14 - Last

332 9 0
                                    

Jimin~





"Ano? So anong gagawin ko dito sa LA?" Sabi nila mama at papa aalagaan ko daw yung pinaka bunso kong kapatid tapos hindi pala yun ang gagawin ko. "Sorry anak pero pwede ba, ikaw na muna bahala sa opisina? Di ako sure kung kailan matatapos pero gagawin namin ng papa mo lahat para bilisan at makauwi ka sa Korea." Paliwanag saakin ni mama. Ano bang gagawin ko sa opisina?

"Anong...gagawin ko sa opisina?" - "Well...kung ano ang mga ginagawa ng papa mo sa opisina, yun din ang gagawin mo."

Parang CEO na ako nun, ng pansamantala. Sana nga hindi mag tagal. Para makauwi na ako, para makita ko na yung mga kaibigan ko, at para makasama ko siya.

Si Grumps.

"Ma...kung yun ang gagawin ko...papayag ako." Sabi ko kay mama. Wala si papa dahil nauna na siya sa Japan. "Talaga anak? Gagawin mo yun?" At dahil mabuti akong anak, gagawin ko kung ano ang gusto ni mama. "Opo ma. Pero paano kung meron akong hindi maintindihan na gagawin. Sino tutulong saakin?" Yan naman ang tanong ko kay mama.

"Don't worry anak. Mga madadali lang naman ang ipapagawa sayo tsaka, may secretary ka naman. Maganda, mabait rin tsaka, baka type mo."

"Ma ayoko ng babae."

Seryoso ayoko ng babae.

"Kung ganon, may lalake rin syempre. Kilala mo ba si Kim Namjoon?"

Shems, si badjao?

"Opo ma. Kaklase at kaibigan ko po." Buti naman si badjao ang secretary ko. Pero di niya saakin sinabi na may koneksyon pala yung pamilya niya saamin. "Good! Then okay na ang lahat! Pahinga ka na. Magiistart na ang trabaho mo bukas." Bukas...bukas na magiistart ang trabaho ko.

Pagkatapos ng usapan namin ni mama ay dumiresto na ako sa kwarto ko. Maganda rin naman yung kwarto ko. Madaming manga at action figure. You guys can judge me.

"Tawagin ko muna kaya si Namjoon hyung. Or si Grumps?"

"Si Namjoon hyung muna?"

"Hindi. Si Grumps muna."

Nalilito ako kung sino muna yung tatawagin ko. Pero siguro si Namjoon hyung muna dahil bukas na yung trabaho ko.

Calling Namjoon hyung...





[Hello? Jimin?]

"Hyung. Bakit hindi mo saakin sinabi na pupunta ka sa LA at magiging secretary pa kita."

[Well hindi naman ako kilala ng mama mo eh. Hindi niya rin naman alam na kaibigan kita pero i'm happy to help you.]

"Buti naman ikaw yung secretary ko. Kung iba...naku!"

[Bakit? Nagaalala ka ba na babae yung secretary mo?]

"Oo hyung. Kung ikaw kaya maging CEO tapos babae yung secretary mo habang may relasyon kayo ni Jin hyung. Oh, anong gagawin mo?"

[Syempre iibahin ko yung secretary. Kung maari lalake or ikaw. Pero kung bawal, edi iiwas nalang ako. Kung trabaho trabaho. Walang landian.]

"Anyways hyung, nasa LA ka na ba? Kung nasa LA ka na, punta ka na dito, sa mansion ni mama at papa."

[Nasa harapan na ako ng pintuan mo.]

Nung sinabi na ni Namjoon hyung na nasa harapan siya ng pintuan ko ay ibinaba niya na ang tawag. Putcha.

May kumatok sa pinto kaya siguro si Namjoon hyung na yun kaya dali-dali kong binuksan ang pinto at, si Namjoon hyung nga.

"Grabe ka hyung hindi mo saakin sinabi na andito ka na kaagad. Sumunod ka ba sa flight ko?"

"Yeah. Mga one hour ang pagitan natin. Nauna ka lang."

Sabi ni Namjoon hyung tsaka pumasok sa kwarto ko. "Saan ka matutulog?" - "May guest room naman kayo kaya dun ako. Sabi ni mom na dito ako magiistay para matulungan kita. Alam mo na."

Medyo nakoconfuse na ako dahil wala naman talaga akong alam sa pinaggagawa ni papa sa opisina. "Naging CEO ka na ba hyung? Mukhang expert ka eh." Tsaka isa pa, may company naman yung pamilya niya. "Yeah. Katulad rin ng sayo. Naging CEO ako pansamantala." Sabi ni Namjoon hyung saka umupo sa kama para ituloy yung story. "Siguro mga...18 ako nun. Nung mga time na yun, dun ko nakita yung first love ko. Si Jin." Napangiti naman si Namjoon hyung, aba, kung andito lang si Jin hyung baka kinikikig na yun sobra. "Naging secretary mo na ba si Jin hyung?"

"Oo, matalino rin naman siya, mabait, tsaka may respeto rin ako sakanya."

"Walang may nagtanong."

"Putcha ka pandak."

Natawa nalang ako. Kinukwento parin ni Namjoon hyung kung paano naging sila, maganda rin naman love story nila eh. Dapat gawan ng drama yung love story nila. "Gawa nalang kayo ng drama or movie. Tapos yung title "Gender doesn't matter" or "This is real love" or--." - "Tama na nga Jimin! Matulog ka na. Baka maaga pa tayo bukas eh. Kung anong pinagiisip mo. Goodnight na." Sabi ni Namjoon hyung. Halatang medyo kinikilig rin kasi support ko talaga love story nila. Pero kung may gagawin silang role sa isang k drama, siguro yung love story nila Grim Reaper at Sunny yung gagawin nila.

Anyways, magpapahinga na nga ako.

"Tawagin ko muna kaya si Grumps?"

Hindi na ako nagdalawang isip at tinawag ko kaagad si Grumps a.k.a Gluta.

Calling Grumps...



[Jiminie?]

Sa simpleng sabi niya lang ng 'Jiminie' kinikilig na ako.

"Grabe marinig ko lang boses mo kinikilig na ako."

[Ganun ba? Pakiligin pa ba kita?]

"Sige~ kung kaya mo~."

[Aba syempre kaya ko!]

Kahit hindi niya na ako pakiligin, okay na ako, marinig ko lang boses niya.

[Saranghaeyo!]

Dahil dun, namula ng sobra yung mukha ko. Parang kamatis, oh kaya parang ginawa kong pulbos yung paprika kahit masakit sa mukha.

"Grabe hyung. Talagang pinakilig mo ako."

[Sabi ko sayo eh. Kaya kitang pakiligin, at namumula na nga yung pisngi mo.]

"H-hindi ah! Paano mo naman malalaman eh nasa LA ako at hindi naman tayo naka video call"

[Don't lie Jimin. Alam kong tuwing kinikilig ka ay namumula rin mukha mo.]

Shit. Alam niya talaga.

"Oo sige na, namumula mukha ko, happy na?"

[Sa tingin mo ba magagalit ako? Tsaka, gabi na dapat dyan ah. Matulog ka na Jimin. Magaalaga ka pa ng bata.]

Sabihin ko na ba kay Grumps yung totoo?

"Umm...Grumps...hindi naman talaga yun yung gagawin ko."

[Kung hindi yun edi ano?]

"Ako muna yung magiging CEO ng kompanya ni papa pansamantala.]

[Ahh. Ganun ba...]

"G-galit ka ba?"

[Bakit ako magagalit? Pero kelan ka uuwi? Namimiss na kita]

"Hindi pa ako sure. Pero sabi ni mama, gagawa daw sila ni papa ng paraan para makauwi ako kaagad dyan. Hintay lang ng konti."

[Of course i'll wait for you. I love you.]

"I love you too. Bye~."

Saka ko ininaba yung tawag. Humiga ako kaagad sa kama ko at magpapahinga na.

Hindi ko alam na yun ang huli naming tawag...



-------------------------------------

Hindi ako makapag ud last week kasi sobrang busy. Putcha.

Yoonmin is real « myg.pjm »Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon