiting sabi nito

"Why?" tanong ko ulit

"Just drink it" Ininom ko naman ito kaya napapikit ako dahil sa lasa nito. Ang pait as in, sa buong buhay ko kasi ngayon ko lang na try uminom.

"Great right?" Napatango naman ako sa tanong niya saka umupo dahil sa medyo nahihilo na ako kahit konti palang naman yung nainom ko.

"I know my problema ka kaya pinainom kita" sabi naman ni fate nang maka-upo na ako

"The fuck, Fate!"

"Language Missy" agad na sabi naman nito

"It's because of your rival right?" pagkasabi niya nun ay hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Rival na kasi yung tawag niya kay jax nung High School kami dahil nung simulang nag transfer ito inagaw niya na sa'kin yung pwesto ko bilang first honor kaya naging second nalang ako.

"Talk to him" sabi niya ulit

"Are you kidding me fate?"

"You think I'm kidding?" sabi naman nito sabay rolled eyes

"I don't know" sabi ko naman, huminga naman ito nang malalim saka nagsalita

"Just talk and nothing more"

"Seriously? Ayaw konang guluhin yung buhay nang tao" sabi ko naman sa kanya, kaya nag kibit balikat lang ito at hindi na nagsalita

Napatingin naman ako sa pwesto ni Jax at sa hindi ko sinasadya ay nag tama ang aming mga tingin pero umiwas din naman agad siya. Jax sorry yun nalang yung masasabi ko sayo. Pero alam ko na hindi mababalik nang isang sorry ang lahat. Tanga ako eh hindi ko narealize sa una palang na mahal na pala kita, pinabayaan lang kita na lumaho ni wala akong ginawa upang bumalik ka sa'kin. Siguro kung noon palang ay mas pinili kong mahalin ka siguro masaya tayo ngayon. Siguro hindi tayo nag-iiwasan ngayon. Hindi ako bobo para hindi maramdaman na hindi mo ako iniiwasan, Pero bakit? bakit mo ako iniiwasan? Ganun naba ako kagaga para magalit ka sakin at iwasan mo ako?

Mag-isa lang akong nakaupo ngayon dahil sa may kanya-kanyang ginagawa ang lahat at parang wala ako sa mood ngayon na makisama sa kanila dahil sa konting alak lang na iyon ay nahihilo na ako. Naramdaman ko na may umupo sa aking tabi kaya napatingin naman ako sa kanya, nung makita ko kung sino ito ay bumilis ang tibok nang puso ko. Kaya napaiwas ako nang tingin, eto nanaman yung kaba na nararamdaman ko kanina.

"Kumusta na?" tanong nito, Mas lalong bumilis ang tibok nang aking puso kaya ipinikit ko nalang ang aking mga mata at huminga nang malalim saka tumingin sa kanya. Nung tignan ko ito ay nakangiti ito sakin, kaya parang maiiyak naman ako. Ngiti, namiss ko ang mga ngiti niya, yung mga tingin niya ngayon sakin habang nakangiti nang ganito ay sobrang namiss ko.

"O-okay lang..i-ikaw?" Nauutal na sabi ko saka umiwas nang tingin dahil sa nararamdaman ko na meron nanamang nabubuong mga luha sa aking mga mata pero hindi pa ito tumutulo. Sa abot nang makakaya ay pipigilan ko na tumulo ang mga ito, dahil sa ayaw ko na umiyak ulit sa harapan niya.

"Okay lang naman" sabi nito pero hindi parin ako tumitingin sa kanya

"By the way..I miss you" pagkasabi niya nun ay biglang napatingin ako sa kanya, nakangiti parin ito. Hindi ko alam kung ano yung irereact ko sa sinabi niya dahil sa nagloloading parin ako. Nginitian ko lang ito at umiwas ulit nang tingin. Bakit ba ang bait mo parin sa'kin? Gusto kong magalit ka at iparamdam mo na mali ako nung ginawa ko yun! Pero bakit ka ganun? Parang wala lang sayo yung nangyari, alam mo bang mas masakit yung ginagawa mo sakin ngayon? Yung parang wala lang sayo yung lahat na ginawa ko, Yun bang parang wala kanang pakealam sa nangyari dati. Mas pipiliin kopa na magalit ka eh! Kesa sa ganito na wala kanang pakealam.

Gusto kong itanong sa kanya kung anong ibig sabihin nang I miss you niya. Namiss moba na magpakatanga sa'kin noon?  Bakit mopa ako namiss? Eh sa wala naman akong ginawa sayo kundi yung paasahin ka. Yung saktan ka, Jax hindi ko alam kung ikakasaya koba dahil namiss mo ako. Mas lalo lang akong nasasaktan sa ginagawa mo ngayon, Namiss moba talaga ang mismong ako? Ano ang ibig sabihin nun. Gusto mo bang maging tayo? Sabihin mo Jax na gusto mo dahil hindi ako magdadalawang isip na sumagot nang 'Oo' Sayo. Jax gusto kong sabihin sayo na miss na miss nadin kita sobra. Gusto kong ibalik yung dati jax pero pwede paba? Tatanggapin mo pa kaya ako? 


--

A/N: Thank you for reading kung meron man. Ano bang ginawa mo Missy na pinagsisihan mo nang sobra? Keep on reading po para malaman niyo :) By the way don't forget to vote. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If I have a Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon