10: Missus

5.9K 164 23
                                    

Nginitian ko ang lalaking nasa harapan na di kalayuan sa akin.

Ano nga bang pangalan nito?

Papalit palit ang tingin niya sa akin at sa table. Medyo may pagtataka sa kanyang tingin. Pero siguro ng may narealize ito ay bigla na lang nawala ang anumang emosyon nasa mukha niya.

His eyes were now cold. Tinigilan na niya rin niya ang paglipat ng tingin sa akin at sa table.

I smiled when his eyes met mine. Pero naalis din yun ng walang naging pagbabago sa kanyang tingin. At hindi ko alam kung bakit.

Mabuti naman ang paghihiwalay namin nung isang araw ah?

Inalis niya rin ang kanyang tingin sa akin at tinuloy na ang naudlot na lakad.

I bowed my head ng makita ang mga board of directors sa kanyang likuran. Naipakita kasi sa akin ni Miss Madelyn ang mga pictures ng mga taong dapat kailangan bigyan ng importansya sa kumpanya. May mga bata pa pero halos lahat ay mga matatanda na rin. Siguro mga nasa labin dalawa ang sumasabay sa kanya sa paglalakad.

Bahagya akong nakaramdam ng panghihinayang ng dumaan lang ito sa akin. Wala man lang hi or hello.

Nag-angat na ako ng ulo ng makitang wala na ang mga ito sa paligid.

"Tsk! As if I care." I rolled my eyes at umupo na.

Ewan ko ba kung bakit ako biglang nainis.

So what ngayon kung malamig ang tingin na ibinigay niya sa akin?

Binuksan ko ang computer at ang iPad. Kukunin ko kasi ang schedule ni Sir Andrew for the whole week.


"Coffee." Binaba na ni Sir ang intercom pagkatapos niyang sabihin yun.

Yun lang sasabihin niya? Nageffort pa akong sagutin yun? Para sa isang word? Tsk!

Dumiretso na lang ako sa coffee room. Sosyal diba? Pati coffee may room na?

One sugar, two teaspoon of cream, and one teaspoon of coffee.

Naaalala kong gusto daw ni Sir Andrew. Choosy.

Minsan pilya ako at gustong gusto kong malaman kung alam ng tao ang naiba sa kanyang nakasanayan. Kaya ginawa kong two sugars and two and a half teaspoon of cream nga. Pag malaman niya ang kaibahan hindi ko na uulitin

Hawak ko ang cup habang papunta na sa office niya. Tumingin sa akin ang mga officemate ko ng papasok na ako sa office ni Sir. Nginitian ko ang mga ito. Yung iba ngumiti naman at ang iba ay umiwas lang.

Ipinagkibit balikat ko na lang yun.

I knocked three times before turning the knob.

"Sir your coffee po." Sinilip ko lang ang ulo ko sa nakaawang na pintuan.

Nakita ko si Sir na busy sa Laptop niya. Hindi niya ata narinig yun kaya pumasok na ako. Lumapit ako sa kanyang table habang nakatingin sa kape at nilapag yun malapit sa kanya.

Tatalikod na sana ako para di na siya maistorbo pero napatigil din agad.

"Why won't you look at me?" May inis na nakalakip sa kanyang boses.

Diniretso ko ang tindig ko ng hindi pa rin tumitingin sa kanya.

"Wala naman po Sir." I looked everywhere but him.

Obsession 1: Desperate MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon