12 - jealous again

401 11 3
                                    

Wazzap?!


-------------------------------------

Jimin~



"Kuya, ako nalang gagawa neto, magpahinga ka na." Sabi ni Jamin habang pinipilit ko na ako nalang gumawa ng sandwich. "Hindi na, okay lang ako." Sabi ko naman sakanya. Hindi na siya nagsalita pero, binuhat niya ako papunta sa kama. Mas lalong sumakit yung ulo ko.

"Dito ka lang kuya, masakit pa ulo mo eh. Magpagaling ka na lang okay?" Sabi niya pagkatapos niyang ibaba ako sa kama ko. At dahil nga sa sakit ng ulo ko, di na ako sumagot at sinunod na lang ang sinabi niya. "Don't worry, bibigyan kita ng sandwich." Sabi niya ulit saka lumabas ng kwarto ko.

Ngayon, iniisip ko naman kung anong mangyayari saakin kung palagi na lang masakit yung ulo ko.

Hindi kaya hindi lang sakit ng ulo to? Baka may sakit na talaga ako, yung malalang sakit?

Umupo naman ako. "Nasaan na pala yung binigay saakin ni eomma na kwintas? Saan ko pala nalagay yun?" Sabi ko. Biglang pumasok si Jamin sa kwarto ko. "Oh hyung. Okay na ba yung ulo mo, di na ba sumasakit? Tanong niya saakin.

"Nasaan na pala yung ibinigay saakin ni eomma na kwintas?" Tanong ko naman sakanya. "Di sinasagot ang tanong ng tanong okay. Tsaka, okay na ako." Sabi ko. "Yun naman pala eh, eto na sandwich mo and, di ko alam kung saan nakalagay. Ikaw naglagay nun tapos hahanapin mo saakin." Sabi naman niya.

Teka, bakit siya naka pangalis? Saan siya pupunta? "Jamin ah, saan ka pupunta?" - "Ah, hyung. Kailangan ko nang bumalik kela tito sa LA. Kailangan ako ni tito dun eh, kailangan nila ng magandang representative ng Korea no!" Sabi naman niya. "Syempre, kung maganda ka, gwapo naman ako. Sabi ko naman with matching pogi sign.

Totoo naman diba? Gwapo ako?

Ang kumontra panget!

"Cute ka lang, di pogi." Aba, kumontra si Yoda. "Oh edi panget ka." Sabi ko saka tumayo para kumuha ng sandwich. Etong Yoda na to, kelan ba to uuwi? Ginawa na bang club yung bahay niya? "Kelan ka ba babalik sa pamamahay mo? Dito ka na ba titira?" Tanong ko naman kay Yoda.

Umiling naman siya, ano naman yung ibig sabihin nun? Yes? No?

"Actually, babalik ako ngayon pero, gusto ko naman na makasama ka or makipag hangout kasama mo. Na miss rin kaya kita." Sabi ni Yoda saakin. Na miss? Ako? Weh? "Saan ba tayo pupunta?" Another tanong ko sakanya. "Umm...kuya, aalis na ako ah. Mga 30 minutes nalang aalis na yung eroplano." Nakalinutan ko pala, andito si Jamin.

Aalis na siya. Aww. Wala na akong kasama. Ay, yung malanding pusa ko pala andito. Hehe.

"Hatid na kita Jamin." Sabi ko. "Wag na kuya, samahan mo na lang si Chanyeol oppa, matutuwa pa ako. Bye na!" Sabi ni Jamin at umalis na nga.

Hays, wala na yung kambal ko.

#sadlife
#walanasikambal
#lonely

Yan yung pinost ko sa twitter. "So sasama ka ba?" Sasama ba ako? Depende kung saan. "Depende kung saan, kung maganda ba or nah." Sabi ko. "Sa Namsan tayo pupunta, alam ko na--." Marinig ko lang yung 'Namsan' umoo na ako. Nagulat naman siya pero nakarecover naman. Di na ako nagpalit ng damit nasi naka pang alis naman yung suot ko. Kahit sa bahay lang ako.

"Leggo! Leggo!" Excited kong sabi kay Yoda. Maganda kaya sa Namsan. Tsaka, maliban sa Namsan, gusto ko rin pumuntang Canada. Andun kasi tita ko pero, di ako pinayagan na pumunta dun, bakit kaya.

*beep*

Nagnotif yung phone ko. Tiningan ko naman kung anong meron. "Text lang pala." Sabi ko. Nasa loob na pala kami ng kotse ko, di ko lang man namalayan.

Yoonmin is real « myg.pjm »Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon