"Sino ka?" tila walang emosyon na sabi ng babae.
"Ako si Light, magkaklase tayo. Naalala mo?" medyo kinakabahan kong sabi.
Tumango ito sabay sabi...
"Bakit ka nandito?"
"Hindi naman siguro to off-limits tama ba?" tanong ko sa kanya.
Medyo nabawasan ang kaba ko dahil sa paraan ng pagsasalita niya.
"Hindi naman. Hindi lang ako sanay na may pumupunta dito. Umupo ka. Gusto mo ng maiinom?" malumanay nitong sabi.
"Kung ayos lang sayo. Meron ka bang Cappuccino?" sabi ko sabay upo.
Tumango lang uli ito. Napansin kong meron rin mug sa bahagi ng mesang inupuan niya kanina. Is that a coffee too? Para kasing iba ang hitsura.
"Is that a coffee too?" hindi ko namalayang naisaboses ko pala ang nasa isip ko.
Umiling ang babae.
"No, it's a hot choco. I get sleepy when I drink coffee."
Kailan pa naging pantulog ang kape. Di'ba dapat baliktad yung epekto. Weirdo nga siya.
"Bakit ka nga nandito?" sabi nito sabay lapag ng kape malapit sa'kin.
Umupo naman sa harap ko. Meron pang kasamang chocolate chip cookies sa gitna. Hindi niya ito magalaw dahil siguro nandito ako.
"Nacucurious lang kasi ako sa itsura nitong greenhouse. Sabi nila wala daw estudyanteng pumupunta dito, maliban sayo." nakangiti kong pahayag.
"Hindi kaya nacucurious ka lang sa hitsura ko?" sabi niya na ikinagulat ko.
"Medyo, pero parang wala ka namang intensiyon na sabihin sa akin ang dahilan niyang maskara." pagpapakatotoong sabi ko at ngumiti ulit.
Sa totoo lang hindi naman ako madalas ngumingiti. Kahit mga kaibigan ko hindi ko nginingitian. Pakitang tao lang 'tong ginagawa ko.
"Kahit ang ngiti malalaman mo pag-peke alam mo ba yun? Kung hindi ka masaya, 'wag kang ngumiti dahil magmumukha ka lang tanga." sabi nito.
Hindi na ako nagpilit ng ngiti at humigop na lang ng kape.
"Bakit ka nga pala nagmamaskara?" hindi ko napigilan ang sarili kong tanungin siya.
"For personal reasons."
"Anong rason? Pwede ko bang malaman?"
"Hindi mo kailangang malaman. Like you said earlier, wala akong balak na sabihin sa kahit na kanino."
"Ganun, pasensiya na kung pinilit kita." sabi ko sabay higop uli sa kape.
Ang sarap. Siya lang ba ang gumawa nito? Ngayon ko lang napansin na may mini-kitchen at shelf na maraming libro pala dito. Para siyang hang-out place ng mga hardenero. Except hindi hardenero ang nandito.
"Dito ka ba parating kumakain pag lunch?"
"Oo. Dito ko lang kasi makukuha ang maskara ko. Anyway, kumain ka." sabi niya sabay turo ng tray ng cookies.
Hindi ko nakikita ang mukha niya. Pero pakiramdam ko ay nakangiti siya ngayon. Sinubukan kong tingnan ang mga mata niya. Pero may tinted-glass ito kaya hindi ko rin nakita.
"Hindi ka ba naiinitan diyan sa maskara mo?" bigla kong tanong.
"Naiinitan. Kaya nga ako parating nandito sa greenhouse. Ito kasi ang pinakagusto kong lugar dito sa school."
BINABASA MO ANG
The Peculiar Princess
FantasyHow do you define beauty? A BLESSING or A CURSE. This story is about a girl named Raven who thought beauty is a curse because of her dark past. Since that tragic day, nag-desisyon ang ina niyang itago ang mukha niya mula sa mga tao maliban sa pam...