06. Married

18.1K 342 34
                                    

I woke up the next day at exactly 8 o'clock. Nagpapasalamat ako ng lubos dahil hindi na ako nanaginip muli tungkol sa nakaraan kaya masaya ang gising ko.

I took a bath for about 45 minutes. And 10 minutes finding what to wear. Nakasimpleng pambahay lang naman ako. Though I really have plans for today.

At pagkatapos ay pumunta muna ako sa kwarto ni Xandre. Nakita ko itong mahimbing pang natutulog kaya napangiti na lang ako. He's so cute. Umupo ako sa gilid ng kanyang kama at hinimas ang ulo nito bago hinalikan siya sa noo.

"Uuuhhhm." Bahagya itong dumilat pero hindi naman gumising. Inilagay niya lang ang dalawang braso niya sa leeg ko. Ibig sabihin gusto nitong magpakarga habang medyo tulog pa.

I chuckled. Wala na rin akong nagawa ng maramdaman kong ayaw ako nitong bitawan. Dumiretso na kami sa baba habang karga ko siya at nakahilig ito sa balikat ko.

I don't know but this position feels so comfortable. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya at hinalik halikan ang leeg nito. Ngumingiti lang ito at umiiwas. Ang lambot talaga ng anak ko.

Pagkarating sa baba ay nakita ko si Lola na nakapaghanda na ng almusal. Pumunta ako sa kanyang likuran at hinalikan siya sa kanyang pisngi. Bahagya naman itong nagulat pero ngumiti din pagkatapos.

"Morning La."

"Goodmorning din Hija." Nginitian ko siya. Nakita kong napatingin ito kay Xandre kaya napangiti lang din siya

"Ano pong makain La?"

"Umupo ka na riyan at ihahain ko na ito."

"Opo."

Nang makaupo na kami ay mabilisan niya na rin itong inihanda.

"La si Mama po?" Tanong ko ng makita wala si Mama sa paligid.

"Naku nagtaka ka pang bata ka. Hindi ka pa nasanay sa nanay mong yun. Andun nanaman sa Flower shop niya."

Napasimangot ako sa sagot niya.

"Hindi manlang niya hinintay na makasabay kami sa almusal." Malungkot na tugon ko.

"Pabayaan mo na Hija. Sa susunod na araw naman ay makakauwi na dito si Marco."

"Uuwi na po si Tito Marco?" Mas lalo tuloy akong napasimangot. Narealize ko lang kasi na sa sinabi ni Lola ay parang mag iistay lang dito si Mama pag andito si Tito. Ang unfair talaga ni Mama.

"Oo. At alam kong madami nanamang regalo yang si Xandre." Nakangiting pahayag ni Lola.

Sa tuwing uuwi kasi si Tito Marco na tatay ni Marcus at mapapangasawa ni Mama ay laging may dalang regalo kay Xandre. Paborito niya si Xandre na minsan ay kinaiinggitan ni Marcus. Haha. Kasalukuyan siya ngayong nasa California. At yun nga sa susunod na araw ay uuwi na ito. Sa susunod pang 4 na buwan ang kasal nila ni Mama. At kung bakit ganun katagal pa? Tanungin niyo si Marcus.

Nakita kong napatingin ng nagtataka si Lola ng makitang nakasimangot ako habang pinagpatuloy ang paglalagay ng mga plato. Hindi ko rin naman ito matutulungan dahil nakahawak sa akin si Xandre. Medyo mabigat na kasi ito.

"Hindi ka ba masaya na uuwi na dito si Marco?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.

Mabilis akong napailing. "Hindi naman po ganun. Medyo naiinggit lang po ako kay Tito Marco. Pano ba naman po kasi madalas ng hindi nakakasabay si Mama pero pag andito si Tito lagi siyang nakakasabay." Medyo malungkot at nagtatampong pahayag ko.

"Pabayaan mo na ang Mama mo. Alam mo naman mahilig talaga yun sa bulaklak. Simula bata ganun na talaga ang kinahihiligan nun." Pagpapaintindi nito.

Obsession 1: Desperate MoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon