Chapter 7 [Secret?]

212 5 3
                                    

Si Brett yung nasa side ------------------------>>>>>>>>>>>>>>>>

[][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][]

~Jerico~

Nakarating na rin kami sa school after 10 minutes, traffic din kasi. Medyo na-late na kami sa Flag Ceremony pero buti nalang at hindi kami napansin ni Ma'am. After nung Flag Ceremony bumalik na agad kami sa classroom. Nag-start na rin agad yung classes medyo nakakabored kaya hindi ako masyadong nakinig. Hindi rin naman ako masyadong maka-concentrate eh. Napansin ko din na parang hindi pumasok si Chloe.

*Kring* *Kring*

Agad akong nabuhayan ng dugo nung narinig ko yung bell

YES!!! LUNCH NA!!!!!!!!!!!!!! XD

Dumiretso na kaming lahat sa kanya-kanyang locker. Hindi na nga namin nahintay yung pahabilin nung teacher namin eh. Nilagay na namin nung gamit namin dun tsaka pumuntang canteen

Bumili na kami ng pagkain namin at umupo na sa table namin. Oo table NAMIN. Talagang amin yun pero hindi sa binili namin yung table ah. Sadyang alam lang ng mga estudyante dito na dito ang paborito naming lugar na kainan kaya they don't bother sitting here.

Yan tuloy napa-english ako! Hahahahaha XD

"Napansin ko wala si Chloe kanina ah" si Valerie sabay subo sa pagkain nya

"Napansin ko nga rin na wala sya kanina" pagsang-ayon naman ni Neil

"San kaya yun?" tanong ko naman sabay subo sa pagkain ko

Bigla namang bumukas yung pintuan ng canteen kaya lahat kami napalingon kung sino ang pumasok at nakita namin si Chloe na sobrang saya. Alam naming masayahin sya at palagi syang nakangiti pero iba yung ngiti nya ngayo. Parang nanalo sa lotto?

"Oy, saan ka galing?" tanong agad ni Valerie sakanya

"Ang saya mo ah! Congratulations!!" si Brett sabay thumbs-up

Umupo na rin si Chloe sa gitna namin ni Brett

"Tinawag kasi ako ng principal!" sagot naman ni Chloe habang may malapad paring ngiti sa mukha nya

"Tapos?" tanong ko naman sabay subo sa pagkain ko

"Ako lead nyo ngayon!!!" Sabi ni Chloe habang pumapalakpak pa

"Anong lead?" kunot-noong tanong ni Valerie

"Sa awa ng Diyos ako ang ginawang lead sa--" hindi na natuloy ni Chloe ang sasabihin nya

"Chloe!!" para namang natauhan si Chloe sa sigaw ni Neil

"Lead sa?"

"Ah! W-wala wala! Hehehehe" sagot naman ni Chloe habang nakakamot sa batok

"Ay may secret?''

"Ay teka bili muna ko drinks" tumayo na si Valerie nun tsaka bumili ng drinks nya

Nagkatinginan naman kami ni Brett. Tumango naman sya bilang signal.

"3......2......1---"

"Aray!"

"Para saan naman yun?!" =.="

Kinurot kasi namin si Chloe sa tagiliran.

"Muntik ka na!" salubong naman ni Neil sakanya

"Ay sorry naman, kayo ng hindi nadudulas! Kayo na talaga!"

"Pero di nga ikaw lead namain ngayon?" tanong ko naman sakanya

For the first time kasi sya naging lead namin eh XD

"Oo nga! Kulit naman eh! Pero kahit na masaya parin ako! Sa wakas naman natupad na ang wish ko!"

Kung di nyo gets ganito kasi yan:

Magkakasama kasi kaming apat sa isang band. Si Neil yung sa drums. Si Chloe sa keyboards pati second voice. Si Brett naman sa lead guitarist namin. At ako ang dakilang bassist at lead vocals.

Dapat talaga ako yung lead guitarist eh kaso wala namang ibang marunong mag bass kundi ako kaya si Brett na lang yung lead guitarist.

Kaya ganyan kasaya si Chloe ay dahil ngayon lang nya naranasan ang pagiging lead. Lagi na lang kasi ako or si Brett ang napipiling lead. Naranasan na rin naman ni Neil ang pagiging lead pero ayaw nya ng ulitin kasi nakakapagod daw.

Kung tinatanong nyo naman kung bakit namin tinatago yun kay Valerie ganito naman yun:

Hindi kasi alam ng mga magulang ni Neil na kasama sya sa isang banda. Hindi nya na rin pina-alam kasi alam nya namang hindi sya papayagan. Pero dahil nga hindi nya na rin naman masyadong nakakasama yung mga magulang nya sumali na lang sya. Hindi rin nga alam ng mga magulang nya na marunong syang mag drums eh.

Kaya namin tinatago namin to kay Valerie kasi nga pinsan sya ni Neil at pag nalaman nya na kasama si Neil sa isang band lalo na kung nag start lang kami bilang School Band baka malaman pa ng magulang ni Neil.

Bumalik na rin si Valerie sa table namin. Nagkwentuhan lang kami dun habang kumakain.

Nung nagbell na dumiretso na kami sa classroom. As usual boring nanaman ang klase. Nagpasahan na lang kami ng letters ni Neil. Pasaway kami eh XD

Nung nag-bell na pumunta na kami sa locker tsaka nilagay gamit namin. Nagpaalam na rin kaming dalawa ni Valeriekila Brett at dumiretso na kami sa parking lot ng school.

"Valerie!" napalingon kaming dalawa ni Valerie nung may sumigaw

Nakita naman namin si Lloyd na tumatakbo papunta samin

"Lloyd?"

Nakakunot ang noo naming dalawa ni Valerie habang si Llyod naman hingal na hingal

"I just want to ask you if you're free this weekend?"

"Uhm... Sorry Lloyd pero busy ako this weekend eh."

Lumungkot naman ng konti yung mukha ni Lloyd

"How about next week?" tanong ulit ni Lloyd

Desperado lang? XD

"Sorry talaga Lloyd pero busy kasi talaga ako eh..."

Ewan ko pero parang ang saya kong makita yung mukha ni Lloyd na parang sinabi ni Valerie na namatay ang alaga nyang aso.

"Uhm... Ok"

"Sorry talaga Lloyd... Sige bye"

Hinila na rin ako ni Valerie papunta sa kotse

"Hahahahahahahahahahahahahahahaha XD" grabe hindi ko na talaga mapigilan ang tawa ko nung makapasok kami sa kotse

Tinitigan lang ako ni Valerie

"Anong nakakatawa?"

"Hindi mo ba nakita yung mukha ni Lloyd kanina? Hahahahahahahaha XD"

"Magdrive ka na nga lang!"

"Sungit naman!"

Nilingon ko sya pero nakacross arm lang sya habang nakasimangot

Nagsimula na akong magdrive habang pigil na pigil parin ang tawa ko

Hindi parin talaga ako maka-get over dun XD

[][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][]

Sorry sa late update

Churee talaga ^___^V

Sa susunod POV naman ni Lloyd

My Personal Bodyguard || LEAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon