Chapter 17

129 3 2
                                    

~Valerie~

Pagpasok ko sa school lahat sila nakatingin saakin. Yung iba pa nga tinawag pa yung kaibigan nila para lang sabihin na nadito na kami eh.

Anong meron?

Nilagpasan lang namin sila pero mas dumami pa yung mga nagbubulungan.

Hanggang sa classroom puro bulungan

Nung nasa labas pa kami, rinig na rinig ang mga tawanan at kaingayan nila. Pero nung pumasok kami lahat sila natigil sa mga ginagawa nila at napatingin saamin.

Yung iba bumalik sa mga upuan nila at umupo lang doon. Yung iba naman natigil lang sa kinaroroonan nila.

Daig pa ata namin ang teacher?

Wala si Chloe ngayon dahil nag-out of the country sila ng family nila

Eto namang si Brett dakilang emo na ngayon. Ayaw pa kasing aminin na may gusto sya kay bessie. Isang torpe at isang manhid. =___=

"Lutang ka ata?" bulong saakin ni Jerico ng mapansin nyang hindi ako nakikinig sa teacher namin

"Masakit parin ulo ko." sagot ko

"Narinig mo yun? Masakit daw ulo nya." napatingin ako dun sa likod ko ng bumulong sa sa katabi nya

"Eh ano ngayon kung masakit ulo ko?" ^_~

Napayuko lang sya pero nung humarap na ako narinig ko ulit syang bumulong

"Ang sungit. Dala na rin siguro yun nung... alam mo na."

Hindi ko na lang sila pinansin. Sayang oras ka dyan.

*KRING* *KRING*

Lahat na kami nagsilabasan ng classroom pero bago pa man ako makalabas tinawag ako ng teacher namin.

Naka-uupo sya sa may teacher's table at siniguro munang walang tao sa classroom.

"Do you have any problem, Ms. Mendoza?"

"Wala naman po sir."

"Are you sure?"

"Yes, sir."

Pagkatapos nun umalis na ako at nakita ko naman naghihintay si Jerico dun sa may tapat ng classroom.

"Ano sabi sayo?"

"Wala lang. Tinanong lang kung okay lang ako."

Kahit kelan talaga chismoso tong lalaking to. Lahat nalang inaalam.

Nagpaalam lang akong magsi-cr sakanya at sinabi nya ring magsi-cr na lang din sya.

Pagpasok ko sa cr lahat napatingin saakin

Syempre hindi kasama yung mga nasa cubicle

Papasok na sana ako sa isang cubicle pero biglang lumapit saakin yung isang babae na kanina ay nag-aayos sa may salamin at hinarap ako dun sa kasama nya.

"Congratulations"

"Nagcongratulations nga wala namang emosyon." nasabi ko nalang sa sarili ko

Pagkatapos nun binitawan na ako nung babae na nagharap saakin at pumunta na ako sa dapat kong pupuntahang cubicle kanina.

Bakit ba ang weird ng mga tao ngayon?

Nung nakapagbawas na ako at lumabas na ng cubicle nakita kong wala na yung nag-congratulations saakin pati na rin yung humila saakin.

Nagulat ako nung biglang bumukas ang isang cubicle at lumabas dun ang isang babae at nung napaharap sya saakin nakita ko na isa sya sa mga ka-batchmate ko.

My Personal Bodyguard || LEAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon