Chapter 4

4 0 0
                                    

The heart beats. For blood to circulate the body, for oxygen to be delivered and carried to the organs, and for nutrients to spread throughout our systems.

I wasn't informed that it can beat on useless things too! This heart of mine needs to control itself, hindi pwedeng basta-basta na lang siya titibok nang hindi ako aware.

Pagkalabas ko ng paaralan ay dumiretso ako sa maliit na café sa tabi nito. Kailangan ko ng mainit na kape. Kailangan kong mahimasmasan. Kailangang matauhan nitong puso ko.

O baka naman talagang kinabahan lang ako? O nagulat? Sa tingin kong ugali ni Rico, maloko siya at hindi napupuno ng sinseridad. I'm not surprised if I'm taken aback by that chivalrous smile of his.

May kakambal ba si Rico? Baka mamaya'y kakambal niya yung nakasalubong ko kanina. Imposible namang maging ganoon ang epekto sa'kin ng ngiti ng isang Rico.

Sa kakaisip ay hindi ko namalayan na dumating na ang kapeng in-order ko. Kung hindi napadikit ang tasa sa kamay ko ay hindi matatauhan. Nagpasalamat ako dahil doon na ikinagulat naman ng barista.

"Pasensya na Ma'am, di ko po--"

"Kuya it's fine. Thank you."

Tinitigan niya ako at ang kamay ko na bahagyang namumula. Pakiramdam ko'y sobra na ang kabang nararamdaman niya kaya naman hinawakan ko ang braso niya,"I'm fine. Hindi ako napaso, thank you."

Isang tango na lamang ang ibinigay ng barista sa'kin bago bumalik sa ginagawa niya.

Habang umiinom ng kape ay di ko mapigilang isipin si Rico, lalo ang ngiti niya kanina. Unang beses kong makakita ng ganoong ngiti kaya naman sobra akong nagulat. We have muscles in our face that help us to perform several expressions, but the people I know uses those muscles to frown, to pout and to give sardonic looks and flirtatious smiles.

Sincerity is something I want to see but can't expect to see on the various people I see everyday. Kiera is a different person though, she's the most dedicated and sincerest person I have ever met. Hinding-hindi ko ipagpapalit si Kiera sa kahit kanino at ano. She's my best friend.

Ang hirap kayang makahanap ng taong iintindihin at pagtiyatiyagaan ka. Kiera is that person to me, and gems are never meant to be replaced by rocks.

Napapatingin ako sa mga taong dumadaan sa gilid ng café kahit pa naroroon ako sa bandang gitna nakaupo. Ang sarap tignan ng mga tao sa gilid. It's like seeing a movie scene passing on you. Ang daming tao, may magkahawak-kamay pang dumaan at tumingin sa direksyon ko.

Para akong pinipiraso-piraso kung makatingin ang babae sa pares na 'yon. Her boyfriend is looking at me with awe. Should I feel scared? Siguro'y mga ka-schoolmate ko lang din ito. Akala naman nila natitinag ako sa mga tingin nila.

I never did anything. This is what I hate the most in being me. People keep on staring! And I never wanted that, ayoko kaya ng atensyon. If only I can hide my face whenever I'll go out, I'll do it but I know in myself that I will never do anything for the sake of other people.

I'm a selfish girl and I know it. Ano bang silbi ng paggawa mo ng isang bagay para sa iba? They'll just end up abusing you. Madalas, kung sino pa iyong nagbibigay, siya itong naiiwang mag-isa.

Hindi ko sinasabing panay kuha lang ako, panay tanggap. I just want to do things for myself and receive things from myself. I don't need anyone, Kiera is an exception though.

I really don't know what to do without Kiera. She's the only girl out there that I know would never have bad thoughts about me. She's so pure. Minsan naiisip ko na nakatagpo ako ng anghel sa lupa. Nakikita ko rin ang sarili kong napapatingin kay Kiera at nagpapasalamat dahil matalik ko siyang kaibigan, because I know in myself that I did not deserve her.

Ms. Know-it-All Falls for Mr. Knows-Nothing-at-AllWhere stories live. Discover now