23: Xander

2.6K 66 15
                                    


Naluluhang tinitigan ko ang lapida ni Xander. My baby.

Kung sana ay naging matatag ako.

Kung sana hindi ako nagpadaig sa takot.

Sa mga mangyayari. Sa mga sasabihin ng tao. Sana ay kasama ka pa namin baby. Ng kakambal mong si Xandre. Ni mommy. I'm sorry anak naging mahina ako. I'm sorry.

I felt Xandre's little arms snake on my legs to give it a hug. Tiningnan ko siya. Hindi ko masyadong kita ang mukha niya at kung ano ang kanyang ekspresyon. But I could feel his sadness. Patunay ang nanginginig niyang kamay.

I wiped my tears at pinalibot ko ang kamay sa gilid ng leeg niya para mayakap siya ng kahit kaunti. Umangat ang kanyang tingin so I smiled at him.

"You miss your brother?" I asked him.

Sinubsob niya ang mukha sa gilid ng binti ko. He nodded his head. Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan niya kahit wala siyang sinasabi.

Tumingala ako sa langit at inimagine ang isang batang kamukha ni Xandre na ngumingiti dito sa amin. "I'm sorry baby." I whispered in the air.

"Mommy, how did he die?"

Tiningnan ko si Xandre na natingala sa akin. I smiled at him at lumuhod para mapantayan ang mukha niya. I cupped his face and wiped his tears away. "When you grow up baby. Mommy will tell you everything. For now it's a secret muna, okay?" Nakangiti kong ani.

He nodded his head and gave a smile too. I took his hands with me and stood up.

"Say ba-bye muna for now to your brother."

Inalis niya ang tingin sa akin at tinitigan ang lapida ng kapatid. He sigh.

"Alekthander Kuya, I hope you're okay wherever you are right now. We both mith you ni Mommy. We'll go home na po, but we promith po to come here every now and then. Di ba po mommy?" Tiningala niya ako mula sa pagtingin niya sa lapida. Malapad akong ngumiti sa kanya at tumango.

Binalik niya ang tingin sa lapida at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Thee? Tho don't be thad na po kathi babalik po kami. We'll give you good newth everytime. We'll thee you again Kuya." Aniya.

"Tapoth na po mmy. Let'th go home?"
Tumango ako and glance at his tombstones and bid a farewell to my son.

"Kayo po. Won't you they (say) goodbye po?"

I ruffled his hair and gently locked his neck in my arm and hand. "Already did baby. Let's go."

Natatawang pilit niyang inaabot nag bewang ko.

-------------------------

2 weeks had passed since Xandre knew he had a brother. I'm thankful kasi despite it's his first time to know about his brother ay hindi ito masyadong nagtatanong tungkol kay Xander. I don't know if he's not just interested or ayaw niya lang akong pilitin. The first one ay mas makwatwiran kasi he's barely 3 years old. He won't understand such problem and since he is still a child of course they would normally pry and ask questions because they are a curious little thing. But Xandre? I think he understands the situation. He also kept on talking about his brother. Ipapakita niya raw ang star na binigay ng tutor niya. I would just smile at him and say, "Yes, you should."

Nakasanayan na din namin na every Sunday ay pumunta dun.

Inangat ko ang tingin mula sa monitor ng marinig ko ang marahan na pagkatok sa table ko. I saw Winsey, my officemate at dito din sa floor ko. She smiled at me. Parang nanunukso na ewan kaya napataas ang kilay ko. Inangat niya ang kamay at dun ko nakita ang isang bouquet ng white, green and blue roses. I looked at it in awe. Ang ganda ng pagkakarrange at mga favorite kong color ng roses ang andun.

"Pinapabigay sayo. Ikaw ah. Lumalablayp ka na din." Aniya at nanunuksong pang tinaas taas ang kilay.

Humagikgik ako at kinuha ang flowers. "Talagang akin to ah?" Naninigurado kong ani.

"Syempre naman. Kapag akin yan ay pinarada ko na yan at pinapainggit ang mga bitter sa mga gilid gilid."

Tumawa ako at tinitigan ang flowers. Hinanap ko ang card at kinuha. Dumukwang si Wins at pilit na tinitingnan ang card pero iniwas ko lang ito sa kanya. Nakangusong inayos niya ang tindig. Tumawa na lang ako at binasa ang nakasulat.

Hey cupcake,
        I just got home and I wish to take you for lunch later. I promise it won't be bad like last time. And I'm sorry about what happened in the car. I should have kept my distance. That's why I won't take no for an answer. Treat this as a sorry date.

     Yours Truly,
                Icing and toppings. R.V.M

PS
Heard this song about cupcake and icing in a taxi. And thought of your cute little smile. I miss you.

2nd PS
Gonna fetch you at 12. Lunch break nyo. I'll wait for you outside the building.

Nangingiting umiling ako at binaba ang card. Agad itong kinuha ni Winsey at binasa.

Akala ko ay nagalit siya dahil sa inakto ko nung oras na yun. I shrugged. Siguro kunin ko na rin ang chance na to para makapagsorry din. Hindi tama ang bigla kong pagiwas sa kanya at pagalis sa kotse niya.

Nakuha ang atensyon ko ng impit na tumili ang babaeng officemate. Hawak hawak niya ang card mula sa bouquet.

"OMG sis. Alam kong gwapo ang nagbigay sayo nito." Kinikilig niyang sabi.

"At paano mo naman nalaman?"

"Bes!" Inangat niya ang card at dinikit sa ilong saka sininghot. "Shet ang bango din niya. Alam ko."

Natatawang sumandig ako sa swivel chair. "Tigilan mo nga yan. You look crazy. And paano mo nasabi na gwapo at mabango siya? Ikaw talaga Winsey. Nakuuh." Naiiling kong sabi at binalik ang tingin sa monitor para balikan ang trabaho.

"Sis Besty Poo. Look at the handwriting oh. Tangina! Ang gwapo ng sulat kamay. At dumikit pa ang bango niya sa card. I'm pretty sure na maaalindog to. Sure na sure ako." She said as she nods her head.

Umiling na lang ako ng nakangiti. Well he is handsome. And yep he smells good too. "Sabi ko na eh. Sa ngiti mong yan ay tumataginting na oo ang sagot mo."

Hindi ko na lang siya pinansin at tinuloy ang trabaho ko. "Si Besty Poo talaga oh. Ang snab. Pa feeling famous. Porket may lablayp na siya."

I laugh. Kahit kailan talaga tong si Winsey ay parang bata. Pasalamat siya at bagay sa kanya. "Wala akong lablayp nu. Ano ka ba!"

"Eh sino tong si Icing mo?" Nakataas kilay na tanong niya.

I was about to answer pero bumukas ang office ni Sir Andrew kaya formal na tumuloy si Winsey sa cubicle niya at nagsimula ulit magtrabaho na parang hindi siya nakipagtsismisan sa akin. Kulang na lang mapaawang ang bibig ko. Talk about change of attitude. Ang bilis niyang magswitch. Haha.

Nagtama ang tingin niya kaya kumindat siya sa akin. Natatawang binalik ko ang atensyon sa monitor.

When Sir Andrew arrived in my table ay tumayo ako to greet him at mabilis sumabay sa paglalakad niya. "May meeting po kayo mayang 2 pm Sir with Mr. Zandrich. They also called to say the contract has been changed according to your terms and conditions."

Tumango lang siya at tumungo sa elevator. "No need to follow me for today. You're free for the next two hours."

I stopped on my track at naguguluhang sinundan ko ng tingin ang likod niya at umusal ng mahinang, "Yes po Sir."

Obsession 1: Desperate MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon