5 years later...
Light's P.O.V
Naranasan mo na bang mairita? Yung sa sobrang irita mo ay parang sasabog ka na. Ganun ang parati kong nararamdaman sa tuwing lalabas ako ng bahay namin. Ikaw ba naman kasi ang dumugin ng mga babaeng nanliligaw sa'yo at lalaking gusto kang maging kaibigan. Tulad na lang ngayon.
"Light, take me with you."-babae 1
"Light be my boyfriend."-babae 2
"Bro, sabay tayong kumain mamaya. Treat ko."-lalake 1
Bakla ba siya?
"Light, I love you. " -babae 3
"Be my boyfriend."- lalake?
Teka, bakla ba yung may sabi nun? Tumingin ako sa direksiyon nito. Ang laki ng katawan pero naka-hairband. Grabe siya... Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
"Oh my gosh! Tumingin siya sa'kin."-babae 2
"Sa'kin kaya. "-baklang tiningnan ko kanina.
"Ako yun bakla ka."-babae 4
"Mga illusyonada, ako yun."-babae 5
"Ako, dahil magpapakasal kami."-babae 1.
At yun nga ladies and gentlemen. Nagsimula na silang magsabunotan. Lugi yung mga babae dun sa bakla dahil maliit ang buhok niya. Aawatin ko na sana, pero nandiyan na yung mga kakilala ko or should I say kaibigan. Magkaibigan daw kami eh. Yun kasi ang gusto ng parents namin. Ang sakit ng tenga ko dahil sa sigawan ng mga nasa paligid, lalo na ng dumating 'tong tatlong to. Ughhh! Pa'no ba naman eh. Parang lahat na 'ata ng mga estudyante dito sa school namin nandito sa first floor. Nagtataka nga ako kung pa'no sila nagkasyang lahat dito. Ganito na daw ang parating eksena dito sabu ng mga kasama ko. Nagsimula na akong sumunod sakanila. Bago pa lang kasi ako dito sa school kaya naman hindi ko pa alam kung saan ang classroom ko. Bakit ba naman kasi ako pinalipat ni mama ng school? Porket nandito ang mga anak ng kaibigan niya. Tss...
"Light, gusto mong ipasyal ka muna namin dito? Matagal pa naman yung first subject natin eh. " sabi ni A.J
Nagkibit-balikat lang ako bilang tugon. Malimit lang talaga akong makipag-usap sa kanila.
"Sige, itotour ka muna namin dito. " sabi naman ni Nico.
Pagkasabi niya nun ay dinala na nga niya ako sa mga lugar sa school.
"Yung building na pinanggalingan na'tin ay para sa Senior high at College students. " sabi ni Nix
Para namang hindi ko yun alam.
"Ito naman ang Auditorium. Dito ginaganap ang mga stage plays ng theater club at dito rin pine-perform ang mga school presentations tuwing may okasyon." patuloy nito.
"I can totally see that. " bulong ko sa sarili.
"Anong sabi mo?" nagtatakang tanong ni Nico.
"Ang sabi ko, may tahimik ba na lugar dito?" tanong ko.
"Ay oo. Dun sa greenhouse, may round table nga dun eh at silver chairs, yun yung sinabi ng principal kaya lang isang tao lang naman ang pumupunta dun. Ang misteryosa kasi ng babaeng yun eh." sabi ni Nix.
"Sino naman yun?"
"Isa sa mga anak ng investors dito sa school." sagot ni A.J
"Ano naman ang misteryo dun?" tanong ko.
"Teka, napansin kong ngayon ko lang narinig na lumampas ng dalawang pangungusap ang pakikipag-usap namin sa'yo ah. " nakangiting sabi ni Nico.
"Huwag mo ngang ibahin ang usapan." mahinahon ko lang na sabi.
BINABASA MO ANG
The Peculiar Princess
FantasíaHow do you define beauty? A BLESSING or A CURSE. This story is about a girl named Raven who thought beauty is a curse because of her dark past. Since that tragic day, nag-desisyon ang ina niyang itago ang mukha niya mula sa mga tao maliban sa pam...