NAGTUNGO sina Fin at Duncan sa Student Council Assembly (SCA) upang makapagfile ng report.
"Pasensya na, Miss Espiritu. Sira ang CCTV camera sa locker room. Hindi napansin ng katiwala na may sira ang camera doon." pahayag ni Dylan, habang nasa SCA sila.
"I'm really sorry for what happened, Miss Espiritu. Two weeks ka pa lang dito pero may nangyari ng ganito. Paiimbestigahan pa rin namin kung sino ang may gawa nito. Hopefully may nakakita sa salarin," sabi ng nagpakilalang Seb de Vera, secretary ng student council, iyong lalaking nakasalamin at sarado ang polo hanggang leeg na tinawag din ni Dylan sa Cafeteria.
"Sige, naiintindihan ko. Sana lang huwag nang maulit ito, at sana hindi tinotolerate ng student council ang bullying. I heard there are some who do bullying to weak students here." pahayag ni Fin na tinatantya ang reaksyon ng dalawang kaharap. She has this feeling na ang grupo ng cheer leaders ang gumawa nito. Wala siyang ebidensya pero malakas ang sinasabi ng instinct niya lalo na at napag-initan na siya nito.
"We never tolerate bullying, Miss Espiritu," naiinis na wika ni Dylan.
"Oh, really? Kaya pala mayro'ng alipin ngayon iyong isang grupo ng cheer leaders. O baka naman takot lang ang student council dahil may "kapit" sila?" Sumenyas pa ng quote and quote si Fin habang sinasabi ang salitang kapit.
"Are you accusing us, Miss Espiritu?" pagbabantang tanong ni Dylan.
"No, I'm asking you."
"ehem... iimbestigahan namin ang bagay na iyan, Miss Espiritu. Salamat at ini-report mo sa amin ito." Singit ni Seb. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan ng dalawang kaharap."Salamat, Mister Secretary. Mauuna na ako." Paalam ni Fin sabay tayo at irap kay Dylan. "Kainis. We never tolerate bullying daw." Sa loob loob na ulit ni Fin.
☆
"ANO ang nangyari, Fin? Bakit galing ka sa SCA? May violation ka ba? May kalokohan kang ginawa? May masakit ba sa'yo?" may pag-aalalang tanong ni Belle.
"Ay, isa-isang tanong lang," Natawa si Fin sa reaksyon ni Belle. Sa saglit nilang pagkakaibigan ay alam niyang conrcern ito at totoo sa kaniya. Swerte niya at ito ang nakatabi niya sa upuan. "Someone pulled a prank on me. They put tons of cockroaches sa locker ko. Iyon ang nangyari. Kaya ako nagpunta sa SCA to file a report. Wala akong kalokohang ginawa at wala namang masakit sa akin. Nandiri lang ng konti. I hate cockroaches," naaaliw na sagot ni Fin sa lahat ng tanong ni Belle.
"C-Cockroaches?" namumutlang tanong ni Belle. "As in kadiring ipis to the highest level? Marami ba? Ew!" OA na reaksyon ni Belle. "Oo, as in maraming-marami. May box pa nga sa locker ko so sa tingin ko ay do'n nilagay ang madaming ipis." Pananakot ni Fin habang minumuwestra ng mga kamay ang laki ng box. "Ganyan kalaki ang box? Ew! Ang dami no'n! Andaming germs no'n! Yuck! Magpalit ka ng ng locker tapos tapon mo na lahat ng gamit mo do'n!" Kinikilabutang tili ni Belle.
"Hahaha! OA? 'Wag namang itapon. Sayang ang mga gamit ko. Idi-disinfect daw ng maintenance ang locker at gamit ko."
"Sino daw ang may gawa? May CCTV doon kaya makikita nila 'yon," curious na tanong ni Belle, napaangat pa ang puwit sa upuan habang nagtatanong.
"Sira ang CCTV." Nanlulumong sagot ni Fin.
"What? Kay malas mo naman. May balat ka ba sa puwit? Na-bully ka na nga, sira pa ang CCTV."
Nagsipasukan na ang iba nilang classmate at kasunod si Miss Tamayo. "Class, I have an announcement to make," panimula ni Miss Tamayo habang sumesenyas na umupo ang mga estudyante. "We are going to have our Yearly Acquaintance Party next week, so prepare your long gowns and tux to look great, okay? Magkakaroon din tayo ng King and Queen of the Night, kaya magpaganda at magpapogi na kayo. Hindi lang titulo ang makukuha n'yo. May cash at lunch treat pa sa Eat-All-You-Can Diner sa bayan para sa buong klase kung saang section galing ang mananalo." Habang tinitingnan isa-isa ang mga estudyante niya.
BINABASA MO ANG
Wiccan: Unleash The Power (Published - MWI)
Fantasy#87 In Fantasy as of September 16, 2017 Ito ang kasaysayan ng isang tribo ng Wiccan sa isang tagong isla sa kanlurang bahagi ng Pilipinas kung saan payapa silang naninirahan. Ang mga Wiccan ay mabubuting salamangkero na tahimik na namumuhay sa isang...