Who/When/Where/What Structure

1K 10 2
                                    


Ito yung structure na gawa gawa ko lang sa aklat ko lang niyo ito mababasa dahil dito ang pinakamadaling iexplain ang mahirap na structure na ito. Haha!

Intindihin niyo nalang ang explanation ko dahil mahirap ang iexplain to haha! Hindi pamandin ako magaling sa pag eexplain.

Who, when, where, what.

So ang masasabi ko lang kung magsasabi ko ng isang pangungusap dapat ang pagkakasunod sunod ng mga Japanese words mo ay nakabase sa sunod sunod na tanong na Sino, Kailan, Saan, ano. Halimbawa uunahin mo dapat yung "Watashi wa " sa sentence kasi siya yung sumasagot sa tanong na Sino/Who. Tapos ang isusunod mong word dapat ay sumasagot sa tanong na kailan halimbawa "Ashita" means tomorrow. Next yung sasagot sa tanong na Saan/Where so kailangan ang sasabihin mo dito ay place halimabawa "Nihon" means Japan. Ang huli "Anong gagawin mo?" sumasagot sa tanong na what? Anong meron sa "Ako bukas japan"? Ang maaaring sagot lamant dito ay Verb. Like "Ikimasu"means pupunta.

So eto na siya,

Watashi wa ashita nihon ni ikimasu.
Pupunta ako sa Japan bukas.
Watashi wa: Ako'y (Answers the question WHO)
Ashita: Tomorrow (Answers the question WHEN)
Nihon: Japan (Answers the question WHERE)
ni: sa
Ikimasu: pupunta (Answers the question WHAT)

lagi niyo nalang tandaan ang sunod sunod na
SINO KAILAN SAAN ANO or SIKASAA
In that way matututo na kayong gumawa ng medyo mahahabang sentence like this.

Another example para sa inyo:

Kare wa Shigatsu ni Itaria ni ikimasu.
He's going to Italy on April.
Kare wa: He's (answers the question WHO)
shigatsu: April (Answers the question WHEN)
Ni:to
Itari: Italy (Answers the question WHERE)
ni: on
Ikimasu: going (answers the question WHAT)

Madali lang siya basta tandaan niyo lang yung pagkakasunod sunod at ieexplain ko naman yung mga particles and conjugations later para tama yung mga gagamitin niyong words/particles.

Kaya niyo yan! Strong Power! Haha! Nakuha ko lang kay Taehyung yan kaya wag niyong ijudge haha!

And again para sa vocabulary, hindi ako madamot I can update anytime ng tungkol sa vocabulary. Hindi po ako madamot ishine share ko nga sa milyong milyong fans yung asawa ko eh (haha!) basta maghintay lang po tayo sa padating na vocabulary tatadtarin ko kayo ng mga words and expressions.

Ah ayun pa pala yung mga expressions, may mga expressions po kasi sa Japanese na hindi na ginagamitan ng pronouns or anything, yun po yung mga kailangan niyong imemorize kasi hindi po yun naco construct.

Iuupdate ko siya unang una para yun agad yung matandaan niyo kung nanunuod kayo ng anime, Jdrama or maka jpop kayo maaaring pamilyar na kayo sa ibang expressions.

Yun lang Sayonara-

Let's Learn JapaneseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon