Chapter 16 [Troublemaker]

107 1 0
                                    

~Valerie~

Nakakainis! Argh!

Bakit ba kasi pumayag yung bubwit kong pinsan?!

*FLASHBACK*

"Anong meron?"

"A-ano po... K-kasi..."

Tinaas ko lang yung dalawa kong kilay habang hinihintay yung sagot nila

Nagulat at napalingon naman kami nang biglang bumukas yung pinto

"Uy! Hello my dearest insan!" Sino pa ba? Edi si Neil!

"Sige na. Sumabay na kayo dun sa iba." tsaka nya pinalabas yung natirang maids at butlers

"Teka! Saan pupunta yun? Bakit mo pinabayaan?"

"Hayaan mo na! Sabi ni tito eh!"

Ayan nanaman! Sila na lang lagi nag-uusap! Hindi na nga ako matawagan ng magulang ko eh! TTOTT

"Saan kayo pupunta? Date?" sapakin ko kaya toh?

"DI AH!" sabay pa naming sabi

"Ay sus! Deny pa kayo! Sige lang tuloy nyo lang!" sabay kindat

Loko tong pinsan ko! Bakit pa ko nagkaroon ng pinsan na ganito?

*END OF FLASHBACK*

"Gusto mo?" sabay abot saakin ni Jerico ng ice cream

"Nagawa mo pang kumain ng ice cream sa sitwasyong toh?"

Kukunin nya na sana yung ice cream pero binawi ko naman agad

"Akin na nga!" tsaka ako kumain

Loko din toh eh! Aayain ako sa labas pero wala naman palang masyadong pera! Ayan tuloy! Hanggang ice cream lang kami!

"Sus. Kakainin din pala" bulong pa rinig naman =.="

Hanggang park lang kami kanina kasi wala ako sa mood kaya nakauwi din kami agad

"Marunong ka naman magluto diba?"

"Gutom ka nanaman?!"

"Hindi. Pero paano bukas? Diba kailangan nating kumain?"

"Marunong ako"

Mahilig naman ako magluto eh. Kahit nung nasa Italy kami. Kung wala akong magawa, magluluto nalang ako.

So kapag pinagluto ko sya... parang pinagsisilbihan ko na rin sya ganon?

 "Teka... Diba ikaw dapat nagsisilbi saakin?"

"Huh?"

"Ikaw magluluto bukas."

"Hindi ako marunong!"

"Matuto ka!" tsaka ako tumayo at dumiretso sa way papuntang bahay

_____________________

*BOGSH*

Napabangon agad ako sa higaan ko ng may narinig akong kalabog

Aish! Baka pusa lang =.="

Babalik na nga lang ako sa pagtulog...

Teka... *sniff* *sniff*

Parang amoy sunog?

My Personal Bodyguard || LEAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon