Chapter 6 [First day]

232 3 5
                                    

Thanks sa mga pag-fan ng iba ^^

Sorry kung hindi na nag-uupdate si Ms. Author, busy daw kasi hehehe XD

Jerico sa side ----------------------------->>>>>>>>>>>>

Ok na bye bye!! :"3

[][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][]

~Jerico~

Sunday ngayon kaya wala nanamang pasok. Nandito kami ngayon nila Neil at Brett sa mall. Nagpasama kasi si Brett dito may bibilhin lang daw sya. Nasa food court kami ngayon kaya nagkwentuhan muna kami. 2 months din kasi kaming hindi nagkausap ng ganito dahil bakasyon nun.Bigla naman tumunog yung phone ni Neil kaya umalis muna sya para sagutin yung call.

"Oo nga pala bro, nakapagsimula ka na ba dun sa bago mong trabaho? Ano ok ba?" -Brett

"Hindi pa nga eh..." -ako

"So kailan ka daw magsisimula?" -Brett

"Hindi ko rin alam..." -ako

Bumalik na rin si Neil dito sa table namin.

"Jerico kailangan mo mag-impake." Neil said with a serious tone

"Huh?" anong ibig nyang sabihin?

"Ang sabi ko mag-impake ka ng gamit mo kasi titira ka muna doon sa bahay nila Val."

"Diba sinabi ko na sainyo na hindi na kailangan dahil may tinutuluyan naman akong bahay?" ang kulit naman nila

"Yun yung sinabi ng daddy ni Val kaya wala na akong magagawa, napag-utusan lang naman ako. Pati pwede ka rin naman daw matulog sa bahay nyo, kapag weekends nga lang." -Neil

"Mas maganda na rin yung pare para naman mas mabantayan mo si Valerie." sabat naman ni Brett

"Pero paano yung bahay namin?Sino magbabantay nun?" tanong ko

"Nasabi ko na rin to kay tito, sabi nya ok lang naman daw kung doon ka muna mag-stay." sagot ni Neil

"N-nakausap mo s-si dad?" nangangatal na tanong ko

"Oo" sagot naman ni Neil

"Sige" pagsang-ayon ko

"Sige, tulungan ka nalang namin sa pag-iimpake mo." -Brett

"Alam na ba to ni Valerie? Baka kasi kung ano pang magawa nun saakin." Ayoko pang mamatay ng maaga, marami pa akong pangarap sa buhay!

"Oo alam na nya to, ganyan rin nga daw yung naging reaksyon nya nung nalaman nya yung tungkol dito eh..." nagpigil naman ng tawa si Brett

"Pwede daw na doon ka muna matulog sainyo for now pero bukas kailangan mo na daw ilipat mga gamit mo dun." -Neil

"Ibig sabihin din ba nyan na bukas na ako magsisimula?" tanong ko

"That's right, bukas na bukas din magsisimula ka na." sagot naman ni Neil

Pagkatapos nun naglibot-libot muna kami sa mall at nung hapon na dumiretso na kami dun sa bahay namin dahil nga tutulungan nila ko mag-impake ng gamit ko dito.

"Teka, bakit yan lang yung inimpake mo?" sabi ni Neil habang nakakunot ang noo nya

"Oo nga! Parang damit at gamit mo lang yan sa school ah." sabat naman ni Brett

"Damit at gamit ko nga lang to sa school." sagot ko

"Eh bakit yan lang?" tanong nanaman ni Brett

"Hindi ko naman kailangan dalhin lahat ng gamit ko dun. Diba nga kayo pa yung nagsabi na dito parin naman ako matutulog kapag weekends tsaka ito ang bahay ko at hindi yung bahay nila Valerie." pagpapaliwanag ko

"Ok sabi mo eh" -Neil

~Valerie~

*Kring* *Kring*

Inaantok pa ko pero parang excited ako. Ewan ko pero ganon yung nararamdaman ko eh.

Bababa na sana ako para kumain ng breakfast pero may nakita akong lalaking kumakain sa dining table

"Good Morning, young lady" napalingon naman saakin yung lalaking kumakain sa dining table

"Anong ginagawa mo dito?!" -ako

Ang aga-aga pero sira na agad ang araw ko   =__=

"Nakalimutan mo na ba na ako ang bago mong bodyguard?" sagot nya na may mapang-asar na tono at may kasama pang pataas-taas ng kilay

Inirapan ko nalang sya at lumabas na ng bahay. Nawalan na talaga ako ng ganang kumain nung nakita ko ang pagmumukha nung lalaking yun.

Maglalakad nalang ako papuntang school kaysa naman makasama ko sa kotse yung autistic na lalaking yun!

"Hoy! Teka lang! San ka pupunta?" tumigil ako sa paglalakad para sagutin sya

"Sa school, bakit? May angal ka?" tinalikuran ko na sya at naglakad palayo

"May kotse naman eh, bakit mo pa pahihirapan ang sarili mo?" sagot naman nya

"Mas mabuti nang mahirapan kaysa naman makasama ang isang autistic na katulad mo." mahina kong sinabi ang mga salitang yan pero sapat na para marinig nya

"Narinig ko yun ah!"

Hindi ko na sya sinagot at nagpatuloy parin ako sa paglalakad papuntang school

"Sige ka may mga asong mababangis dyan na pwede kang lapain!" -siya

"Hindi po ako takot sa aso!" sagot ko

Pinanindigan ko na nga talaga ang paglalakad ko pero baka ma-late pa ko sa school nito kasi malayo-layo din ang bahay namin sa school

"May mga rapist din dyan!" -siya

Medyo kinilabutan ako sa sinabi nya pero hindi parin ako nagpatalo. Matigas ata ulo nito!

"WAAAAAAHHHHH!!!"

Nabigla nalang ako ng may biglang humawak ng kamay ko at ang nagawa ko nalang ay ang sumigaw

"Please nagmamakaawa po ako sainyo! Wag nyo po ako sasaktan! Bata pa po ako! Marami pa po akong pangarap sa buhay!" napapikit nalang ako sa sobrang takot

"Hahahahahahahhahahaha XD" napadilat nalang ako ng mata ng makarinig ako ng tawa galing doon sa taong humawak ng kamay ko

Nagulat ako ng pagkadilat ko nakita ko si Jerico na tumatawa habang nakahawak sa tyan nya. Kulang nalang magpagulong-gulong sya dyan sa kalsada.

"Alam mo hindi ka nakakatuwa"

"Halika na kasi" hinila nya ko papunta doon sa kotse kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sakanya

"Grabe laughtrip ka kanina!!" sabi nya habang natatawa-tawa

"Tumigil ka nga!"

Lagi nalang nang-aasar tong lalaking to. Nakakayamot na!

[][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][][]

Sa susunod nalang yung next chapter

Kailangan ko pang mabasa ang Epilogue ng Reaching you

Kailangan nyong intindihin na reader din si Ms. Author kaya walang aangal!

^____^V                                                    

My Personal Bodyguard || LEAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon