11 - are you okay?

369 10 1
                                    

Sorry po sa hindi pag update.

Inaupdate ko po kasi yung Love at Paris kaya di po ako makaupdate.

Sorry po ulit.

------------------------------------

Jimin~

"Putcha ano nang gagawin ko?" Tanong ko kay Jamin habang naglalaro siya ng mobile legends. "Eh kasalanan ko ba na nagkaroon ka ng lablaip?" Tanong niya. "Jamin, hindi sinasagot ang tanong sa tanong." - "Sorry naman, basta. Wala akong alam dyan."

Hays, no choice, ako nalang sasagot ng tanong ko.

"Jimin! Halika dito!" Pagtawag saakin ni Chanyeol. Ayokong tawagin na hyung, nakakasira ng kagwapuhan ko yun -_-

"Eto na po! Saglit." Sabi ko habang papunta sa isang kwarto, kumbaga, guest room.

Kumatok ako sa pintuan bago pumasok.

"Bakit...hyung?" Tanong ko. Ayaw ko talagang sabihin yung 'hyung' eh. "Samahan mo pala ako mamaya sa mall, may bibilin lang." Sabi niya at umiling ako. "Di pwede eh. Pupunta pa ako sa os--i mean sa bahay ng kaibigan ko. May ipapagawa daw saakin eh." Sabi ko.

Ayaw kong sabihin sakanya na pupunta ako sa ospital, magpapacheck up ako. Ever since na dumating si Chanyeol sa bahay, sumasakit ulo ko kasi, bumibisita din dito si Grumps eh magkaaway sila. Oh, dagdag sakit sa ulo rin yun.

"Samahan kita! Sino ba yung kaibigan mo na yun?" - "A-ahmm...di na hyung! Okay na ako. Kaya ko naman magisa. Magpasama ka nalang kay Jamin, matutuwa pa yun." Medyo nagdadalawang isip pa siya pero umoo nalang siya.

Pero ang hirap ng sitwasyon ko ngayon. Di ko akalain na ganito pala mangyayari saakin.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa kotse ko. Sayang nga eh, di siya sports car T_T

Anyways, nag drive na ako papunta ng ospital. Kaibigan ni papa yung may-ari at yung doktor ko.

"Si Mr. Wang po, andyan po ba siya?" Tanong ko sa isang nurse. "Ay. Kayo po pala Mr. Park. Opo, andyan po siya. Puntahan niyo nalang po." The nurse said. Tumango nalang ako at naglakad papunta sa clinic niya nang may mabungo ako.

"Pare, tingnan mo naman yun-- Jin hyung?!

"Ah ikaw pala Chim. Sorry ah, di kita nakita eh. Ano pala ginagawa mo dito?"

"Yan rin tanong ko eh. Anong ginagawa mo dito at may dala kang x-ray sonething?"

Tinitigan niya lang ako tapos nag salita siya. "Na injured kasi kapitbahay ko. Habang naglalaro ng volleyball eh natamaan yung binti niya ng bakal. Ewan ko kung saan nanggaling basta yun yung nangyari." Paliwanag niya.

"Ahh okay. Akala ko buntis ka..." Sabi ko kaya nakatanggap ako ng palo sa braso. "Ikaw pandak ka! Wala na ngang jams, ganyan pa yung ugali." Sabi saakin ni Jin hyung.

"So ano ngang ginagawa mo dito?" Tanong niya ulit saakin. "Sumakit kasi ulo. Kaya magpapacheck up ako." - "Medyo malala ah. Are you okay ba talaga? May nanakit ba sayo? Gutom ka--" - "Hyung. Thanks for your concern pero di ako gutom kaya pupunta na ako sa doktor ko." Sabi ko kay Jin hyung. After nun at dumiretso na ako sa doktor ko.

Kumatok ako sa pintuan ng clinic. "Pasok!" Sabi ni Mr. Wang kaya pumasok ako. "Ah ikaw pala. Long time no see." Sabi ni Mr. Wang. "Me too, long time no see rin Mr. Wang." Sabi ko.

"Wag na Mr. Wang. Jackson nalang."

"Pero bakit?"

"Aba tong pandak na to. Hindi ako si papa! Ako lang pumalit kay papa kaya wag mo ako ma mr mr!" Sabi saakin ni Jackson hyung.

Pagktapos ng konting usapan ay sinabi ko na sakit ko.

"Ah, so bali headache lang ganon?" Sabi niya. "Parang ganon, pagnagiisip ako sumasakit kaagad ulo ko, tsaka kung minsan, nagbublur yung mata ko." Sabi ko. "Nako Jimin, naiistress ka na ah. Wag ka masyadong maistress." Payo saakin ni Jackson hyung, doktor ba talaga to? Di ako naniniwala na doktor to eh.

"Ahh sige hyung. Thank you. Uuwi na ako at magpapahinga na ako." Sabi ko saka umalis na ng clinic at ospital.

Sasakay na sana ako sa driver's seat ng may pumasok na dun.

"Grumps?"

Nagulat ako dahil siya nga. Sinenyasan niya ako na umupo na daw ako sa passenger's seat kaya ginawa ko naman yun.

"Grumps...paano mo nalaman na nasa ospital ako? Tanong ko. "Tinext ako ni Jin hyung kaya pumunta ako dito. Nag commute nalang ako dahil alam kong dala mo tong kotse na to. And, ako na magdadrive sayo pauwi." Sagot niya at nag start na magdrive.

Pinikit ko naman yung mga mata ko para makapag pahinga ako.

"Are you okay?"

Yan ang narinig ko mula kay Grumps. Tumango nalang ako dahil wala akong ganang magsalita. "I don't think so. Di ka nga makapagsalita eh." After nun ay nakatulog na ako.


~after 30 minutes, pardon? HAHAHAHA~


"Jiminie, wake up. Andito na tayo." Grumps said. Di ako sumagot dahil sakit na ng ulo ko plus tamad gumalaw. "Bubuhatin na nga lang kita." He said. Akala ko di niya talaga ako bubuhatin pero binuhat niya ako.

Shit paano na to?! Paano pag nagkita sila ni Chanyeol? Sasakit ng sobra yung ulo ko.

Di ko namalayan at nakapasok na si Grumps sa bahay. "Anong nangyari kay Jimin? May ginawa ka ba sakanya ha Min Yoongi?!" Tanong ni Chanyeol. Ayan nanaman tayo...

"Mamaya ko na ieexplain, buksan mo muna yung pintuan." Sabi ni Grumps. Binuksan naman ni Chanyeol yung pinto, narinig ko naman yung pagbukas kaya alam ko na binuksan niya yun.

Dahan dahan akong nilapag ni Grumps sa higaan ko at hinalikan ako sa pisngi. Pagkatapos nun ay umalis na silang dalawa sa kwarto ko.

Minulat ko naman yung mga mata ko.

"Paano na talaga to?" Tanong ko sa sarili ko.






---------------------------------------

Sorry po kung sobrang iksi!

Yoonmin is real « myg.pjm »Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon