Prologue

4 0 0
                                    

"Shay, hindi mo titikman yung chocolates?" Umiling ako. "Eh yung flowers? Roses pa naman 'yon, sa'n mo dadalhin?"

Nagkibit-balikat lamang ako at napatingin sa desk ng armchair ko. Puno na naman ng kung ano-ano. Mga rosas, chocolate, cards tapos maliliit na Teddy bear. Mukha na nga akong tindera dahil sa mga ito.

Napangalumbaba na lang si Kiera sa armchair. Alam ko na yan, paniguradong nanghihinayang kasi masasayang na naman yung mga chocolates at bulaklak. Pwera doon sa Teddy bears kasi ipinapamigay naman namin sa mga street children sa may school.

"Hindi mo talaga kakainin?" Umiling ako kaya napabuntong-hininga na lang si Kiera,"Sayang talaga eh. Tignan mo! Toblerone, Caddbury, Hershey's, tapos may Ferrero pa!"

"Ipamigay na lang natin... Or gusto mo sa iyo na lang?"

Ngumuso si Kiera,"Tsk. Purgang-purga na nga ako sa chocolates."

Natawa ako sa reaksyon ni Kiera. Oo nga naman, palagi ko na lang sa kanya binibigay yung mga chocolates na binibigay ng kung sino-sinong lalaki.

"Bakit ba kasi ayaw mo pang kainin yan? Wala namang masama kasi pagkain din yan..."

"Pag kinain ko kasi yan, iisipin nung mga nagbigay niyan na gusto ko sila---"

Sumimangot si Kiera,"Gusto agad?! Parang kinain mo lang naman yung chocolates... it's not like feelings nila yung tinanggap mo."

"We'll never know how suitors think Kiera."

Tumango na lang si Kiera sa sinabi ko. Ako naman ay pinag-isipan ulit kung saan ko ilalagay yung chocolates, flowers at Teddy bears na binigay ng mga manliligaw ko. Ibenta ko na lang kaya ang mga 'to? May kita pa ako!

Syempre biro lang, alam kong pinaghirapan din ng mga lalaking ito yung mga pinambili nila sa mga binigay nila sa'kin. Ayoko namang sayangin yung mga effort nila, kaso ayoko rin naman tanggapin iyon!

Hayst! Ano ba talagang gagawin ko sa mga ito? Nakakainis naman!

"Ah! Isama mo na lang ang mga yan sa mga Teddy bears mamaya Shay!" Ani Kiera na tila tuwang-tuwa sa naisip niya. Para nga siyang may light bulb sa gilid ng ulo niya.

Napaisip ako. Okay lang naman din siguro iyon. Walang masama kung sa mga bata mapupunta ang mga binigay nila, hindi naman nakakasayang sa effort nila yun.

"Kaso Kiera..."

Kunot-noo akong tinignan ni Kiera. I puckered my lips,"Tama ba ang ginagawa kong pagtanggi sa mga regalo nitong mga lalaking 'to? Pakiramdam ko, natatapakan ko sila. Pakiramdam ko, masyado akong pabebe."

Kiera sighed,"Okay na 'yon! At least hindi ka paasa!"

"Sana nga hindi sila umaasa sa'kin." I sighed.

Sana nga hindi sila umaasa sa'kin.

My words stayed in my mind for hours. Hindi ko kasi mapigilang hindi ma-guilty tuwing tinatanggihan ko ang mga binibigay na regalo ng mga manliligaw ko. Hindi rin naman ako nagpapaligaw pero sila itong nagpupumilit na manligaw.

But I hate rejecting someone! It feels like I'm creating a huge devastation among themselves---cracking their hearts, crashing their hopes; and I don't want to do that. I don't want to remember those crushed faces of them every time I tell them 'no'.

Naalala ko iyong nakaraang taon. I have this boy best friend that is always there for me. Mabait siya, talented, a handsome young adolescent that can make every girl in our class squeal. He is always beside me, my protector, my shoulder, even before Kiera came.




Ms. Know-it-All Falls for Mr. Knows-Nothing-at-AllWhere stories live. Discover now