Chapter 2

4.1K 143 1
                                    

ISLA ORA MAGO

"Ano, hindi n'yo pa ba nahahanap si Alicia? Ang anak niya, nasaan na?" Galit na galit na tanong ni Luisa sa kaniyang mga Nigrum Ariolos. Nagpakawala ng pulang apoy si Luisa gamit ang mga kamay at pinahagingan ang mga alagad.

"Ipagpaumanhin niyo po, Dea Luisa. Hinalughog na namin ang lahat ng lugar na mayroong gumagamit ng mahika subalit bigo kami. Ibang mga Wiccan ang aming natatagpuan." Dea Luisa ang nais niyang itawag sa kaniya bilang pinuno ng buong Isla Ora Mago.

"Kasalanan n'yo ito. Kung hindi siya nakatakas sa inyo labing dalawang taon na ang nakararaan, eh 'di sana nakuha n'yo na siya at ang medalyon! Nahanap n'yo na, nakatakas pa! Mga inutil!" Sabay pahaging ulit ng nagngangalit na apoy.

"Mahal ko, kaunting hinahon. Mahahanap din natin sila," saad ni Deus Janus. Silang dalawa ang nagpakasal at namuno ng mahigit labing limang taon na mula nang mapabagsak ang mga Mago, mabihag ang amang si pinunong Amadeo at mapalayas ang magkakapatid na Mago.

"Hindi na ako makapaghihintay, Janus. Paano kung matupad ang hula ng Orakulo na ang bagong sibol na Mago ang tatalo sa akin? Hindi maaari 'yon! Ahhhh!" Sabay pakawala ng malakas na enerhiya na halos sumira sa mga pader ng bulwagan.

"Ang tagal kong hinintay ang araw na mapasa-akin ang lahat. Pinakisamahan ko sila ng maraming taon para sa pagkakataong ito. Ito ang hiling ng aking ina at ng aking lola. Ito ang ganti ng aming lahi sa pang-aapi ng mga Mago sa aming mga ninuno! Ahhhh!" Pinasabog ni Dea Luisa ang rebulto ni Asarea na nasa kanang bahagi ng bulwagan.

"Huwag kang mag-alala. Naghahanap din si Jeffer kay Alicia. Hindi ko alam kung ano ang nakain ng anak kong iyon at nahumaling ng husto kay Alicia kahit isang beses pa lamang niya ito nakita. Magagamit natin ang paghahanap niya para matunton natin sila. Pasusundan ko siya," saad ni Janus habang hinihimas-himas ang baba at balbas nito. Guwapo ito, oo, pero mukhang hindi gaggawa ng mabuti sa kapwa. Parang kontrabida sa pelikula ang dating.

"Sana nga, Janus, at nang hindi masayang ang mga sakripisyo natin. Alalahanin mong tumiwalag ka rin kay Narreus upang mamuno sa Ora Mago," walang emosyong pahayag ni Luisa.

"Dea Luisa, magandang araw." Bungad ni Osualdo nang biglang sumulpot mula sa hangin, ang high priest ng Isla Ora Mago.

"Ano ang maganda sa araw, Osualdo?" pang-iinis na tanong ni Luisa sa high priest ng kaniyang Ama. Alam niyang tutol ito sa naganap sa tribo ngunit hindi ito gumagawa ng hakbang para suwayin si Luisa kung kaya't hinayaan na lamang niya itong mamalagi sa isla o mabuhay pa. Hangga't may pakinabang ito, mananatili itong buhay.

"Nakatakas ang ilang salamangkerong naninirahan sa kapatagan. May isang maliit na portal sa dulong bahagi ng isla at doon sila dumaan. Walang may alam kung sino ang lumikha ng portal na ito," pahayag ni Osualdo.

"Ano?! Anong kapabayaan na naman ito? Sino ang traydor dito? Ikaw ba Osualdo?" galit na tanong ni Luisa.

"Wala akong alam diyan, Dea Luisa. Kung ako'y may alam, hindi ko na ibabalita pa ito sa inyo. Huwag kayong mag-alala sapagkat nagawan ko na ng paraan ang portal. Ito ay nasarahan na kanina lang. Subalit hindi namin alam kung ilang salamangkero ang nakatakas."

"Hmmm... May isang taksil na nasa aking tabi. Malalaman ko rin kung sino ka. Janus, siguraduhin mong walang ibang makakalabas o makakapasok muli sa isla ng wala nating pahintulot. Mahirap na." Tumalikod si Luisa at dumiretso sa kaniyang silid.

"NAHANAP mo na ba si Ate Alicia?" tanong ni Nitz kay Cory.

"Hindi pa rin, Benita. Hindi siya makita ng aking pendulum at ng ating pinagsamang dugo. Hindi ko magawang gamitin ng todo ang aking kapangyarihan at baka matunton tayo ng mga tauhan ni Luisa." Nag-aalalang sagot ni Cory.

Wiccan: Unleash The Power (Published - MWI)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon